Chapter 9

136 10 11
                                    

Buong akala ko ay magkakaroon ako ng pahinga ngayong araw ng linggo pero saktong pagkagising ko bandang alas seyete ng umaga ay bumungad nanaman sakin ang isang tawag. Tawag na galing nanaman sa lalaking maluwag ang tornilyo.

Ayos sana kung si Leo yung tumawag, kahit puyat ako ay walang problema sakin. Tinulungan niya ako kagabi at bandang alas otso ay pinauwi ko na siya ng sapilitan dahil nahihiya na rin ako sakanya, mukhang pagod at inaantok na rin si Leo kaya kahit marami pa akong tatapusin at lilinisin ay pinakain ko muna siya ng patago pagkatapos ay pinauwi na. Ramdam kong tutol siya sa gusto ko pero wala siyang magawa, pinagbantaan ko na ang buhay niya sa oras na hindi siya sumunod sa gusto ko.

Matagal din natapos ang birthday party kahapon, mga bandang alas nuebe ay nagsiuwian na ang lahat ng mga bisita. Mas lalo kong nakita ang mga kalat at hugasin nang magsialisan na silang lahat. Pagkatapos nang lahat ay nagsitulugan na sila at ako naman itong naiwan mag-isa para linisin ang mga kalat nila.

Si Stacey naman ay kahit pagod ay nag-abala pang tulungan ako for the first time sa pag a-arrange ng mga upuan at mesa pero ako namismo ang nagpumigil sakanya. Kaarawan niya kagabi kaya pinapahinga ko na siya at halatang inaantok narin. Mabuti nalang at kahit pagod ako at gusto nang matulog ay nagawa ko paring tapusin ang lahat ng mga gawain lalo na at nandoon sa tabi ko sina Mariella at Scarlet na nasa labing pitong taong gulang palang na siyang isa sa kapatid nila sa ama.

Wala rin namang ginawa ang dalawa kundi ang kwentuhan lang ako ng kung ano-ano kaya kahit papaano ay nawala rin ang antok ko. Yeah, hindi kami ganon ka-close pero ipinagsasalamat ko na nagawa parin nila akong pakisamahan at samahan kagabi lalo na si Stacey na kahit hindi naman niya ako kinakausap dati at paminsang naaawa pa sa sitwasyon ko ay nagpasalamat parin naman siya sakin kagabi. Ayos na rin iyon, at least marunong ang magkapatid na e-appreciate ang presensya ko sa pamamahay nila.

Tanging si Auntie Rita lang naman ang medyo kontrabida sa buhay ko at tutol sa pagpapatira ni Lola sakin dito dahil nga sa past nila ng Mama ko na hindi ko alam kung ano. Si Uncle Jeynard naman, kahit babaero, sugarol sa sabong, at likas na manloloko ay kahit papaano ay wala lang sakanyang nakitira ako dito. Paminsan din naman kasi iyong umuuwi dito sa bahay. Paminsan pa nga ay binibigyan niya ako ng pera na nasa isa o dalawang daan lang naman sa tuwing kaarawan ko, thankful na rin ako kahit na minsan ay kung utusan niya ako ay tila parang binabayaran niya ako, masyadong iyong demanding at bastos minsan na siyang hindi ko gusto sa ugali niya.

"Oh? Ano nanaman?" bungad ko sa kabilang linya nang sagotin ko ang tawag.

["Guevara's Wine Company, punta ka dito ASAP"]

Napaikot nalamang ang mga mata ko at mini-mimic ko lang ang mga sinasabi niya na walang boses.

["Hey! Nakikinig ka ba? Alam mo naman siguro yung Unforgettable Wine diba?"] tukoy pa niya sa isa sa mga sikat na brand ng wine nila. Sinong hindi nakakaalam non? Eh may advertisement iyon sa Television lalo na rin iyong isang sikat na pangalan ng wine nilang 'Margarita'.

"The wine you'll never forget, The Unforgettable Wine, tastes bitter but will surely fill you with the sweetest texture'... Oh? Ano? Tama ako noh? Memorize ko yung quote-quote na ginawa ng production niyo. Lagi ko yang naririnig saan-saan. Medyo ang baduy nga lang pakinggan, malamang you'll never forget that wine kasi pinangalanan niyong unforgettable. Halatang puyat ang may-ari" patama ko pa sakanya.

Kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman kong napailing nanaman ang lalaking to. Naririnig ko pa ang marahan niyang pagtawa at pagpipigil. Na-realized siya sigurong totoo ang sinabi ko.

["Don't make me laugh Steff, may atraso ka pa sakin. Hindi lang kotche ko ang ginasgasan mo, pati mukha ko ay hindi mo pinalagpas"]

Natauhan ako bigla at naalala ang ginawa ko sakanya kahapon. Anak ng potcha! Nakonsensya ako bigla.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon