Chapter 11 : Punta Bulata Escapade (Part 2)

34 0 0
                                    


"Ang bagal ng jeep." bulong sakin ni Marvz. Hahah! Magkatabi kase kami ng upuan.
"Parang pagong kung tumakbo." bulong niya ulet saken.
"Hindi talaga marunong pumili si Sheira." bulong niya again sabay tingin kay Sheira. Hahaha! Tapos nag-iismayl pa ang loka! Di alam siya na pala pinag-uusapan. Haha! Baliw.

Ngumingiti lang ako sa lahat ng pingasasabi ni Marvz.

"Bagal talaga." buong niya habang nagrereklamo.
"Oiii. Okay na kayo to. Safe." sabi ko. Tama naman ako eh. Mas mabuti ng mabagal atleast safe kaysa sa mabilis. "Pero yun nga lang parang magkakaabirya 'to." dagdag ko. Pano kase minsan yung mga jeep nagkakaabirya tapos saktong walang dumadaang sasakyan. Waaaah! Too much horror movies. Errr. Wrong Turn. Wag naman sana.

Sisihan lang sila ng sisihan... Bat daw ang tagal ni Sheira. Hahaha! Correction si Marvz lang pala. Hahaha! Such a bully right?

Si Marvz naman maya't-maya bumubulong na mabagal daw yung takbo ng jeep. Eh alangan naman sabihan ko yung jeep na bilisan. Duh?! Kahit anong papabilis ng driver kung hindi na kaya hindi talaga yan bibilis. Hays.

"Ano sabi ni Marvz?" tanong sakin ni Sugar. Nagtaka siguro bat natatawa ako.

"Si Marvz kase reklamo ng reklamo na mabagal daw ang takbo ng jeep." paliwanag ko sa kanya.
"Oo nga! Parang it takes forever bago pa makarating sa bulata." hmmmp. I agree naman.

Hays! Ewan ko sa kanila.

"Hindi ako nakakain ng breakfast." sabi ni Sheira. Sooooo... Anong ibig niyang sabihin? Pakainin namin siya? Hahaha!

"Si Rose may pagkain jan." sabi ko. Totoo naman iyon. Pero hindi yun narinig ni Rose dahil nakatutok siya sa cellphone niya. Kase naman nagmamangga siya. Parang nasa ibang dimension siya kapag kaharap niya cellphone niya.

Tahimik lang kaming lima na nagtatravel. Lol XD travel talaga. Wahahaha! Tapos si Sheira... Baliw. Ngiti ng ngiti wala namang kausap. Nung sumakay kami kanina sa jeep dapat nasa left side kami ewan ko bat bigla siyang lumipat.

"Ay! Di ko pala gagamitin yung phone ngayon. " biglang sabi ni Rose. "Picture picture mamaya.. Baka malowbat ako. " narealize niya pala? Hahaha!

"Ako nga din eh. Malolowbat na ko." Sabi ni Sheira. Pano hindi malolowbat eh kase naman open ang data tapos nagtetext pa. Multi tasking si phone niya. Wawa naman.

Di kami tahimik sa byahe. Haha! Maingay kami. Kahit 5 lang kami ansaya parin. Mainggit ang hindi nakasama. :P

"Rose pagkain naman jan. " sabi ni Sheira. At atlast! Narinig din niya. Hahaha!  Minsan kase bingi talaga si Rose. Minsan nga lang ba?

"Ano sa inyo? Roller Coster or VCut? " tanong niya samin. Eh kahit ano okay lang sakin basta pagkain.  Hohoho.

"VCut Rose.  VCut. " sabi ng taong nasa kanan ko. Si Sugar beybe! Haha!

Hahahahaha! Binge or binge lang talaga si Rose. Or baka mahina lang pagkakasabi ni Sugar ng VCut. Hahaha! Akalain niyo yun Roller Coster yung binigay ninRose kay Sheira.

"Ansabi ko Vcut. Tsk! Roller Coster binigay." sabi ni Sugar ng mahina.

Wala naman kaming magagawa dahil binigay lang naman samin yun kaya yun na lang kinain namin.

Kain...

Kain....

Kain.....

Kain.......

"Teka nga. Napapansin ko na ha. Bat ako lang humahawak nito? Eh ikaw naman Sheira ang huminge nito. " sabi ko. Wala akong paki kung malakas boses ko. Tsss.  Chos lang yung malakas. Tama lang yung boses ko. Hahaha!

Hashtag BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon