IKA-ANIM NA KABANATA

154 18 6
                                    

Fabian's POV

Abot tainga ang pagkakangiti ko habang inaantay ang mag-ina ko para maipasyal ko sila minabuti kong gumamit muna ng banyo para makapaghilamos man lang nakalimutan kong hindi pa nga pala ako nakauwi simula kagabi.

Binasa ko ng tubig mula sa gripo ng lababo ang mukha ko buti at malinis naman ang banyo nila at may sabon din ginamit ko iyon panghilamos saka ako nagbanlaw ng maige. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng suot kong pantalon saka binuksan ang pinto para lumabas natigilan ako ng may bumungad na Lalaki sa harapan ko seryoso akong tinitigan nito, tinaguan ko lamang ito.

"Sorry kung matagal ako sa loob Pare."  saad ko saka ako humakbang.

"Ikaw pala ang Papa ni Ada."

Huminto ako sa paghakbang ng marinig ko ang pangalan ng Anak ko at hinarap ito. "Oo. Bakit?"

"Hindi naman kayo Kasal ni Anita diba?"

Nagtangis ang mga bagang ko sa tanong nito.  "Bakit? Ano naman sayo kung hindi kami Kasal?"

Sabay ngisi nito.  "Nililinaw ko lang Pare, ayaw ko kasing magkaproblema sakaling alukin ko ng Kasal si Anita isa pa mukhang hindi ka naman interesado sa Ina nasabi na sa akin ni Tatay ang tungkol kay Anita at nakahanda akong tanggapin ang dinadala niya maging si Ada—."

"Akin si Ada kaya 'wag mo siyang isama sa bilang mo."

Nagkibit balikat ito.  "Anak siya ni Anita kaya kasama na siya sa bilang ko. Wag kang mag-alala Pare hindi ko naman babawalan si Ada na makipagkita sayo kapag ikinasal na kami ng Mama niya pero bawal ka nang lumapit kay Anita kapag Asawa ko na siya."  tinapik pa ako nito sa balikat saka ako iniwang mag-isa sa pasilyo ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin lahat 'yon!

Akin lang si Ada! Akin rin lang si Anita at ganon na din ang dinadala niyang sanggol.

"Papa, ready na po kami ni Mama!". patakbong lumapit sa akin si Ada saka ako niyakap nakakawala ng pagod at asar ang yakap ng Anak ko parang lahat ng problema ko bigla na lang naglahong parang bula.

"Asan na ang Mama mo?"

Tumingala si Ada.  "Kausap po ni Tito Philip."

"Ah. Tawagin mo na sabihin mong nagmamadali kamo tayo para iwas trapik malayo ang pupuntahan natin."  nakangiti ako kahit na ang totoo gusto ko nang burahin sa suntok ko ang mukha ng Philip na 'yon.

Tumango si Ada.  "Okay po. Saglit lang po Papa."  dali-dali itong pumasok sa loob paglabas nito hila na nito si Anita na nakasuot ng duster na kulay Itim na merong maliliit na disenyo ng bulaklak habang naka tsinelas lamang ito kabuntot naman nito si Philip  na ikinakulo ng dugo ko.

"Papa. Andito na si Mama."  sabay silang huminto sa harap ko.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Anita napakaganda niya kahit wala siyang anumang make-up nakatali ang kulot niyang buhok habang may bitbit siyang lumang sling bag siguro lalagyan ng wallet at panyo niya.

"Anita heto ibili mo lahat yan ng magugustuhan niyong mag-ina para hindi naman nakakahiya kay Pare."  nakangiting sambit ni Philip.

Tinitigan ko ito ng masama.  "Hindi nila kailangan niyan. Halina kayo Anita, Ada malayo ang Enchanted Kingdom baka matrapik pa tayo."

"Yehey! Enchanted Kingdom!"  masayang humawak sa kamay ko si Ada ganon din sa kamay ng kanyang Ina saka kami naglakad patungo sa Kotse ko.

"Salamat dito Philip ibabalik ko na lang sayo mamaya pag-uwi namin."  malambing na sambit ni Anita habang naglalakad kami aaminin ko namiss ko ang boses niya.

Masaya ako dahil kasama ko na naman ulit sila. Next step ko ay kukunin ko silang dalawa dito sa Terminal at iuuwe ko sa Bahay ko!

Pinagbuksan ko ng pinto ng passengers seat si Anita habang sa backseat naman si Ada na tuwang-tuwa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kulayan natin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon