Chapter 2: To Escape?

12 3 0
                                    

Astridity's Pov:

Kailan ba titigil ang sakit na nararamdaman ko?, wala na ba talaga akong karapatan na sumaya?. Hindi naman ito ang ipinangako na buhay saakin ni Calix ah...ganoon ba talaga kahirap mag let go?, bakit ayaw niya akong palayain?...bakit ayaw niya ako hayaang sumaya?

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang bumukas ang pinto. At Iniluwal nito si Calix na may dalang tray ng pagkain. Lumapit siya saakin at saka nag salita.

"You need to eat."
Malamig ang tono ng kanyang pananalita. Mukhang kalmado na siya.

"How do i eat?"
Sarkastikong tanong ko sakanya, at itinaas ang kamay ko na naka posas.

Agad naman niyang kinuha ang susi ng posas sakanyang bulsa at itinanggal ang pagka posas nito sa aking kamay.

"You should eat healthy foods, ang payat mo na."
Sabi niya at akmang susubuan ako.

"Hindi na ako naka posas Calix. I know how to eat, just leave me alone."
Tumingin naman agad siya saakin. Ang buong akala ko ay sasampalin niya ako kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Ngunit nagulat ako dahil umbis isang sampal ay ginawaran niya ako ng isang halik sa aking labi.

Mabilisang halik lamang iyon ngunit sapat na para matulala ako.
Matapos non ay tumayo na siya at lumakad palayo, pero bago iyon ay narinig kong bumulong siya...

"I'm sorry..."
Isang mahinang bulong. Ngunit narinig ko parin ito. Siguro't dahil sa sobrang tahimik ng paligid...
                           
                             ***
Matapos ang ilang sandali ay natapos na rin akong kumain. Nagbukas naman ang pinto at pumasok si Calix.
Inaayos niya ang pinagkainan ko nang magsalita ito.

"Hindi mo kinain itong shrimps?, fried with butter pa naman to..."
Nanghihinayang niyang tanong

"Allergic ako sa shrimps. Four years na tayong kasal pero hindi mo parin alam."
Tumingin siya agad saakin at saka nagsalita.

"Sorry..." tumayo na siya dala dala ang tray ng pinagkainan ko at tumungo na sa pintuan.

Marunong din naman pala mag sorry ang kupal...

Ilang minuto pa ang dumaan nang mapagtanto ko na bakit nga ba ako nagtitiis sa lalaking ito?...i need to get out of here. I need to escape!

Nagmuni-muni ako ng ilang sandali nang may biglang pumasok na plano sa aking isipan. Kung hindi ko siya matakasan kapag tulog siya...What if?...

Isang ngisi ang sumilay sa aking labi.

"Calix!" Sigaw ko upang marinig niya

"Calix!!"

"CALIX VYNN STEPHAN!"
Pagtawag ko sa buo nitong pangalan ay agad naman siyang nagpakita

"What?"
Agad na tanong nito saakin habang nakataas ang isang kilay.

"Pwede mo ba akong bigyan ng isang basong tubig?"

Matapos ko sabihin iyon ay walang imik na lumabas ng silid si Calix. At ilang sandali pa ay may dala na siyang isang basong tubig. Iniabot niya naman iyon saakin, ininom ko naman agad iyon at nang matapos na ay akmang ibibigay ko na sana sakanya ang baso nang sinasadya kong ihulog ito.

"Sorry...don't worry ako na mag aayos nito"

Sabi ko at pinulot ang kapiraso ng basag na baso at...

ISIN*KSAK ito sakanyang isang paa. Agad naman siyang napaupo dahil sa sakit

"Y-You..."
May halong sakit ang pagbigkas niya.

Akmang papatirin pa ako ng isang paa niya ngunit naunahan ko siya at isin*ksak ang isa pang piraso ng basag na baso sa paa niya. At sa puntong ito alam kong hindi na niya ako mahahabol dahil sa s*ksak sa magkabila niyang paa

Nakalabas na ako ng gate at patuloy parin sa pagtakbo. Hingal na hingal na ako ngunit hindi ako puwedeng tumigil sa pagtakbo hanggat hindi ako nakakalayo sa tahanan ng walang hiya na iyon..

Walang humpay na pagtakbo ang ginawa ko makalayo lang sa lalaking iyon. Ayoko ng bumalik doon. AYOKO!

Nang mapansin na malayo na ako kay Calix ay nag pahinga muna ako. Tumigil muna ako sa pagtakbo, ngunit may hindi ako inaasahang mangyari...

May nakita akong puting ilaw. Napakalakas nito at nakaka silaw. Napansin ko nalang na nakahiga na pala ako sa daan...palabo ng palabo ang paningin ko.

Bakit hindi ko napansin yun?...tanong ko saaking sarili. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay...sana hindi ako mahanap ni Calix...

                            ***

Pag mulat ng aking mga mata ay isang hindi pamilyar na kuwarto ang bumungad saakin. Tatayo na sana ako ngunit sobrang sakit ng ulo ko...

"Argh!"
Napahiga nalang uli ako sa sobrang sakit ng ulo ko...

"Oh!, you're awake now."

Dun ko lamang napagtanto na may lalaki pala sa tabi ko...

"Hey, don't be afraid."
Ngumiti naman siya...

"S-Sino ka?" Nagtatakang tanong ko. Agad naman siyang tumayo at nagsalita.

"I'm Aristotle Delos Reyes, you can call me Aris for short."

Inilahad niya saakin ang kamay niya at ngumiti, ngunit hindi ko tinanggap iyon sa halip ay tumingin lamang ako sakanya na may halong pagtataka.

"In case you're confuse...dinala kita dito sa ospital dahil na hit and run ka."

Nang sabihin niya iyon ay agad naman akong naliwanagan at nagpasalamat sakanya.

"By the way, could you tell me your name?, hinihingi kasi ng nurse ang pangalan mo kanina"

Alam ko naman na mabuti ang intensyon niya kaya sinabi ko na.

"A-Astridity. Astridity Vasquez, kahit Astrid nalang itawag mo saakin."

Tumingin ako sakanya at ngumiti. Ganon din naman ang ginawa niya sakin.

"Astridity...unique name huh."
Ngumiti uli siya...ang hilig naman ngumiti nito.

Pero...i will be honest ah. He's cute. Ngiiii?? Astridity? Self? Ikaw pa ba yan?, huyyy?...pero cute naman talaga siya. Ayy! Naku Astrid!

To Own HerWhere stories live. Discover now