Arriane PovIsang mahigpit ang naramdaman ko habang umiiyak ako.
“Hush Mahal” ani ni James sa akin.
Dahan-dahan akong tumigil sa pag-iyak at tumingin sa kaniya.
“Sorry‚ hindi ko alam na gagawin sa iyo ni Brittany ‘yon‚ hush na mahal‚ hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit niya o nino man” mahabang litanya sa akin.
“Okay lang ‘yon mahal” sabi ko sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Niyakap niya ako pabalik at hinalik-halikan ang ulo ko habang sinusuklay niya ang buhok ko.
Napatingin ako sa paligid at dun ko lang napagtanto na napadpad kami sa garden ng university na ito. Umupo si James sa isang bench.
“Mahal halika rito” aniya sa akin at tinapik ang tabi niya na nagsasaad na umupo ako sa tabi niya. Agad akong nagpunta sa tabihan niya at naupo. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
“Teka asan si Lara?” tanong ko sakaniya.
“Marahil ay naiwan doon sa cafeteria at kumakain pa” sabi nito at parehas kaming natawa. Dahan-dahang bumagsak ang talukap ng aking mga mata.
“James inaantok ako” ani ko rito habang nakasandal sa balikat niya.
“Matulog ka mahal‚ babantayan kita ‘wag muna tayo pumasok sa klase natin ako na ang bahala” ani nito at hinalikan ako sa noo at marahang inihiga ang aking ulo sa kaniyang hita.
Hinahaplos niya ang aking buhok na para ba akong isang bata na pinapatulog niya. Hindi nagtagal ay nakatulog din ako sa mga haplos niyang kay gaan sa pakiramdam.
*After 4 hours*
“Mahal gising na” isang malambing na tinig ang aking narinig at unti-unti kong dinilat ang aking mata. Bumungad sa akin ang mukha ni James.
“Mahal‚ buti gising ka na tara na uwian na” nakangiting sabi nito.
Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakahiga sa kaniyang hita.
“Ilang oras akong nakatulog?” tanong ko rito habang kinukusot ang mata ko.
“Apat na oras mahal” sabi nito.
“Ahh” ani ko rito.
Tumayo na si James at inilahad ang kaniyang kamay. Tinanggap ko ito at tumayo. Umalis kami ng garden habang magkahawak ang kamay.
“Leonorrrr!!!!!” isang malakas na tinig ang aming narinig at napalingon sa likod.
“Leonor Bes! Ano okay ka lang ba? Nabalitaan ko yung ginawa ng Brittany na ‘yon sa iyo” sabi ni Lara habang tumatakbong papalapit sa amin at hinawakan ang aking braso at tinaas na para bang tinitingnan niya kung may pasa ba ako o sugat.
“Okay lang ako Lara‚ ano ka ba itigil mo nga ‘yan” pagsaway ko rito.
“Buwisit ka bes iniwan niyo ako sa cafeteria ni James‚ tapos hindi ka pa pumasok sa klase natin kanina‚ pero ‘wag ka mag-alala at ako na ang nagpalusot sa professor natin!” litanya nito.
“Uy Lara tama na ‘yan” singit ni James.
“Shuta ka James‚ ingatan mo naman best friend ko ayokong napapahamak ito” ani ni Lara kay James.
“Ehh oo na‚ oo na pero puwede umuwi na tayo?” sabi ni James.
Natawa na lang ako sa dalawa.
“Tara na nga‚ kayong dalawa nagtatalo pa kayo” sabi ko sa dalawa at nagsimulang maglakad.
“Mahal intay uy” ani ni James at hinawakan ang aking kamay. Habang papalabas kami ay marami pa rin ang estudyanteng nakatingin sa amin at panay ang bulungan.
Napairap na lamang ako ng palihim. Hindi ba nila makalimutan yung kanina kase ako gusto ko na kalimutan ‘yon.
Nang makalabas kami ng university ay humiwalay na sa amin si Lara dahil may sundo siya.
“Mahal tara na‚ ihahatid na kita” ani nito.
“Eh nakakahiya sa iyo James” sabi ko rito.
“Huwag ka nang mahiya ilang buwan na tayong magkasintahan ganiyan ka pa rin” nakangiting sabi nito at hinila ako papunta sa motor niya.
“Ito isuot mo” sabay bigay sa akin ng helmet niya. Kinuha ko ‘yon at sinuot. Sumakay ako sa likuran niya at humawak sa balikat niya. Ngunit nabigla ako na ilipat niya ang kamay ko sa tiyan niyang mabato.
“Yumakap ka sa akin mahal baka mahulog ka” ani nito at nagsimulang paandarin ang motor. Dahan-dahan kaming umusad at unti-unting bumilis ang takbo niya kaya napayakap ako sakaniya nang mahigpit. Hanggang sa makarating kami sa aming bahay ako ay nakayakap sakaniya.
“Salamat mahal sa paghatid sa akin” sabi ko rito at bumaba. Binalik ko sakaniya ang helmet na gamit ko kanina.
“Walang anuman mahal‚ I love you so much” nakangiting ani nito at hinalikan ako sa noo.
“I love you more James” pagtugon ko rito.
“Sige na mahal‚ pasok ka na” ani nito.
“Ikaw din‚ ingat sa pagdra-drive ah?” paalala ko rito.
“Opo” at tumawa nang marahan.
Pinanood ko siyang umalis saka ako pumasok ng bahay. Nakita ko ang aking kapatid na nakaabang sa pintuan.
“Tsk‚ malandi” sabi nito sabay pumasok sa bahay. Napahinga na lang ako nang malalim at pumasok ng bahay at dumiretsyo sa kuwarto. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana at ayoko rin makarinig ng sermon nila.
Ihahanda ko na lang ang aking sarili para sa panibagong araw.
YOU ARE READING
Happier Than Ever(Happier Series #1)
RomanceHanggang kailan mo titiisin ang sakit na pinaparamdam sa iyo ng mga taong nasa paligid mo? "I'm homeless‚ but you made me feel that you are my home‚ I thought you are not like them‚ all that you did was made me fucking sad‚ and you'll just say sorry...