Spread the Word
NEON'S POV
The sound of cafe music filled my ears as I tapped my foot on the floor in sync with the beat.
"Sasamahan nga kita sa dulo ng ligaya ♫" pagkanta ko dahil bored na talaga ako. Gutom na ako.
Nagscroscroll lang ako sa Twitter nang marinig ko yung bell ng cafe na tumunog. Madalas tuwing 6:00pm wala na halos customer. Hindi ko rin magets, hindi ba dapat mas maraming customer pag malapit na mag gabi since mas masarap pumunta ng cafe ng gabi dahil malamig? Pero ayun siguro mas gusto nga rin ng customer na ito tumambay sa cafe during 6pm.
Binaba ko ang aking phone, tumayo at nagstretching muna. Bumati agad ako bago tumingin kaya hindi ko napansin kung sino yung customer.
"Welco- oh hey love, how's your day?" tanong ko sa babaeng kanina ko pa hinihintay. Nagchat siya sakin kanina na gagala daw siya sabay pupunta narin siya dito para sunduin ako. She sighed and smiled. Nginitian ko siya pabalik at pinanuod na umupo ito sa malapit na table sa harap ng counter kung nasaan ako.
"I'm okay as usual. Masaya rin yung gala. I missed Stacy so much" sumimangot nanaman ito ng maalala ang gala nila ni Stacy. I just smiled at Kisha while staring at her kasi hindi niya napansin. Naramdaman niya sigurong kanina ko pa siya tinititigan and she looked at me, a little flustered. I burst out laughing after seeing her reaction.
"Why we're looking at me like that tapos bigla ka nalang tatawa?" nagpanic ito kaya lalo lang akong natawa
"No no.. it's just that it's been a while, yung tipong tatawagin kitang 'love' and you would respond to me" yeah it's been a while. We are currently in m.u stage pero I'm still waiting for her to answer me ulit, for the 2nd time.
"I always respond to you though" Kisha said and chuckled
"I know" simpleng sabi ko at napatingin sa orasan. Kaya nagtaka ako pero mas pinili kong tanungin directly.
"Oh, by the way nagkain ka na? Huwag mong sabihin na iinom ka nalang ng iced coffee, hindi ka na nga nakakatulog" tanong ko and she laughed while waving both of her hands to signal no.
"No, andito rin ako kasi may sasabihin ako sainyo ni Orio. Atsaka, kala ko ba kakain tayo sa labas?" sabi niya sabay tinuro ang sarili niya at tinuro ako. Pero ano nga palang sasabihin niya samin ni Orio?
Yes, I work at Orio's cafe ngayon. Scarlet is studying abroad kasi kinuha siya ni Mama, habang ako ay nagpaiwan. Cassidy was planning to study abroad kaya sumama nalang rin siya kay Scarlet. Nagpaiwan ako cause I wanna spend more time with Kisha since this is the only time I'll be with her pero she doesn't know... na baka umalis rin ako at sumunod kay Scarlet kasi nga everytime na tinatawagan ako ni Mama, she's always asking kung pwede bang sumunod na ako kay Scarlet papuntang ibang bansa. Hindi ko pa sinasabi sakanya at hindi ko rin alam kung kailan yung right time na sabihin ko sakanya. Atsaka I always knew Kisha would want me to go study abroad pag nalaman niya ito kasi mas naniniwala siyang mas important yun.
"Kaya nga, kala ko nga susunduin kita sa dorm mo pero nagchat ka na pupunta ka pala dito. Kala ko rin kasi o-order ka dito ng iced coffee. Tapos tatawagan mo nanaman ako, hating gabi para mag night walk or samahan ka sa convenience store dahil hindi ka makatulog" sermon ko kaya napatakip nalang ito sa mukha dahil sa embarrassment
"Oo na, sorry na. Atsaka asan ba si Orio?" ani nito kaya natawa nalang ako dahil sa reaction niya. Kanina pa.
"Asa cr, hinihintay ko rin siyang lumabas kasi magbibihis muna ako bago tayo umalis. Pero do you want anything habang nag hihintay karin? May cinammon rolls kami pero walang pastillas, pasensya ka" sumimangot lang ito dahil sa panga-asar ko and she waved her hands again to signal na wala siyang gusto.
BINABASA MO ANG
LINK
Mystery / Thriller"Everything is okay. The truth is already out" "What more could they possibly hide?" Everything is already revealed but they didn't notice those forgotten details in the story. Will you stay and believe that you already achieved peace and just ignor...