"Uhmm. May tanong sana ako. Kung ok lang sayo?"
"Sure. Tungkol san ba?"
"Uhm. Papayag ka ba kung liligawan kita?"
Halos di na ako maka hinga sa pagpigil ko sa pagtili ko. Di ko na alam kung anong sasabihin dahil sobrang wala na ako sa pag-iisip.
"Uhm kung ok lang sayo na dito ka sa bahay manliligaw eh, papayag ako. Gusto ko sanang tanungin mo muna sina Mama at Papa kung papayag ba sila"
"Gagawin ko yan, Para sayo."
Sobrang saya ko nung araw na yun. nafe-feel ko na magkakaroon na ulit ako ng matinong boyfriend.
Simula nun, araw-araw na kaming magkatext, magktawagan, palike like na picture sa facebook at ib pa.
Hanggang sa dumating ang araw na..
"Tao po!"
Agad naman akong pumunta sa may pintuan at binuksan at binuksan ito. Sa hindi ko inaakalang, si B nag-aabang sa gate.
"B, 'bat andito ka? Di ka man lng nagpasabi. Di tuloy ako prepared hahaha pasok ka :)"
"Saglit, talian mo muna pitbull mo baka lamunin ako" ang bading hahahaha
"Hahahahaha bading! Sge wait."
At naka pasok na siya ng bahay.
Pinakain ko siya at lahat, Kami lng dalawa ang nasa sala at sina mama ay nasa kwarto nila.
Magdamagan kaming nag-usap at nasabi niyang..
"Sabihin ko na sa Mama at Papa mo"
"Ha" Nagpabingi-bingihan ang Lola pero sobra ang ngiti ko nun.
"Ah hihi wala :)"
Bumagsak ang mundo ko ng hindi niya ulit sinabi yun. Naka uwi siya ng walang sinasabi kina mama. Masakit. Buong gabi kong iniisip katangahan ko kung bakit pa ba ako nagpa bingi-bingi.
BINABASA MO ANG
Summer Fling (One Shot)
Teen FictionMasrap magmahal pag talagang mahal mo siya. Pero Mas masarap kung atong taong mahal mo ay mas mahal ka.