"Anak magtago ka muna dito sa ilalim ng pugon. Huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi ako nakakabalik ha?" Ang sabi sa akin ng aking ama.
"Bakit po Itay? Ano po ang nangyayari sa labas? Bakit may nagsisigawan? Bakit rinig na rinig ko po ang iyakan ng mga batang katulad ko? Itay?" Ang naluluha kong tanong sa aking Itay.
"Anak, ikukuwento ko na lang sayo kapag tahimik na ang buong paligid. Basta't tatandaan mo ang habilin kong huwag na huwag kang lalabas ng pugon na ito. Babalikan kita! Pangako ko yan!" Ang sagot ng aking ama at agad akong pumasok sa ilalim ng pugon at nagtago.
Halos mapunit ang aking dalawang tenga sa sunod-sunod na pagsabog, sigawan, at iyakan ng mga tao sa labas partikular na ang mga batang kaedad ko ng mga oras na iyon.
Taong 1989 at ako'y limang taong gulang noon. Matagal akong nagtago sa kusina. Sa kusinang iyon na may maliit na pugon sa ilalim ay nakayuko ako. Ang aking dalawang kamay ay itinakip ko sa aking dalawang tainga. Mainit, madilim at tanging maliliit na butas lamang ang maaaninag mo sa loob.
Limang oras akong nasa ganoong posisyon. Basang-basa ako. Pinaghalong luha at pawis ang naramdaman ko sa aking buong katawan. Kahit gustuhin ko mang lumabas o di kaya ay sumigaw pero pinigilan ko dahil nangako sa akin ang tatay ko na babalikan niya ako.
Pero walang anino ng aking ama ang tumawag at nagbukas sa akin. Dahan-dahan akong lumabas. Gulat na gulat akong makita ang mukha ng aming bahay. Animo'y dinaan ng hipo-hipo. Kitang-kita ang mga butas na lumulusot buong silid.
Halos mangiyak-ngiyak naman ako pagbukas ng pintuan ng aming bahay ng makita kong nakahandusay sa labas ang aking duguang ama.
"I-Itay? Itay ko! Hu-hu! Itayyyy..." Ang sigaw ko.
Naging isang mapait na karanasan ang nasaksihan ko noon. Huli na ng malaman kung lumaban ang mga kababayan ko kasama na roon ang aking ama sa mga gerilyang gustong sakupin ang aming lugar.
Pero hindi sila nagtagumpay dahil lumaban ang aming mga magulang. Inialay nila ang kanilang buhay upang hindi maangkin ng sino mang lapastangan at sakim sa kayamanan ang kaisa-isang lupang ipinamana pa ng aming mga ninuno.
Ang bayang tinutukoy ko ay ang Sitio Kalinong!
Naglalakihan man noon ang mga palaso at sibat pero hindi natinag ang aking mga kababayan upang ito'y harangin.
Rinig na rinig ko pa noon ang mga katagang:
"Hindi niyo makukuha sa amin ang lupang ito sampo ng aming mga pamilya!"
"Dadaan muna kayo sa ibabaw ng aming bangkay bago niyo maangkin ito!"
Sa tuwing maalala ko iyon ay hindi ko mapigilan ang umiyak. Iyak lang ang tanging alam kong paraan upang mabawasan ang hapdi at kirot na aking naramdaman dekada na ang nakakaraan.
Kung sana ay nasa wastong gulang lang ako nang mangyari iyon, marahil ay nakadaupang palad ko rin ang pumatay sa tatay ko at sa mga kababayan ko. Marahil ay isa rin ako sa mga matatapang na lumaban sa kanila.
Ako lang ang nakaligtas. Wala silang tinira. Bata man o matanda, lalaki man o babae ay walang awa nilang pinagbabaril at pinatay.
Dumanak ang dugo sa buong bayan ng Sitio Kalinong!
Ako'y isang hamak na batang paslit lamang at walang kamuwang-muwang pa. Walang kalaban-laban! Walang lakas ipagtanggol ang sarili at ang aking ama!
Wala mang matibay na rason kung bakit ayaw akong palabasin ng tatay ko sa pugong naging taguan ko, nailigtas niya naman ako kay kamatayan!
"Mr. Mark Cortez, handa ka na bang ipaliwanag ang kahulugan ng iyong iginuhit may kinalaman sa nalalapit nating Independence Day theme?" Ang tanong ng aking guro sa Heograpiya at Kasaysayan.
"Opo, Ginoong Lorenzo. Handa na po ako!" Ang sagot ko at nagsimulang magpaliwanag.
"Kung mapapansin niyo, iisang mukha ang makikita niyo sa larawan but it was divided into two." Ang panimula ko.
"Ang unang kalahating mukha na may patak ng luhang kulay pula at nakatingin sa isang sirang komunidad kung saan may nakahimlay na bangkay ng mga tao, may nagsisigiwang tao, nasusunog na bahay, at iyak ng mga bata, symbolizes pain, agony, misery, and pangs of violence." Ang dagdag ko.
"Samantala, ang kalahating pigura naman na nasa kaliwang bahagi ko ay makikita mo ang payapa, matiwasay, at walang gulong pamumuhay ng tao. Mga batang masayang naglalaro ng habulan. Mga babaeng naglalaba sa ilog at mga barakong nagtatanim sa kabukiran. Lahat sila ay nagsisimbolo ng salitang Kalayaan at Kapayapan." Ang pagtukoy ko.
"Ngayon, how is this picture related to our Independence? Simple lang! Namuhay tayo noon sa takot, galit, poot, at maging sa kasakiman. Nagpadalos dalos tayong gumawa ng hakbang upang masira ang kapiranggot na pag-asang magkakaroon pa ng kapayapaan. Nadala tayo ng ating masidhing pagnanais na protektahan ang anumang mahalagang bagay mayroon tayo kasama na ang pagbibigay proteksyon sa ating ari-arian at pamilya. Samakatuwid, hindi tayo malaya!" Ang pagsasalaysay ko.
"Ngayon, hindi man natin lubusang nakamit ang kapayapaang tinangka nating makuha, napalitan naman ito ng Kalayaan. Bakit? Dahil, malaya nating nagagawa ang gusto natin ngayon na walang takot sa ating mga puso. Malaya nating naibabahagi ang ating emosyon sa iba't ibang paraan gaya ng medya, dyaryo, radyo, at telebisyon. Malaya nating naisisiwalat ang lahat ng kabulastugang nangyayari sa ating lipunan hindi sa palasong at sibat kundi sa ating mga panulat at pakikibaka." Ang pagtatapos ko.
"Magaling Mr. Cortez. Pinahanga mo ako sa iyong obra. Naramdaman at naisapuso ko ang ibig mong ipahiwatig! Muli, maraming salamat! Makakaupo ka na!" Ang sabi ni G. Lorenzo.
Isang masigabong palakpakan ang narinig ko habang ako'y pabalik sa aking upuan. Pagkaupo ko ay nagsalitang muli si Ginoong Lorenzo.
"Mga mahal kong estudyante, magkaiba man ang panahon noon, malaya man tayo noon o malaya tayo ngayon, huwag na huwag nating kakalimutan ang mga taong nagbuwis ng buhay para sa ating kasarinlan. Dapat nating isapuso at bigyan ng halaga ang bawat dugo't pawis na kanilang ipinunla. Huwag nating hayaang magharing muli ang takot sa ating mga puso. Let us be grateful to our God Almighty for more than 100 years of Freedom we have acquired. Class dismiss!"
BINABASA MO ANG
Kalayaan: One Shot Making Contest
Ficção GeralONE SHOT CONTEST FUSION OF 2 Different Groups: WPP and RAW A sister group of Simply Wattpad Writer and Reader Give us your best shot! Theme: Independence Day