Arriane PovKinaumagahan ay bumangon na ako para maghanda sa mga activity na inihanda ng mga proffesor. Magsisimula pa naman yon ng ika-8 ng umaga.
Lumabas muna ako sa tent ko at nag-inat-inat nang kaunti. Nilibot ko ang paningin ko at marami-rami na rin ang gising na estudyante.
Napagpasyahan ko muna na maglakad-lakad since maaga pa naman. Habang naglilibot ako sa camping area ay nakita ko si James.
Agad na nanuyot ang lalamunan ko at dali-daling lumapit sakaniya.
“J-James...” calling his name.
Lumingon ito sa akin at ganon na lang ang pagkabahala ko dahil hindi ko mabasa ang emosyon na nasa mukha niya.
“What?” malamig nitong sabi. Tila ba natuod ako sa kinatatayuan sa tinig nitong malamig. Parang may mangyayaring hindi maganda sa tono palang nang pananalita nya.
“Pwede b-ba tayo mag-usap? About sa atin?” kinakabahan kong ani.
“We’re done Arriane. I just realized na tama si Dad na mas bagay sa akin si Lara since parehas kaming galing sa mayamang pamilya” tuloy-tuloy nitong sabi at sa narinig ko pa lang na sinabi nito ay para bang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“A-Ano? T-Teka lang James, okay pa naman t-tayo nung last nating pag-uusap ah” nagsisimulang manginig ang labi ko.
“Arriane‚ ayoko na. Itigil na natin ang relasyon natin. Wala ring patutunguhan yon. At isa pa nagugustuhan ko na si Lara.”
“E-Eh J-James naman pa’no a-ako? P-Pa’no yung mga pinangako mo?” naiiyak na ako rito ngunit pinipigilan kong tumulo ang luha ko.
“Forget the promises Arriane. Wala nang mababago sa desisyon ko. Tsaka isa pa boring kang tao. Samantalang si Lara‚ well she’s good at kissing and making out.” ngumisi pa ito sa akin.
Hindi ko kinakaya ang narinig ko at nagsimula nang mag-unahan sa pagpatak ang luha ko. Nagsisimulang sumikip ang dibdib ko.
“Y-you did that thing o-on my best friend?” gusto ko nang humagulhol ngunit nakikita ko sa mga mata niya na wala siyang pakialam.
“Correction Arriane‚ ex-best friend” biglang singit ni Lara at lumingkis ang braso nito sa leeg ni James at binigyan nang isang halik sa labi.
Nanginginig na rin ang tuhod ko sa sobrang sakit na nadarama ko.
“T-Tangina James‚ anong ginawa k-ko p-para saktan mo ’ko nang ganito?” nahihirapan kong ani ngunit wala man lang itong reaksyon.
“She’s better than you in anything. While you? You’re nothing. I regret na naging girlfriend pa kita.”
Humagulhol na ako sa sinabi nito. Tama siya mas better sa akin si Lara. Talino‚ ganda at yaman pa lang wala na akong panama.
Hinawakan ko ang aking dibdib at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Ang sakit sa dibdib. Hindi ako makahinga. Tumingin ako sa dalawa ngunit tumalikod na sila at naglakad palayo sa akin.
J-James pl-please help.
I wanna shout on him. Fuck ang sikip sa dibdib. Sa luha na nilalabas ko ay nanlalabo na ang aking paningin. Habang nakatingin sa aking pinakakamamahal na na naglalakad palayo sa akin kasama ang nagpapasaya sakanya ngayon ay sya namang aking pagkalugmok.
I tried to stand but my kneels won’t let me. Nanghihina ang katawan ko. Pero putangina kailangan ko tumayo kaya kahit sobrang iyak ako ay pinilit ko pa rin makapunta sa tent ko para doon ituloy ang pag-iyak.
May mga estudyante na nakatingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin. Narinig pa akong tinawag ni Khalyx but my mind tells me I need space. I want to be alone. I laugh because I was all alone in the first place. Nothing's new. My family dumped me‚ my best friend betrayed me‚ and my boyfriend hurt me so much. Lord please tell me what next‚ so I can prepare and handle my pain.
It's just it hurt so much. Here in my chest. To the point I can’t breath.
YOU ARE READING
Happier Than Ever(Happier Series #1)
RomanceHanggang kailan mo titiisin ang sakit na pinaparamdam sa iyo ng mga taong nasa paligid mo? "I'm homeless‚ but you made me feel that you are my home‚ I thought you are not like them‚ all that you did was made me fucking sad‚ and you'll just say sorry...