Tinext na ako ni B matapos niyang nakuha number ko.
"Hello anank ni Ma'am :)" sabi niya
"Hello? B? hahahaha :)"
"Musta?"
"Ayos naman, ikaw?"
"uhm, pwede kitang tawagan? Wala kasing magawa dito sa quarter eh :)"
"Sige, tawag ka :)"
At tumawag nga siya. Sarap pakinggan ng boses niya. Siya na soundtrack ng summer ko.
Pero after ilang days ng communication namin, di na siya nag text ulit. Ewan ko lang kung bakit pero tanggap ko na din na ganyan talaga ang mga lalaki, magaling nga lang sa umpisa kaya di na rin ako umasa.
After 2 weeks, pauwi na sila ulit ng Davao. Sinundo namin si Mama sa Airport. Inaasahan kong makita siya pero di ko yata siya inabutan.
Pagdating namin sa bahay, sabi ni Mama:
"Nak, diba fiesta ngayon?"
"Oo Ma, bakit?'
"Sabi ni B punta daw siya dito mamaya, isasama niya raw si Z. Bibisitahin ka raw."
I was like O.O
"Seryoso Ma? Huwag mo papuntahin, nakakahiya!"
"Ilang beses ko yang sinabi sa kanila. Talagang pupunta raw siya."
Kabadong kabado na ako mula umaga pa lang. Pumunta na lang ako ng mall para magpa lipas oras at tinext ako ni Mama at pina pauwi na dahil paparating na raw sina B at Z.
Pauwi na ako at pagdating ko sa bahay andoon na nga sila.
Grabe ang pag kabog ng puso ko noon sa sobrang kaba.
Pinakilala sila ni mama sakin.
"Nak, si Z,
huli niyang pinakilala si B
"si B"
abot langit ngiti ko pero di man lang ako makapag salita sa sobrang hiya.
Pero seryoso ang GWAPOOOOOO NI B. Matangkad. Nasa 5'10 to 6ft ang tangkad. Moreno. Build ang katawan. Naka braces :)
EWAN KO LANG KUNG HANDSOME! AYEEEE :">
Kumain na kami at pinatabi ni Mama si B sakin pero ayaw niya. ARAY HA! :( Si Z ang tumabi sakin sa pag kain. Wala akong kibo habang kumakain habang kinausap ako ni Z.
"Hala! Inubos mo na lahat ng drumstick! Magtira ka naman, paborito ko din yan!" kapal ah nakikikain na nga lang hahahaha pero biro lng.
"Sorry lang naman, forever Lovydove ko kasi ang part na 'to sa chicken. Balik ka na lang next time dito tapos kunin mo na yung drumstick. sayo na, di na ako kukuha :))) kasi bawal ako sa manok. di na din ako iinom ng gamot sa panahong yan kasi alam kong magagalit na si Mama pag kakain ulet ako ng manok haha"
"HAHAHAHAHAHA Loko lng, ang seryoso mo naman, pinapa tawa lang kita. Ang saklap mo bawal ka sa manok ang sarap kay! Hahaha. Uyy, mag usap namn kayo ni B"
Nagka tinginan kami ni B.
nahiya ako at tumingin agad sa malayo.
Pagka tapos naming kumain, nag-uusap usap sina Mama, B, at Z. Gusto ko na sanang pumunta sa kwarto at mag tago pero pinag kakaisahan ako ng loko kong pamilya at pinag stay lng sa sala dahi may mga bisita raw ako. OP naman ako sa kanila ng sobra :/ ughhhh!
Hindi kami nag uusap ni B dahil nagkakahiyaan. Pasulyap sulyap ako sa kanya di ko magawang tumitig sa kanya ng bigtime.
Nahuli ko siyang naka tingin sakin at nagtawanan kami pero di pa rin kami nag-uusap.
Ang daming nagyari nang gabing iyon at hinatid ko na sila sa kanto para maka uwi. 12 midnight na yta nun.
Kinabukasan, tinext niya ako at nagpasalamat sa pagpapatuloy namin sa kanila sa bahay namin.
Sobrang saya ko a nagtext siya ulit.
Aton text text lang kahit ano pinag-uusapan hanggang sa....
BINABASA MO ANG
Summer Fling (One Shot)
Fiksi RemajaMasrap magmahal pag talagang mahal mo siya. Pero Mas masarap kung atong taong mahal mo ay mas mahal ka.