Balik - Tanaw : V.

15 1 0
                                    

jusqu'à la fin.
( until the end. )

Liham mula kay Heather Ledesma.

August 19, 2023.

Pagbati sa’yo, Jice. Itong liham ay para sa minamahal kong Yelo na tanging mahal ko sa buong mundo. Ikaw lang ang nag- iisang bituin na nag-niningning sa kalangitan, Jice. Ikaw lang ang tanging lalaki na dapat lang ay para sa akin. Ikaw lang ang taong nagbigay ng pagmamahal at pag- ibig. Ikaw lang ang nagbigay sa akin na magpatuloy sa araw- araw. Ikaw lang ang lalaking hinding- hindi ko makakalimutan, Jice.

Ang iyong pangalan na kasing- tigas ng pader pero hinay- hinay nang natutunaw sa loob ng panahon. Ikaw ang may pinakamabuting loob at puso, Jice. Kaya ang tao sa paligid mo rin ay natutunaw dahil sa’yo. Kasing tigas ng iyong ngalan ay ang kasing lambot naman ng iyong puso.

Hindi ko mawari na ikaw ay naging akin, Jice. Isa ako sa mga masasayang tao na nakilala ka. Ikaw lang ang tanging mahal na palagi kong hinahanap. Ikaw lang ang tanging lalaki na mahal ko.

Masaya ako sa mga araw na narito ka, masaya ako sa mga araw na nagkikita tayong dalawa, at masaya ako sa araw- araw na alam kong tayo ay mag- kasintahan. Walang ibang salita ang makakaintindi sa aking pagmamahal sa’yo, Jice. Ikaw lang, at walang iba.

Jice, sa loob ng maraming taon ng ating pagsasama. Patawad at ako’y naging masama sa’yo, sinta. Patawad sa aking mga nagawang kasalanan. Alam ko na ang mga hingalo kong ito’y walang kalaban- laban kung wala naman ako sa gawa.

Mahal kong, Jice. Ikaw lang sa akin at wala nang iba. Ikaw lang hanggang ako’y malagukan nang hininga. Ikaw lang ang tangi kong iibigin hanggang sa pagtanda. Ikaw lang ang aking mamahalin sa dulo ng hangganan. Mahal kita, Jice. Mahal na mahal. Jusqu'à la fin, mon amour.

Balik - Tanaw | HeeJayWhere stories live. Discover now