𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐋𝐈𝐅𝐄

182 7 6
                                    

"Aray pa tama na nasasaktan na ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Aray pa tama na nasasaktan na ako." patuloy kong iniiwasan ang mga malalakas na suntok ni Papa.

"Dapat lang yan sa'yo wala kang kwenta wala kanang ginawang tama puro kahihiyan nalang!" singhal niya sa'kin at dumapo ang malakas na suntok sa mukha ko.

"Wala naman po akong ginawang masama, tama na po." patuloy parin nya akong sinusuntok at tinatadyakan.

"At aba sumasagot ka na, walang modo!" sinabunutan nya ang buhok ko inuntog ako sa pader.

"P-pa tama na, 'di ko na kaya." nandilim ang paningin ko pero pinilit kong tumayo.

Hinawakan ko ang ulo ko at may nahawakan akong mamasa-masa at pagtingin ko ay dugo.

Lagi nalang akong ginaganito ni Papa, lagi nalang akong minamaltrato ng pamilya ko. Lahat sila walang pake sakin, para na nila akong pinapatay kahit wala naman akong ginagawang masama.

Naglakad ako palabas ng bahay kahit nanlalabo pa paningin ko.

"At saan ka pupunta?" tanong ni Papa.

"Sa Labas magpapahangin." sagot ko sa kanya habang 'di lumilingon.

"Wag kanang babalik!" madiin nyang pagkakasabi ngunit binalewala ko lang.

Naglalakad ako papunta sa condo ng girlfriend ko, siya nalang ang masasandalan ko ngayon, siya nalang ang meron ako.

Habang naglalakad ako maraming napapatingin sakin dahil siguro sa itsura at kalagayan ko ngayon ngunit binalewala ko lamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

Nandito nako sa labas ng condo niya hindi pa ako pumasok kasi kinakabahan ako 'di ko alam kung bakit.

Nagdesisyon akong pumasok ngunit 'di parin nawawala ang kaba sa dibdib ko.

Pinihit ko ang doorknob at swerte namang hindi naka lock.

Dinahan-dahan ko ang pagbukas ng pintuan at nasurpresa ako sa nakita ko.

Isang babaeng nakahubad na nakapatong sa katawan ng lalaking naka hubo't hubad, habang ang ari ng lalaki'y nakapasok sa ari ng girlfriend ko, hindi nila ako napansin kasi naghahalikan sila.

Yung inaakala kong tao na magpapawala ng sakit na nadarama ko ay mas dadagdagan pa pala ang sakit sa puso ko.

At ang mas masakit pa kapatid ko ang katalik niya.

"Agatha, anong ibig sabihin nito?" pinipigilan kong tumulo ang mga nagbabadyang luha na gustong lumabas.

Napilingon silang dalawa sakin at biglang napatayo si Agatha sa gulat habang ang kapatid ko'y may ngisi sa kanyang labi.

Sinuot na nila ang kanilang mga pang ibabang saplot at hinarap ako.

"Cairo let me explain." lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko ngunit tinabig ko iyon.

𝐁𝐈𝐒𝐀𝐘𝐀 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐈𝐄𝐒 (𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓) Where stories live. Discover now