THIRD PERSON P.O.V
"Can I go home now? it seems that this event is ending," tanong ni Atara sa kanyang katabi . Dahil alam n'yang hating gabi na at antok na antok na siya, tipong gusto na lang niya ang umidlip kahit sandali lang.
"You're not going anywhere, you're coming home with me." Malamig na tugon ng kanyang katabi. Napa buntong hininga na lang ito.
"Wala ka bang balak na matulog?" biglaang tanong ni Atara sa kanya dahil hindi na niya talaga kaya.
"Sleep on my shoulder, I'll carry you later," tipid niyang saad pero ramdam ni Atara ang bawat lambing do'n.
Hindi na lang 'to nag salita at agad na natulog sa kanyang balikat.
Pag pikit palang ni Atara ay naka tulog agad 'to habang si Cassian ay naka masid lang sa paligid at dinig ang bawat pag hinga ng kanyang Empress sa kanyang balikat.
"Son, it's seems that your Empress is already asleep, you can bring her home and give her rest." Saad ng kanyang ama, naramdaman ni Cassian na mahuhulog ang ulo ng kanyang Empress pero agad niya naman 'tong naagapan.
"Go home, and your mom is waiting for me," tumayo ang kanyang ama pag katapos n'yang sabihin 'yon. Hindi naka dalo ang kanyang pinakamamahal na asawa dahil dinapuan 'to ng malubhang sakit.
Nang maka alis ang kanyang ama ay agad niyang binuhat sa kanyang mga bisig ang kanyang Empress.
"You're so tiny, my Empress." Bulong niya ng maramdaman na para lang siyang walang buhat dahil sa gaan ng kanyang Empress.
Paglalakad palang nito sa gitna habang buhay ang kanyang Empress na mahimbing ang tulog, ay mababakasan 'to ng authority. 'yung tipong hindi mo banggain dahil apoy ang sasalubong sa'yo.
Nakaka takot ang kanyang mga tingin, at ang kanyang aura.
Agad siyang sumakay sa karwahing nag hihintay sa labas habang nasa bisig niya parin ang babae na mahimbing na natutulog, na para bang walang paki alam sa paligid.
"Start heading at home," malamig niyang saad sa taong nasa harapan kung saan nandon ang isang kawal na kokontrol ng kabayo.
Tahimik na lumarga ang kalesa at huni lang ng ibon ang maririnig sa baligid hanggang sa maka abut sila sa gitna ng kalsada kung saan mga puno lang ang makikita, makaka raan ka muna dito bago maraming ang pinaka bayan ng Goryo kung saan marami ang mga bahay, nandoru'n din ang bahay ng bagong Emperor na nasa pinaka gitna.
Habang nasa daan sila biglang tumigil ang karwahe, alam ng Emperador na may mga taong kanina pa naka sunod sa kanila.
"Mahal na Emperador! naka sunod ang mga mamamatay tao, na galing sa Emperyo ng Meng!" Rinig niyang sigaw ng kawal na komokontrol sa kabayo. Agad niyang tiningnan ang babaing nasa bisig niya dahil akala niya nagising 'to sa sigaw na 'yon. Pero nakita niyang nanatili 'tong mahimbing na natutulog.
Bumaling ulit siya sa harapan dahil narinig n'yang tumahimik ang kanyang kawal, nakita na lang niya ang pag talsik ng dugo sa nakatakip na puting pader sa karwahing sinasakyan nila.
Nanatiling malamig at kalmado ang kanyang expression. Pero ang kanyang mga mata ay puno ng kakaibang emosyon, na parang papatay na 'to.
Agad niyang kinuha ang babaing nasa kanyang bisig at nilagay sa kanyang tabi, sinigurado niyang hindi 'to magigising. Nang makita niyang nasa maayos 'tong kalagayan ay agad siyang bumaba at hinarap ang mga assassin na nasa labas.
Nakita niyang napapalibutang nila ang karwahe, pinag masdan niya ang lahat, ang talim ng kanyang mga mata.
"Kaylangan mapaslang ang bagong Emperador kasama and bagong Empress ng Goryo, walang iiwang buhay sa kanila," utos ng isang assassin. Tumango naman ang kanilang mga kasama.
BINABASA MO ANG
The Blind Blade: A Merciless Assassin's Reincarnation
Historical FictionShe's the most feared merciless assassin in the world, Evelyn Anais Fiero known as Dark in the world of assassin's. She was called Dark because she's the type of woman who can see you even in the dark, the woman who doesn't let anyone go, she has su...