Kabanata 5

3 0 0
                                    


James Pov

Nang makaalis si Arriane ay humarap ako kay Lara.

“Tara na Lara‚ ihahatid na kita sa room niyo” ani ko rito at una nang naglakad.

Ramdam ko sa likod ko na sumunod si Lara sa akin. Habang naglalakad kami ay bigla siyang nagsalita.

“James‚ anong nagustuhan mo kay Arriane?” tanong nito.

“Ahh yung personality niya and ugali niya‚ ang ganda rin ng ngiti niya kaya tinamaan ako ng sobra sakaniya” ani ko habang ngiting-ngiti nagkukuwento sakaniya.

“Ah kala ko kalandian niya eh” ani nito at may sinabi siya ngunit hindi ko narinig dahil ito’y pabulong.

“Ha? Ano ‘yon?” tanong ko rito nang nagtataka.

“Wala! Wala! Mahalin mo nang tama si Leonor ah!” ani nito sa akin. Kaya ngumiti ako at tumango.

“Sige na‚ nandito na ako sa room bye!” aniya at tumalikod na. Hindi ko na lang pinansin kung ano man ang sinabi niya at bumalik na rin sa room.

Arriane Pov

Nang makarating ako sa office ng Dean ay kumatok ako.

“Pasok” sabi nito kaya binuksan ko ang pinto at pumasok. Nagulat ako nang makita ko si Brittany at may katabi siyang isang ginang. Halata rito ang pagiging elegante at nakakatakot na awra.

“Umupo ka muna Arriane” ani ng Dean sa akin kaya umupo ako sa harap nina Brittany.

Napasulyap ako kay Brittany at nakita ko siyang nakangisi.

“So Arriane‚ ang nangyari sa inyo kahapon ni Brittany ay isang malaking eskandalo rito sa buong campus” panimula ng Dean.

“Ahh ehh..” ang nasabi ko na lang.

“Siguro alam mo naman ang magiging consequence niyan diba?” ani ng Dean at tumitig sa akin.

“So ikaw pala ang girlfriend ng anak kong si James” ani ng ginang. Nagulat ako dahil ito pala ang mama niya.

“Gulat na gulat ka ba babae?” ani nito na mapang-uyam.

“Maaari kang mapatalsik sa university na ‘to Arriane sa ginawa mo” ani ng Dean kaya nagulat ako.

“Saglit po‚ a-ano pong sinasabi niyo” tanong ko rito na nagtataka.

“Alam mo ang patakaran dito‚ we don’t tolerate that kind of behavior and actions sa ginawa mo kay Brittany” sabi ng Dean.

Nanlaki ang mata ko. Napalunok ako nang wala sa oras.

“A-ano pong sinasabi niyo? W-wala po akong ginawa kay Brittany” ani ko habang nanginginig.

“Oh Ija‚ marami ang nakakita at maraming nagsabi na sinaktan mo si Brittany” sabi ng Dean. Napatayo ako bigla.

“Mawalang galang na ho‚ pero hindi ko po sinasaktan ‘yang si Brittany‚ siya pa nga po ang nanampal sa akin kahapon” pagdedepensa ko sa sarili ko.

“Umupo ka Arriane‚ respeto pa rin at ako pa rin ang Dean ng university na ‘to” ani nito nang seryoso. Napalunok ako at umupo.

“This time palalampasin ko yung ginawa mo kay Brittany pero sa susunod na maulit ito‚ mapapatalsik ka sa paaralang ito” ani ng Dean. Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang bigla.

“Sige‚ I hope na settle down na natin ‘tong issue na ‘to. Mrs. Siguerro‚ Brittany‚ and Arriane‚ maari na kayong umalis” ani ng Dean. Tumayo ang mag-ina at lumabas na. Dahan-dahan akong tumayo kahit nanghihina ang tuhod ko ay lumabas ako.

Ngunit sa paglabas ko ay nakita ko roon ang mag-ina na para bang inaantay ako.

“You woman‚ layuan mo si James. Anong habol mo sa anak ko? Pera ba? Such a gold digger like you don’t deserve my son” sabi ng Ina ni James sa akin. Napalunok at nanggilid ang luha hindi dahil sa sinabi nito na gold digger ako o layuan si James.

Kundi dahil tama siya‚ hindi ko deserve si James ni wala akong maipagmamalaki. Siya mayaman‚ family-oriented‚ at matalino. Samantalang ako may kaya lang sa buhay‚ hindi pa family-oriented‚ hindi rin gaanong katalinuhan.

Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. Sa sobrang lutang ko hindi ko na naramdaman na wala na ang ina ni James sa harapan ko. Ngunit naiwan si Brittany na may ngisi sa labi.

“Oh poor Arriane‚ kaya kong baliktarin ang kuwento‚ ano magsusumbong ka kay kuya? Hahahaha nakakaawa ka‚ tingnan mo ang sarili mo. Tama si mama hindi mo deserve ang kuya. Subukan mong magsumbong‚ mapapatalsik ka na sa university na ‘to.” ani nito at umalis nang may ngisi sa labi.

Nakatingin lang ako pigura ni Brittany at nang mawala na siya sa paningin ko ay agad nagbagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Napangiti na lang ako nang mapait. Tama sila hindi ko deserve si James‚ pero mahal ko siya. Hindi ko siya puwedeng layuan. Baka ‘pag nilayuan ko siya o hiwalayan wala na akong matakbuhan. Walang-wala na ako. Mawala na ang lahat ‘wag lang siya.

Naglakad ako pabalik sa room. Naabutan kong maingay ang mga kaklase ko at hindi na sila pinansin sabay dumiretsyo na sa upuan. Napatingin ako kay Lara‚ gayon din siya sa akin.

Nakita kong nag-aalala ito marahil nakita niyang namumula ang mata ko. Alam niya siguro na galing ako sa pag-iyak. Nginitian ko lang ito at umubob na lang sa lamesa.

Happier Than Ever(Happier Series #1)Where stories live. Discover now