Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang pagkatao ni Jal nang mabasa ang ika- dalawampu’t isang pahina ng talaarawan. Ito’y naglalaman ng mga hinaing ng binata. Ito rin ang unang nakasaksi ng kaniyang sakit na ininda ng limang taon.
“I went to the hospital today. I’ve been feeling ill these days and I cough blood. I found out that I’ve been diagnosed with pneumonia. I can take medicine daw, pero it doesn’t mean na it will fade away. What am I supposed to do now?
December 3, 2019”
“Hindi ako nakapunta sa gala namin magkakaibigan. Tangina talaga, isinugod na naman ako sa ospital. Pang- ilan na ba to ngayong linggo? I collapsed sa door way namin and was about to go out na. Paano na ’to?
January 16, 2020”
“Hello, ito na naman ako. Ilang buwan ba ako hindi nakapagsulat dito. Mga limang buwan din. Sa loob no’n, maraming nangyari. Jal and I, we’re official na. Sinagot na niya ako. I am so happy with him. Tanging siya lang pahinga ko sa nakakapagod na mundong ito. Mahal ko siya. Mahal na mahal.
Pero, syempre, dahil mapagbiro talaga ang tadhana, may pasabog pa. My doctor said that I have three years to live. May taning na buhay ko. Tangina naman. Akala ko I’m getting better, kasi I don’t feel anything right now only to know na I’m getting worse. Putanginang buhay talaga ’to. Nalilito na ako, hindi ko na alam gagawin. Hindi ko man lang masabi sa nobyo ko ito. Natatakot ako. Natatakot akong mawala. Natatakot akong mawalay sa kaniya. At mas natatakot akong baka mamatay lang ako nang hindi niya alam.
June 18, 2020.”
Humihikbi na ang binata sa kaniyang nabasa, sobrang sakit na parang ang kaniyang puso’y hinay- hinay na winasak ng journal na ito. Dito lamang niya nalaman ang mga saloobin ng kaniyang kasintahan dahil sa tatlong taon nilang pagsasabi, ni isang daing at reklamo sa nobyo ay wala itong marinig.
Alas tres na nang madaling araw at panay iyak pa rin ang binata, kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Tila ba ay nakikiramdam din ang panahon sa kaniyang idinaranas.
Hindi kalaunay nakatulog na rin ang binata na balot ng luha ang punda ng unan.
JICE
Nagising ako sa ilalim ng matarik na araw. Umaga na naman. Araw na naman para magpaka- abala sa mga gawain dito sa bahay. I’ve been living alone since Heath died. Ako lang mag- isang umaasikaso sa sarili ko simula noong araw na iyon. It’s actually a cycle right now, I’ve been used to it.
Pumunta ako sa banyo at nag- tooth brush, I washed my face na rin. Lumabas na ako sa banyo at nakitang gulo sa lapag. Ah, right. The journal.
Isa- isa ko itong ipinulot nang may mahulog sa mismong journal. Jusqu'à la fin ang nakasulat. Ipinagwalang bahala ko ito at ipinasok sa mga pahina ng journal. Bitbit ko patungo sa baba at inilagay sa sala. I cook breakfast for myself. I cleaned the whole house and it’s time for myself to rest.
YOU ARE READING
Balik - Tanaw | HeeJay
FanficInspired by : 'Di Ka Mahirap Mahalin - Silent Sanctuary Jice received a journal from his lover's brother, containing the things Heather wanted to do with his boyfriend before he took his last breath. ⊱ ──────ஓ๑♡๑ஓ ────── ⊰ Status : Completed Highest...