UNANG KABANATA

114 9 0
                                    

Fabian's POV

Inayos ko muna ang mga dokumentong nire-review ko bago ako tuluyang lumabas ng Opisina ko at dumeretso sa elevator para harapin ang batang Babae na nagsasabing Anak ko siya.

Hindi mawala-wala sa isipan ko ang mukha ni Anita. Natatandaan ko pa na lage niya akong customer magaling sa kama si Anita kaya naging suki niya ako bukod kasi sa simple lamang ang ganda niya ay ubod pa siya ng seksi kaya talagang nahumaling ako sa kanya noong mga panahong iyon.

Halos Anim na taon na din ng huli kaming nagkita nakasuot siya ng Maternity dress naalala ko pa yung sandaling yon ipinikit ko ang mga mata at isa-isang bumalik ang tagpong pinagsaluhan naming dalawa.

"Ano yang suot mo?"   Natatawang sita ko kay Anita.  "Mukha kang Nanay na sa suot mo."

Mapait siyang ngumiti.  "B-buntis ako Fabian magta-tatlong buwan na."

Natigilan ako sa narinig ko saka ko naihilamos sa mukha ko ang mga kamay ko bago ako tuluyang umupo sa maliit niyang Kama.  "Buntis ka? At ano ako ang Ama ganon?"

Hindi kumibo si Anita nanatili lamang siyang nakayuko habang hinahaplos-haplos ang medyo umbok na tiyan.

"So, ipipilit mong sa akin ang Batang yan? For God sake Anita hindi lang naman ako ang gumagamit sayo diba napakarami mong customer! Tapos sasabihin mo sa akin na Buntis ka!"

"H-hindi— ko naman sinabing sayo ang Bata, Fabian. Pinapaalam ko lang sayo na Buntis ako yon lang naman. W-wag ka naman magalit."   Mahina niyang sagot.

"Magandang nang malinaw. Isa pa may Girlfriend ako nagkataon lang nakaya ko kinuha ang Serbisyo mo dahil ayokong mabahiran ang pagiging puro niya gusto kong Birhen siya hanggang maikasal kami.".  Nag-angat ng tingin si Anita at deretsong tumitig sa akin.

"A-ang swerte naman niya sayo s-wana ako din makahanap ng Lalaking tatanggap sa akin."  May mumunting luha ang tumulo mula sa mga mata niya medyo nakaramdam ako ng awa sa kanya pero hindi ko aakuin ang hindi sa akin.

Nagkibit-balikat ako.  "Well, sana nga. So Anong plano mo?"

"Uuwi ako ng Probinsya tutal naka-ipon na ako ng pang tubos sa sinangla na lupa ng Lola ko."   muli siyang yumuko.   "Doon ko na din palalakihin ang Anak ko."

Pinagmasdan ko siyang mabuti bagsak ang mga balikat niya pero hindi ako pwedeng magpadala sa awa hindi lang naman ako ang gumagamit sa kanya marami kami.

Napukaw ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan ng tumunog ang elevator saka ito bumukas. Kakaiba ang pakiramdam ko kanina pa para akong excited na kinakabahan may napansin ako nakatalikod na batang Babae habang nakaupo sa isa sa mga couch ng Lobby mukha naman siyang malinis.

Sinalubong ako ng Receptionist ko.  "Sir sasamahan ko po kayo sa batang Babae."

Nauna itong maglakad habang ako parang ang bagal ng bawat hakbang ko ni hindi ko maalis ang pagkakatitig ko sa likod ng batang Babae.

Tumikhim ang Receptionist ng makalapit na kami sa kina-uupuan ng batang Babae. Dahan-dahan siyang lumingon at nag-angat ng tingin sa akin. Parang may kung anong kumurot sa puso ko ng magtama ang mga mata namin— kamukha ko nga siya.

"Ammm. Bata, ito si Sir Fabian Saavedra yung hinahanap mo na sabi mo Papa mo." Saad ng Staff ko.

Tumango naman ito saka ngumiti. Kamukha din siya ni Anita.

"Sabi po ng Mama ko kayo daw po ang Papa ko."   Maganda ang boses niya gaya din sa kanyang Ina para lang akong nananalamin ibig sabihin akin ang ipinagbubuntis dati ni Anita.

"Nasaan ang Mama mo?"  Tipid kong tanong.

Tumayo siya saka yumakap sa akin ng mahigpit may kung ano sa pakiramdam ko na hindi ko kayang ipaliwanag o baka ito ang sinasabi nilang lukso ng dugo.

Kulayan natin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon