IKALAWANG KABANATA

47 6 0
                                    

Anita's POV

Hindi ko akalaing muli akong makakatapak sa lupa ng Maynila kumpara sa Probinsya talagang napakaingay dito sa siyudad at maraming tao.

"Anong pang hinihintay mo, Anita." masungit na sita sa akin ni Fabian kalong pa rin niyasi Ada na himbing ang tulog simula ng makulong ako ngayon lang nagkaroon ng maayos na tulog ang Anak ko. Nagsimula nang maglakad palapit sa nakaparadang Sasakyan si Fabia na mas mukhang mamahalin kesa sa sinakyan namin kanina nung nasa Leyte pa kami.

"Ah, sorry." hinging paumanhin ko saka ako humabol sa kanya.

Pinagbuksan kami ng pinto namedyo may edad na na Lalake. Unang pumasok si Fabian sa loob ng kotse napaatras ako ng biglang isara ng lalake ang pinto ng kotse.

Naguguluhang napatitig ako sa Matandang Lalake ngumiti naman siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Pasensya na Miss. Sumunod ka sa akin ikukuha na lang kita ng taxi." magalang niyang sambit.

Napatitig ako sa bintana ng Sasakyan alam ko naman na balewala lang ako kaya bakit nga naman ako sasakay sa mamahaling Kotse na gaya nito.

Humakbang ako palapit sa Matandang Lalake at tumayo sa tabi nito nang pumara siya ng taxi. "Wala po akong pambayad, Manong."

Nilingon nigaako. "Sagot na ni Sir ang pamasahe mo Miss. Doon ka din sa Villa ihahatid ng taxi nagkataon lang kasi na tanging si Ma'am Daphnie lang ang pwedeng sumakay sa Sasakyan ni Sir kaya sa taxi ka sasakay."

Parang kinurot ang puso ko napakalupit pa din talaga ni Fabian para naman kaming walang pinagsamahan. Pinilit ko pa ring ngumiti. "Salamat po."

May humintong taxi sa harapan namin, binuksan ko ang pinto saka ako pumasok sa loob habang yung Matandang Driver sinabi kung saan ako ihahatid nito.

Bumalik ang Matandang Driver sa mamahaling kotse ni Fabian saka iyon pinaandar, umandar din ang taxi na sinasakyan ko. Yakap-yakap ko ang bag ko habang sige ang tulo ng mga luha ko. Ngayon pa lang iniisip ko na kung paano ako makakakuha ng trabaho para mabuhay ang Anak kong bunso kahit masakit sa akin ipapaubaya ko si Ada kay Fabianas maibibigay niya ang pangangailangan ni Ada kesa sa akin. Marami naman sigurong trabaho diyan na pwede kong pasukan sa ngayon makikitira muna ako kay Fabian.

"Miss, ayos ka lang ba?"

"Ho?" sabay punas ko sa mukha ko. "O-opo may naalala lang po eh.". palusot ko

"Ganon ba. Naku, baka naho-home sick ka lang. Di bale mukhang maganda naman ata yung Lugar na pupuntahan natin eh tunog pa lang pangmayaman na." nakangiting wika nito habang nagmamaneho.

"Siguro nga ho. Salamat po sa pag-aalala." saad ko.

"Wala yon. Mamamasukan ka bang Kasambahay?" usisa nito.

Kasambahay? Oo nga baka maging Kasambahay ako pagdating ko sa Lugar ni Fabian . Tumango na lamang ako.

"Ah, kung sakaling hindi maganda ang trato sayo." may kinuha siyang maliit na papel saka ibinigay sa akin. "Pwede mo akong makontak diyan para tulungan ka."

Maang akong napatitig na lamang kay Manong Driver.

Bahagya niya akong nilingon. "Nagkasambahay din kasi dati ang Misis ko at nakilala ko siya nung tumatakas siya sa Amo niya ngayon may Anak na kaming Seaman at nasa Barko siya saka gusto ko lang namang makatulong mukha ka kasing mabait bagay kayo ng Anak ko."

Natawa ako sa sinabi nito na bagay kami ng Anak niya. Inerereto niya sa akin ang Anak niya kahit hindi niya naman ako gaanong kilala.

"Salamat po. Itatago ko po itong binigay nyong papel.". itinupi ko iyon saka ko inilagay sa loob ng wallet ko na walang ibang laman kundi bente pesos na barya. "Anita nga po pala ang pangalan ko."

Kulayan natin ang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon