IKA-LIMANG KABANATA

64 8 0
                                    

Fabian's POV

"Hi Babe!"  masayang bati ni Daphne saka nagtuloy-tuloy ng pasok sa Conference room kung saan ako may Meeting para itong walang nakita hanggang sa makalapit ito sa akin sa Sentro ng Conference table.

"I have a Meeting."   kaswal kong sagot.

Tumingin ito sa mga Managers ko saka muling bumaling sa akin.  "I know but I demand your time."

Itinuon ko ang pansin ko sa  Report na hawak ko.   "What do you mean?"

"What I mean is you didn't have time for me you always spend it here in your Company pero sa Bastarda mo may Oras ka!"

Tahimik lamang ang mga tao sa loob ng Conference room lalo na ng marahas kong ilapag sa mesa ang hawak kong files saka ako tumayo.   "What did you say?" 

Nagtaas ito ng noo mukhang sinusubukan niya akong kontrolin.   "Ako ang Girlfriend mo for almost a year! Pero yung Bastarda mo ang inuuna mo! Akala ko ba ibinalik mo na siya sa P*kpok niyang Ina—."

"Shut up! You don't have any rights to say those words! Anak ko si Ada! Anak namin siya ni Anita! Oo p*kpok siya pero maslamang siya sa lahat ng aspeto kumpara sayo! Kailan mo ba ako inisip Daphnie! Naiisip mo lang ako sa tuwing kailangan mo ng mga Branded shoes and bags and that St*pid dresses! Kailan mo ko pinagtimpla man lang ng Kape? Wala kang maisip dahil of all those f*cking st*pid years ako, lang lagi kang wala dahil sa Ambisyon mong maging sikat na Model then there comes Anita na tumugon sa lahat ng pangangailangan ko! I don't know what to do now but you keep on nagging! Oo Mahal kita pero dati yon ang tagal na panahon na kinulong ko ang sarili ko sa Relasyon natin dahil Mahal kita kaso Ikaw din ang gumawa ng bagay para magtaksil ako sayo and I want this thing to end!"   nagkikiskisan ang bawat ipin ko sa kada banggit ko ng salita hindi ako papayag na insultuhin niya ang mag-ina ko sa mismong harapan ko.

"Pare, tingin ko dapat pag-usapan nyo munang mabuti bago kayo dumating sa Closure."  tapik sa akin ni Gerald pero umiling lamang ako alam ko kung ano ang nararamdaman ko nasasakal na ako gusto ko ng bitawan si Daphnie.

"Y-your blaming me because you cheat? How dare you Fabian!"  isang malakas na sampal ang hinayaan kong dumapo sa pisngi ko.   "Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Nagtiis din naman ako ng ilang taon pero bakit kung kailan na tayo ikakasal saka tayo nagkaganito, Fabian."

Huminga ako ng malalim saka deretsong tumitig kay Daphnie ang Babaeng minahal ko ng sobra pero ngayon hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na yon.  Parang biglang nagbago nang bumalik si Anita pero hindi na siya nag-iisa dahil kasama na niya si Ada ang sanggol na hindi ko binigyan ng Pangalan.   "I— I don't know I want a Break. Sorry."

Pinahid ni Daphnie ang sariling luha saka inayos ang sarili.  "Okay! You want a break up then be it!"

Kinuha nito mula sa kanyang daliri ang binigay kong engagement ring saka iyon nilagay sa ibabaw ng Conference table.
Taas noong naglakad palabas si Daphnie saka nito malakas na isinara ang pinto.

"Pare?"  si Gerald.

"Get out!"

Dali-daling nagsitayuan ang mga Managers ko para lumabas ng silid na kinaroroonan namin.

"Gusto mo bang uminom?"  tanong ni Gerald.

Tumango ako.

"I know a place."  pormal na saad nito.

***

Halos madaling-araw na nang mapagpasyahan naming umuwe ni Gerald hindi naman kami uminom ng marami kaya hindi ako lasing. Napailing na lamang ako ng ihinto ko ang Kotse ko sa gilid ng kalsada saka ko minasdan ang paligid natawa pa ako talagang dito ako dinala ng pagmamaneho ah ang gusto ko lang naman ay ang umuwi na para sana makapagpahinga na, iii-start ko na sana ang makina ng Kotse ko ng may humintong Taxi sa harap ng Terminal at may bumabang Lalaki na halos kasing tangkad ko at kapareho ko ng pangangatawan saka ito naglakad papasok ng gate ng Terminal. Kung Pasahero siya bakit bumaba pa siya sa naunang Taxing sinakyan niya?

Kulayan natin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon