Engineer, Psychologist, Teacher, Stewardess, Computer programmer, Architect, Lawyer, Policewoman, Doctor, Nurse. Waitttt?? Ano nga ba talaga ang gusto ko -_-" Haysss. Malapit na ang pasukan. Well. Yeahh . Kahit ano , kahit san dyan pwede, afford namin,nasa States ang parents ko, may business kami doon. Sobrang malaya ako dito sa Pinas, sina Manang Lagring lang ang kasama ko. Uhmmp. Maybe I'll take Engineering na lang, kapag di ko kinaya I'll shift to Political Science, pag hindi pa din kinaya Fine Arts naman , hindi ako titigil until mameet ko yung right course for me. Unlimited nga ba ang kalayaan ko? UNLIMITED yan . Mayaman kami e ;)
Nakakapagod magisip, pupunta na sana ako sa kusina ng may makita akong time hole sa pader... *Blink* Blink* isa talaga 'tong time hole. "What to do? What to do?" Malapit ng magsara ang lagusan.. Sabi ko nga kanina, SOBRANG MALAYA akooo, It's Adventure Time na sabi ni Fin. HAHA. Pinasok ko ang time hole.
WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!! Ambilis , nakakahilo . OUCHHH!! "Nasaan ako" ang daming tao pero bakit parang may kakaiba. AHA!! Bakit may mga tanikala sila sa paa. Ano ba to?? Nasaang panahon ba ko -__- Mali ata ang ginawa kong basta pagpasok sa time hole na iyon. Bakit sila naglalakad ng mayroong ganoon sa kanilang mga paa?. Bakit may mga taong mistulang amo nila? Anong mayroon dito? Mga alipin ba sila?
Bago pa ako mabaliw sa mga nakikita ko ay may biglang humila sa akin , dagling nabalik ako sa kasalukuyan, naputol ang aking mala lohikal na pag iisip sa kung anong nakikita ko ngayon. Isa kaya itong misyon o isang pagsubok? O baka naman ito ay isang leksyon. Marahil ay nakatadhana ang pangyayaring ito sa aking buhay. "Mawalang galang sa'yo iha, anong ginagawa mo dito sa aming lugar? Malamang ay naliligaw ka sa iyong paglalakbay." hindi ako sumagot sa tanong ng Ginoong iyon, sa halip ay nagtanong pa ako. "Ano po bang mayroon sa lugar na ito?Bakit po nakakadena ang kanilang mga paa?Sino po ang mga taong gumagawa ng ganyan sa kanila.Hindi po ba uso ang kalayaan dito sa inyong lugar?" kunot noong sumagot ang Ginoo. "Binibini, mas mas makabubuti sa iyo kung ngayon pa lang ay lilisanin mo na ang bayang ito." Masama ang kutob ko sa lugar na ito. Maraming mali. Hindi maari, hindi ako aalis hangga't walang sagot ang aking mga katanungan. "Ginoo, maari po bang sagutin ninyo ang aking mga katanungan?" ngunit inilihiis lamang nito ang kaniyang ulo at nagwika habang humahakbang palayo "Nasa pa rin ang desisyon kung mananatili ka, pero binalaan na kita. Palaging nasa huli ang pagsisisi, iha. Mag-iingat ka" tama naman ang Ginoo. "SALA—-" Magpapasalamat pa sana ako ngunit bigla na lamang syang naglaho.Naku may sa maligno pa yata yun eh :3
Nakakaisang hakbang pa lamang ako nang biglang may nagposas sa akin. HALA! LAGOAT! Anong meron? "Hmmp. Bakit niyo po ako pinosasan? May kasalanan po ba ako?" paglalakas loob na tanong ko pero parang hangin lang ang kinausap ko dahil hindi sila sumagot. Nakakaramdam ako ng itim na aura sa kanila. Marahil ay nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng masamang nilalang. Napakabilis ng mga pangyayari, pagkagising ko ay nasa isa na akong selda at mayroong posas ang mga paa. Nagmasid ako sa paligid, hindi pala ako nagiisa dahil may kasama akong isang batang babae na mahimbing na natutulog. Nabagabag ako nang biglang umungot ang bata. "Uhmmp, Inay.. Itay..Tulungan niyo kami." Naku, Binabanungot ang bata. Mahirap man para sa akin ang humakbang ginawa ko pa rin, Hinaplos ko ang buhok ng bata.Hindi ko namamalayan na umiiyak na ako. *punas luha* kaasar!! naaalala ko ang sarili ko sa batang ito, noong bata pa ako madalas akong gumugising na singkit ang mata at maraming muta, umiiyak kasi ako habang natutulog. Sobrang pagungulila ang dinanas ko sa mga magulang ko, pero ngayon sanay na ako, atleast di'ba malaya ako....
Mumulat na ang bata at huminto sa paghikbi at biglang nagwika "Ate, pakiusap iligtas po ninyo ang aking mga magulang, mga alipin na po sila ngayon at kapag hindi po natigil ang kanilang pamamalakad ay magiging alipin din po tayo..Habangbuhay." Ano? Ibig sabihin ay magiging alipin din ako?! Hidi maari, dapat ay makabalik pa ko sa aking panahon.Kailangan kong lumaban. "Huwag kang mag-alala lalaban tayo. Lalabanan natin sila" Determinado na akong nagiisip kung ano ang maaring gawin kasabay ng aking paulit ulit na panambitan sa Pangioon. Isang kumikinang na bato ang aking nakita at naalala ko si Darna. "Panginoon, Ito na po ba ang sagot sa aking dalangin? Humangin ng malakas . HOHO! Nilunok ko na ang bato at sumigaw ng DARAAAAAAAAA!! Nakaramdam ako ng napakalakas na enerhiya sa aking katawan, pakiramdam ko ay naging isa akong Super Sayan. "O___o Ate, ano pong nangyari sa inyo?" Nginitian ko lamang sya sabay sira ng rehas. Nakita ako ng mga nagbabantay sa amin pero madali ko silang napatumba. Sinira ko na din ang mga rehas ng iba pang mga bihag.
"INAYYYYYYYYYY,ITAYYYYYYYYYY" masayang sambit ng bata.
"WHIIHIHIHIHIHIHIHIHIHI, Anong kaguluhan ito? Sino kang babaita ka? Wika niya sa akin.. Ngumiti ako 't taas noong nagpakilala. "Ako si Dara ang tagapagligtas nila.!" sabay hagis sa kanya ng magic bote "Ano to, Anong————" tuluyan ng nakulong ang masamang nilalang na iyon sa magic bote.
"MALAYA NA KAYOO"
"DAARRAAAAA!!!, Gising na!! " Naalimpungatan ako ng marinig ko ang hiyaw ni Manang Lagring. Ngayon nga pala ang araw na magiinquire ako sa school kung anong course ang kukuhanin ko ngayong kolehiyo. Napagtanto ko na hindi ko pala dapat inaabusso ang kalayaan ko dahil may mga taong hindi iyon natatamo. Business Administration Major in Marketing, yan ang aaralin ko para makatulong ako sa parents ko. Masarap maging malaya , pero huwag natin itong aabusuhin.
BINABASA MO ANG
Kalayaan: One Shot Making Contest
Narrativa generaleONE SHOT CONTEST FUSION OF 2 Different Groups: WPP and RAW A sister group of Simply Wattpad Writer and Reader Give us your best shot! Theme: Independence Day