Kabanata 16

117 4 0
                                    

" Oh my gosh dhay.. Bakit nandito si Angelique Morfe? Balita ko.. Masama ugali niyan " ang pagtapik ni Ember sa kamay na halatang may Alam ito na hindi ko alam.

Nabaling ang attention niya saamin na Kung Maka ngiti ay parang angel ngunit hindi mo maipagkaila ang kilay nitong mapagmataas.

" kasama ko sila, wala kasi akong kasama pauwi , nandyan ba si Sir Zander?" tanong nito Kay Angelique na nakadekwatro ang kamay.

Ilang Segundo bago pa kami nito sinagot " of course po, halika kayo.. Sigurado akong miss na kayo non" masaya nitong sambit na may kaartehan sa pagsasalita.

Niluwagan nito ang pag bukas ng gate Para kami ay makapasok.

" Angelique" tawag ni nay melds sa kanya.

" Yes po?" nag bi beautiful eyes pa ito habang nakatingin sa kanya ang matanda.

"  anong relasyon mo sa alaga ko?"  tanong nito na ikinabilis ng puso ko.

Ang labi nito ay napangisi na parang excited sa sabihin " Hmm.. Hindi ko man gusto sabihin, fiancé niya po ako" amin nito na tumingin pa saamin. Sa akin.

" Kita mo yan? Yan ang mukha na hindi mo mapagkakatiwalaan, maganda nga bansot namin ang pag uugali.  Alam mo naman Camilla na malakas ang pang amoy ko kapag ang Tao ay nag papanggap lang o hindi" inipit nito ang boses na bumubulong sakin.

Tinapik ko ang likod niya. Na wag ma ingay.

Tinignan ko ang kabuuan niya. Noon nakikita ko Lang siya sa screen na kasama nito ngayon nakikita ko na siya sa personal na parang diwata na kumikinang sa Ganda.

Iniwas ko ang tingin ko na Fiancé niya ito. Ang Zander yun.. Parang ayaw ko nang makita.

Wala akong nagawa ng hinigit ni Ember ang kamay ko sa loob ng Bahay. Ang katahimikan namumutawi sa utak ko habang pinagmamasdan ang loob ng Bahay. Maraming nagbago sa loob. Renovate.

" Wait Lang po Tita Melds, puntahan ko Lang si Zander sa silid namin." tumakbo ito na may kagalakan sa pagalaw ng katawan niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa kasama ko na  nakaupo sa sofa. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at tinignan ang bawat sulok ng Bahay. Nandito Kaya yun?

Napadpad ang tingin ko sa family picture. He like smiling but intimidating to look in his eyes.

Ang bawat maliit na frame na malapit sa Gilid ng TV na noon ay wala dito. Bakit ngayon niya lang naisipan ilagay Kung kailan nandyan na siya?

Napahinto ako ng may litratong familiar sakin. Ito Yung nakita ko sa sasakyan. Ang kapal talaga may nalalaman pang importante ako.

Hindi ko alam bakit ang bigat na parang hindi ako makahinga. Huminga ako ng malalim sabay buga ng mahina. Matagal ko nang nilimot I guess hindi pa ako nakakaahon.

" Tita melds!"  napalingon ako sa boses na tumawag sa Kay Nay melds.

Ang kamay nilang magkahawak pababa ng hagdan. Sa una hindi ko pa maaninag ang imahe nito.

Ang kanyang mata Tila bagong gising na ang isang mata ay Naka pikit pa mukhang pagod sa biyahe.

Na sa likod ako ni nay melds Kaya kampante akong hindi niya ako makikita.  Kung noon hindi masyado nakadepina ang ang panga niya ngayon ay halos buong mukha na. Pa ti ang tangkad nito at katawan ay Mas naging mainit sa paningin.

Totoo nga baliw ang hindi nagkakagusto dito.

" Nay melds.." ang garagal na boses niya ay Tila ikinatindig ng balahibo ko.

" Dhay.." tapik ni Ember sakin na Medyo napalakas. Ito na ang sinasabi ko " Bakit hindi niyo sinabi sakin na Si Zander Steele pa la ang bibisitahin natin?" ang pagyugyug nito sa balikat   ko parang kasalanan ko pa.

Pretty Baby Series #2 : ADMIRING HER (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon