Chapter 8

104 8 6
                                    


Nagulat ako nang bigla siyang nabilaukan sa kinakain niyang cake. Napatayo ako at agad na pumunta sa may likuran niya. Malakas kong hinampas ang likuran niya ngunit mali ata ang nagawa ko dahil mukhang nasaktan siya sa ginawa ko kaya naman ay hinimas ko nalamang ang likuran niya sabay silip sa pagmumukha niyang namumula.

"Gusto mo ng tubig? Ito, inuman mo to, malinis yan" binigay ko sakanya yung baso na may natira pang tubig sa ininom ko kanina. Sinubukan niya kasing uminom doon sa smoothie niya eh wala parin namang nangyari.

Napaubo pa siya at nasamid pa sa tubig na iniinom.

Nang mahimasmasan ay napalingon siya sakin kaya naman ay mabilis akong bumalik sa upuan ko at naupo agad sa pwesto ko.

"Sorry naman, wag mo akong tignan ng ganyan. Oo alam kong makapal ang mukha kong mangutang pero kailangan ko lang talaga, mapagkakatiwalaan mo naman ako eh at saka ikaw nalang ang natitira kong pag-asa" pinagsalikop ko pa ang mga daliri ko na animo'y nagdadasal. Nag
puppy eyes pa ako sakanya, umaasang maaawa siya sakin.

Napatikhim siya. "Wala naman akong sinasabi" sabi niya at inubos pa niya ang tubig na binigay ko sakanya kanina.

"Ganito kasi yan, may lokoloko kasing parang manyak at baliw ang gustong pagbayarin ako ng 100 thousand pesos. Oo, Aminado naman akong may mali rin ako, ako yung may atraso sakanya at may deal kami, it's either gagawin niya akong alalay for a month kung ayaw kong magbayad o dikaya magbabayad nalang ako ng ganong halaga dahil sa ginawa kong pag damage doon sa kotche niya. Pero wala akong pera, I mean may ipon ako pero ayaw kong gastusin iyon, may mahalagang pinaglalaanan ako don. Kaya ang ending pumayag ako doon sa deal na maging utusan niya pero Leo! Mukha kasi yung baliw at baka mawala ako sa tamang katinuan kung pakisamahan ko ang lalaking yon, nakakainis at nakakakulo ng dugo—

Napatigil ako sa pagdaldal nang makita kong napapikit siya na animo'y nahihilo sa mga pinagsasabi ko. Napahilot siya sa kanyang sintido habang ang kanang kamay niyang nakapatong sa mesa ay napasapo nalamang sa kanyang noo.

"A-ayos ka lang?"

Napatingin siya sakin at napasandal nalamang sa kinauupuan niya. "Looks like he's giving you a headache" tila hindi siya nagtatanong sakin at para bang sarili niya ang pinagsasabihan niya non.

"Kilala mo si Matthew? Matthew Guevarra? I mean Matthew Leonardo Guevarra? Kilala ang lalaking yon dito, well known din ang pamilya niya at laging laman sa mga news"

Napabuntong hininga nalamang siya at napatitig sakin.

"I'm sorry to say this but I can't lend you such a big amount of money" napanguso ako bigla at nawalan na ng pag-asa. Oo nga naman, ngayon lang kami nagkakilala sa personal, mahirap magpautang sa taong  hindi mo pa masyadong kilala in person.

"Ganon ba" naging matamlay ang boses ko at napayuko nalamang. "Ayos lang, naiintindihan ko naman" napatingala ako at napangiti nalamang. Sandali kaming nabalotan ng katahimikan hanggang sa magsalita siya.

"Steff, Actually I am——

Biglang tumunog ang cellphone ko at senenyasan muna siya ng 'wait lang' . Agad kong sinagot ang tawag at ang galit na boses ni Auntie Rita ang bumungad sakin.

[" Nasaan ka bang bata ka! Umuwi ka na dito, maraming mga bisita"]

"Ho? Bakit po maraming mga bisita Auntie?"

["Ginagalit mo ba talaga ako Steffanie?! Birthday ngayon ng pinsan mo! Umuwi ka na dito at masabunutan kitang babae ka! Walang maglilinis at maghuhugas ng mga pinagkaninan ng mga bisita dito"]

Oo nga pala, birthday ngayon ni Stacey na isa sa mga anak ni Uncle. Hindi kami masyadong close ni Stacey at mukhang naiilang din kami sa isa't isa pero paminsan ay ngumingiti din naman siya sakin sa tuwing nagkasalubong kami sa bahay. 18th birthday niya nga pala ngayon, muntik ko nang nakalimutan.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon