Arriane PovIlang linggo akong nanatili sa ospital at ngayon ay nakalabas na ako. Tuwing hapon ako binibisita ni James sa ospital at minsan ay doon siya natutulog. Minsan lang din makapunta si Gayle roon dahil ito ay busy din sa trabaho.
Hanggang ngayon walang alam si James sa totoong nangyari sa akin. At hindi rin niya alam na natuloy ako sa apartment ni Gayle. Magaling na ang mga pasa at bali sa braso ko. Ipinagpasalamat ko na lang dahil binibigyan pa rin ako ng mga notes ni Gayle lahat na mga na-miss ko at siya na rin ang gumawa ng dahilan kung bakit hindi ako nakakapasok.
Sa ilang linggong iyon ay walang Lara na nagpunta o bumisita sa akin. Nag-aalala na ako baka kung anong nangyari sa isang iyon. Sabay kaming pumasok ni Gayle sa school mula ngayon.
“Hey Gayle‚ thank you nga pala sa pagtulong sa akin” ani ko rito. Ngumiti ito sa akin.
“Ano ka ba Arriane! Syempre magkaybigan tayo at isa pa diba nakahanap ka na ng trabaho sa Jollibee? Tulungan mo na lang akong magbayad ng renta roon” natatawang saad nito kaya ako ay tumango. Tama siya nakahanap ako ng trabaho sa Jollibee bilang crew. Well okay na rin yon para may pangtustos ako sa aking sarili.
Nang makarating kami sa university ay agad kaming naglakad papasok at nagtungo sa room namin.
“Mahal nasa room na po ako” text sa akin ni James.
“Ah ako rin mahal nasa room na” tugon ko rito. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil magkikita naman kami mamaya.
Inilibot ko ang aking mata sa buong room at nakita ko si Lara na kausap ang isang kaklase namin at nagtatawanan sila. Gusto ko mang lapitan si Lara ay bigla naman dumating ang aming prof. Hindi ko na katabi si Lara at si Gayle na ang aking katabi.
Nang matapos ang klase namin ay agad akong lumapit kay Lara ngunit agad itong umalis sa kaniyang upuan at lumabas ng room. Natulala ako dahil parang iniiwasan niya ako?
“Huy Arriane! Tara na sa cafeteria at nag-iintay boyfriend mo sa labas oh” nguso nito sa may pinto at nandoon nga si James.
“A-ah sige tara na” inayos ko ang gamit ko at lumapit na kay James. Kasama namin si Gayle na nagpunta sa cafeteria at kumain.
Ganoon pa rin ang tinginan ng mga studyante dahil siguro ngayon lang ulit ako nakita? Hinahanap ng mata ko si Lara ngunit anino man lang niya ay hindi ko nakita
Nalungkot ako sa isipin na marahil iniiwasan ako nito? Ngunit nung huli ay okay kami at gusto pa akong kamustahin kung anong nangyari sa akin noon? Pero bakit hindi ko siya mahagilap ngayon?
“Hey Mahal ang kalat mo kumain” biglang salita ni James na nagpabalik sa aking ulirat. Pinahiran nito ang gilid ng labi ko at ngumiti sa akin.
“Ehem...respeto naman sa single oh!” biglang sabat ni Gayle kaya natawa si James at nag-init naman ang aking mukha dahil nakakahiya.
“A-ah ano salamat mahal” sabi ko rito.
“I love you” sabi nito kaya naman napangiti ako.
“I love you more” tugon ko.
“Ay wow ha! So ano ako rito? Third wheel? Pakshet naglalandian pa kayo sa harapan ko!” ekseheradang saad ni Gayle. Inirapan ko lang ito at tinapos ko na ang pagkain samantalang si James ay tatawa-tawa lang sa tabihan ko.
Third Person Pov
Sa kabilang dako naman ay may isang matalas na mata ang nakatingin sakanila.
“Huh! Enjoy-in mo lang Arriane dahil one of these days sinisigurado kong mapapasa-akin si James. At nagkaron ka pala ng bagong kaybigan. Pfft” saad nito sa sarili at umalis sa cafeteria.
Gayle Pov
Ramdam kong kanina pang may nakamasid sa amin. At kilala ko na kung kanino ang mga matang yon.
“Gaga Arriane! Tara na!” sabi ko rito at inirapan ulit ako. Tumayo ito at iyon hinatid kami ni James sa aming room. Well ako pala si Gayle G. Alyster. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-message.
“Sa Musical Room. 5 p.m. Sharp!” saad sa text. Napairap ako sa sarili ko. Gosh! Akala ng lalaking ito tatakasan ko siya. Kung hindi lang talaga ako pinaka-usapan ng mommy nitong maging alalay hindi ko gagawin! Pero siyempre malaki ang sahod kaylangan ko ng pera kaya tinanggap ko. Haist hindi na ako nagreply sa lalaki at inintay na lang ang susunod na prof na magtuturo at kanina ko pa ring malalim ang iniisip nitong si Arriane.
YOU ARE READING
Happier Than Ever(Happier Series #1)
RomanceHanggang kailan mo titiisin ang sakit na pinaparamdam sa iyo ng mga taong nasa paligid mo? "I'm homeless‚ but you made me feel that you are my home‚ I thought you are not like them‚ all that you did was made me fucking sad‚ and you'll just say sorry...