Kabanata 20

132 3 0
                                    

Nag uusap sila habang palapit ako, binaba ko ang bawat tasa na Para sa kanila.

" kamusta ang buhay binata Jaxx?" unang tanong ni Zander na nagtama ang aming mata.

" what is buhay binata? You mean being gorgeous? It's better man"  ngisi nito sakin na ikinaiwas ko ng tingin.

Lihim kasi yun, may kinikita siyang babae, ngayon lang nagpakita sakin dahil siguro nandito si Zander. Sabi niya may babalikan lang siya. At ito ang pinagtataka ko dahil wala akong Alam sa pinag usapan nila ng kaibigan. Huli Kong pagkakatanda may sinabi siya sakin kaso naputol ng tinulugan ako nito sa kalasingan niya.

Kaya ngayon ay nagpapanggap kami na hindi masyado magkakilala.

Umupo ako sa kabilang upuan Kung saan malayo sa kanila. Tanaw dito ay parang hindi nagkita ng Ilang taon sa sobrang ingay nila na akala mo nagtitinda ng karne ng baboy.

Kailan ba kasi matatapos ang kontrata hindi ko man lang nabasa? ang tanga tanga Para ibigaysa kanya agad agad.

Ipinikit ko ang mata. Sa loob ng isang buwan naming pagsasama dito sa Bahay ay halos research lang ang inaatupag minsan hindi na siya lumalabas sa lungga niya.

Napapaisip ako Kung paano niya napagsasabay ang work niya bilang artist at archeologist.

Wala akong Alam Kung ano ba ang talaga ang pinunta niya sa states Para mag stay Doon ng apat na taon ni kahit hi or hello dito ay wala.

Napatigil ako ng may narinig akong ingay na nanggaling sa labas. Parang putok ng baril.

Napatingin ako sa kasamahan ko ni isa sa kanila ay ni walang pagtigil, tuloy tuloy lang ang pag uusap.

Siguro ay malapit ako Kaya ako na ang lalapit. Naglakad ako papunta sa bukana ng gate Kung saan Doon ko narinig ang nagpapalitan ng putok ng bala.

_*bang! *_

Para akong nabuhusan ng malamig  na tubig sa biglang  pagtigil ko. Ang bala ay lumusot sa pader ng gate na mabuti na lang nakaiwas ako.

" Cial.. Get inside, kami na ang bahala dito" hindi pa ako nakakapag react ay mabilis akong kinarga nito papunta sa loob ng Bahay.

" Sana ol!  Sabi, trabaho muna.. Scammer tong si Zander, pakasalan mo na kasi!" maingay na Sabi ni Finn.

Ang kasamahan nito ay nagtawanan saamin. Hinampas hampas ko siya sa braso dahil nararamdaman Kong ackward ang position namin.

Mabilis pa sa bulate akong nakawala dahil sa biglaang pagbitaw nito sakin. P*tang*na ang sakit ng pagkakabagsak ko  sa semento. Sinamaan ko siya ng tingin.

Ang Tonto hindi tumitingin sakin. Naagaw pansin ng mata ko ang malapit sa bewang niya.

A GUN.

Nagsilabasan sila habang naiwan sa loob na nakanganga. Ang bawat paghinga ko ay  bumibilis sa kabang  hindi ko malaman.

Kahit na naghihina ang tuhod ko dahil sa ingay na nanggagaling  sa labas ay nagsikap akong tumayo kahit na nanginginig. This scene reminds me the death of my parents, hindi lang pagkasunog ang dahilan ng pagkamatay nila, naniniwala akong may nag utos para barilin at ipasunog ang Bahay namin.

Sumilip ako malapit sa bintana Kung saan walang kahirap hirap na pinag babaril sa ulo ang komokontra sa kanila.

" Wag!" napalakas ang tili ko ng muntik ng masaksak si Zander sa tagiliran.

Ang pag tingin sa direksyon ko ng hindi inaasahan ng kalaban nila ay napangisi.
Sumakit bigla ang ulo ko Kung bakit  biglaan ito. Bakit ngayon pa?

Marami akong nakikitang lawa. Mabilis pa sa alas kwarto. Ay tumakbo ako sa kwarto upang hanapin ang gamot ko dun.

Pretty Baby Series #2 : ADMIRING HER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon