Kabanata 15

129 4 0
                                    

Iniwas ko ang pag akbay niya sakin at naunang pumasok sa boarding house.  Malimit ang Tao dito   dahil dito nakatira si Nay melds. Kahit na ayaw niya ako magbayad ay ako na mismo pumilit dahil nakakahiya sakanya.

Sumalubong saamin ang cute na batang ngumingiti palapit sa direksyon ko.

" Lola! Andito na po si Ate Camilla!" ang takbo nito palapit saakin na kumurba ng matamis na ngiti sa labi ko.

Ang mainit nitong yakap ay ramdam mo naulila ito sa kanyang Ina na matagal nang hindi siya binabalikan simula noong tatlong taong nakalipas.

" Kamusta ka na? Hindi ka ba nagpapasaway Kay Lola mo?" ang hinahaplos ng kamay ko ang buhok niya habang tinatanong ito.

Ang ulo nito ay tumingala saakin,  ang singkit nitong mata na hindi kabilugan na kumikisap  sa Ganda nito.

" Hindi po ate, syempre Sabi mo behave ako " Mas siniksik nito ang sarili sakin na mukhang  kanina pa ako hinihintay.

" Oh, andyan ka na pa la iha," ang mata nito ay napatingin sa dala ko " diba.. Sabi ko sayo wag ka nang mag abala sa pagkain, ang tigas din kokote mo "

Lumapit ito papunta sa direksyon namin. Timing kakasunod din si Ember.

" AY naku.. Madam, matigas talaga, kahit ihampas mo pa yan sa pader ganun padin ang desisyon" 

Ito talagang kasama ko Kung ano-ano ang pinagsasabi " magpalit ka muna ng suot mo iha bago tayo kumain"

Hawak ko ang kamay ng batang paslit na si skyler, napabitaw ito sa pagkakahawak ko ng  makita niya si Ember na may dala dalang pagkain as always may puto bongbong.

Iniwan ko sa hapag kainan ang ulam Kong binili upang magpalit mu na ng damit. Pagkabukas ko ng drawer ko. Puting t-shirt at pajama.

Lumabas ako ng silid, sakto naabutan ko si skyler na mukhang aayain akong maghapunan.

" Ate dito ka po" tapik nito sa upuan na nasa tabi niya.

" Uy.. Skyler, bakit si Camilla lang? Andito naman ako ah"  simangot na angal ni Ember.

Ang mata ni skyler ay na sa akin nakatingin, ni hindi pinansin ang nagseselos na si Ember.

Wala akong nagawa dahil sa mata nitong nag bi beautiful  eyes. Sino ba naman ako Para tumanggi?

Natapos ang hapunan namin ay pinapunta na sa silid ni nay melds si skyler upang magpahinga. May pasok pa kasi ito bukas.

" Camilla" mahinang boses na ikinalingon ko.

Si Ember pa la " ops?"  ang mata ko ay nakatingin sa kanya na hawak ang cellphone nito.

" Kilala mo toh?" tanong ni Ember sabay pakita sakin  nang screen ng cell phone niya.

Hinawakan ko ang pulso nito dahil sa sobrang lapit na kulang na lang ipakiss saakin ang screen ng cell phone.

Nang Maka adjust ang tingin ko ay unti unting nag screenshot sa utak at mata ko na kanina ko Lang iniisip.

" bakit? Anong meron?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay gusto Kong malaman Kung bakit niya tinatanong ito sakin.

" nakauwi na daw ng Pinas, kaka tapos lang solo concert tour" ang mata nito ay nakatingin lang sa cellphone na mukhang nag soscroll sa social media.

" Tignan mo toh.."  lumapit ito sakin sabay pakita sakin ng live niya sa IG.

" Oh tapos?" parang tanga Kong tanong sakanya.

Tinignan ako nito na parang hindi makapaniwala may kasamang pailing - iling " Alam mo, sa Kay dami rami ng Tao nakilala ko bakit ikaw pa ang nakilala ko? Kita mo naman dhay.. Nakakahulog ng panty Kung tumingin." nag screenshot pa ito ng tumawa si Zander.

Pretty Baby Series #2 : ADMIRING HER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon