Chapter 13 : First Day

1 2 0
                                    

Simula na ngayon ng klase.. June 15, 2015. At heto ako, nakapila sa registrar office. Hindi pa ako nakapag-enroll. Hays~ buti na lang may kasama ako. Hahahah! Buti na lang hindi ako soloista... at buti na lang kasama ko si Sheira at Sugar. Actually, nung sabado sana kami magpapaenroll kaya lang... ayun pumalya. Walang opisina. Hays~ Naku naku ~

[Flashback]

Sabado ngayon. Ito ang napag-usapan naming araw para magpaenroll. Nagmessage ako kay Sheira at Sugar kung anong oras sila pupunta. Napag-usapan na 10 AM kami pupunta sa school. 9 AM na kaya nag-ayos na ko para hindi ako maging late. 10 AM na ng naisipan kong umalis na ng bahay. Nagmessage ulet ako sa kanila na pupunta na ko. Nang makasakay na ko sa tricycle nagnessage si Nichole na close ang school. Na walang tao dun. Pero wala na akong magagawa dahil malayo na ko sa bahay at nagpagdesisyunan ko na lang na bumili ng notebook.

Nagmessage si Sugar na papunta na siya pero kakaalis niya pa lang sa bahay nila. Tsk! Yung akala kong alam niya na na walang opisina ay mali pala. Hindi niya ata nabasa yung message ni Nichole sa GC namin kaya nung nalaman niya ay hindi na siya tumuloy at umuwi na lang siya sa kanilang bahay. At ako.. naghihintay kung sino ay pupunta. T______T

Nagkaroon ako ng pag-asa ng magmessage siya napupunta siya kasi bibili na lang rin siya ng notebook. Ayyy~ Thank God. Nagmessage din si Mackoe kung nasaan kami dahil pupunta rin siya. Yehet. XD

Lumipas ang ilang minuto wala paring Sheirang dumarating. Naisipan ko na lang umalis dahil sa sobrang katagalan niya pero pilit niyang sinasabi na papunta na siya. Inutusan pa kong intayin siya sa harap ng escaltor. Kalain niyo yun. ~ Para akong baliw libot ng libot. Halos isang oras na siya ng dumating.

"Oh? Dumating ka? Uuwi na ko." sabi ko na akmang aalis pero pinigilan niya ko.

"Wait lang. Bibili muna ako." sabi niya. Ako naman ay nakapili na kanina pa ng mga notebooks pati na rin yung pinabili ni Cris saken.

Pagkatapos ng mahabang paghihintay ko kay Sheira at sa mahabang pagpili ng notebooks ay pumila na kami sa cashier at nagbayad na. Bumaba kami agad sa 2nd floor at sakto naman na nakita namin si Mackoe.

"Uwi na kayo?" tanong samin na Mackoe.

Umiling naman kami.

"Soo? Saan tayo ngayon?" tanong ni Sheira samin.

"Teka.. may token ako dito." sabay pakita niya ng token samin kami naman ay agad na pumunta sa woof. Oo, woof talaga. Hahaha!

Naglaro lang sila.Mackoe at Sheira ng baril-barilan iwan ko kung ano tawag dun. Di naman ako naglalaro nun. Tapos naglaro sila yung ewan ko ang tawag dun. Basta may mga gadgets dun sa loob... tapos kailangan mo maghulog ng token saka mo ipush ang button ng malakas para mahulog yung mga bagay. Eh sa shunga si Mackoe ayon pinush niya ng mahina ang button. Laking tanga bhe. Hahaha! Wala sa bundok eh. Hahaha!

Pagkatapos ng nangyari na yun ay umuwi na kami. Tawa lang ako ng tawa habang naalala ko yun.

END OF FLASHBACK

"Oyyy ~ ikaw na kumuha ng schedule natin." sabi saken ni Sheira na prenteng naghihintay.

Wala na akong magawa kase kami lang namang tatlo ni Sugar dito. Lahat ng mga kaklase namin ay pumasok na sa first subject.

"Miss..." tawag ni Sir Taki sa akin. Dahil dun tumayo ako at pinuntahan siya. "Bakit po sir?" tanong ko naman sa kanya. "Miss, gusto ko lang malaman niyo na close na ang SAP na subject. Full na. Pero hahanapan ko kayo kung may bakante pang sa ibang course." sabi ni sir. Kinabahan naman ako dun. Tsk. Maisip ko lang na ibang course yung makakasama ko sa isang subject parang mahihirapan ako. Buti sana kung may makaclose ako dun. Hays. "Sige sir. Salamat. Babalikan na lang namin dito yung schedule namin." sabi ko at umalis na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtag BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon