KABANATA I

1 1 0
                                    


Iritado akong nakaupo kaharap ang tuluyan ng lumubog na araw habang binabato ang payapang dagat.

"Ay! Kainis!" Asik ko at tsaka itinapon ang maraming bato sa kamay ko.

Hindi ko alam kung sapat ba ang rason ko para kamuhian siya. Hindi ko talaga gusto ang paraan ng pananalita niya.

And I also hate myself for feeling this way.

Ano nga bang aasahan mo sa isang pirata? Natural na mayayabang ang mga yon.

Lumapit ako sa napakalaking barko na hindi nalalayo sakin.

Sinipa ko iyon dahil sa Inis pero ako lang din ang nasaktan

'Yan ang tanga mo'

"Kung may galit ka sakin ay wag mo siyang idamay," Anang boses na nagmula sa likod ko. Nag init agad ang ulo ko matapos marinig yun.

Hinarap ko ang lintik na Kapitan ng taas kilay at noo.

Pati ang malawak nitong ngiti ay kinamumuhian ko.
Wala akong maintindihan sa inaaakto ko ngayon, ang alam ko lang ay naiiinis ako sa kanya dahil ganito nalang ang epekto niya sakin.

Tumitibok na naman ng marahas ang puso ko. Hindi ko alam, siguro ay dahil sa sobrang pagkamuhi ko sa kanya ay umiinit ang dugo ko.

"Hindi ka ba dadalo sa pagdiriwang?" tanong nito.

Pakialam niya ba?

"Ikaw, bakit ka nandito? Diba sabi mo bisita ka dun?"

"HAHAHA.." Ayan na naman yang tawang yan. Hindi ko alam pero naiinsulto ako eh. Ang babaw ng kaligayahan niya.

"Nag aalala ako sayo, ahm ang ibig kong sabihin ay sa dito sa Barko."

"Tsk." Inirapan ko nalang siya.

"Ang totoo talaga niyan ay bumalik ako para sayo." May maliit na ngiti sa labi nito ng sinabi iyon.

"Haha, buti bumalik ka kaagad balak ko pa namang sirain tong barko niyo."

"Oww, sana pala hindi na ako bumalik para kapag sinira mo siya ay matatagalan kaming maka alis rito, tutal gusto mo rin ata yun," may halongpang aasar sa boses nito na siyang nakapag painis lalo sakin.

Ha! Ang kapal naman ng pagmumukha nito.

"Oo! Para marami akong panahon para planuhin ang kamatayan mo!"

Mapapatay ko talaga to, kailangan ko lang ng kaunting oras. Pero sa aaminin, unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya.

"HAHAHAHAHAHAH!..," tuloy tuloy na tawa nito at hindi ko namalayan na nahahawa na pala ako nang hindi ko makontrol.

"Ang ganda mo lalo kapag nakangiti ka." Aniya na ikinatigil ko sa pag ngiti at napalitan ng mala kamatis na mukha.

"Ulol!" Tinalikuran ko na siya at naglakad takbo palayo.

Narinig ko na naman ang nakakainis niyang tawa na kanina'y sinasabayan ko.

"HAHAHA Magkita tayo ulit sa tanghalan!" anito.

Nang makalayo sa kanya ay hingal akong huminto. Hinawakan ko ang dibdib ko, ang lakas ng tibok nito.

Napagod lang ako sa pagtakbo ko, oo yun lang.

Tanghalan? Wala sana akong balak dumalo kaso mayroong parte ko na nag uudyok sakin na pumunta dun.

Bwisit na Alas yun.

Umuwi nalang ako sa bahay, matutulog na ako. Wala akong pakialam sa tanghalan kailangan ay maitulog ko na tong bangungot na to pra bukas ay magising ako na parang walang nangyari.

Isa tong nakakakilabot na bangungot. Wala sa tanang buhay ko ang nakagawa ng ganitong pakiramdam sa akin, tanging yung kapitan na Alas lang.

'Ang ganda mo lalo kapag nakangiti ka.'

Hayyy, paano ako makakatulog nito? Hindi umaalis sa isip ko yung papuri niya.

"Hindi! Hindi yun papuri, nang aasar lang siya!" Malakas na asik ko.

"Hoy Amarah! Magpatulog ka!" Biglang sigaw ng kung sino sakin.

Sandali, si Lola ba yun?

"La? Nandiyan ka ba?"

Wala akong narinig na sagot.

"La? Hindi ka ba dumalo ng pagdiriwang dun?"

Wala pa ring sagot kaya humiga nalang ako ulit sa kama. Baka tulog na siya.

Handa ko na sanang ipikit ang mga mata ko nang may marinig na naman akong tunog.

Tunog na nantatawag.

*Pssst!*

Sino na naman to?

Nanggagaling ang tunog sa labas ng aking bintana. Nasa Ikalawang palapag ako kaya imposible namang napakalakas ng sitsit na yun.

Baka halusinasyon ko lang yun, makatulog na nga.

Pero hindi eh, heto at naulit na naman.

*Psst*

Sino ba yan?

Pumunta ako sa may bintana at binuksan ito.

Pero hindi ko pa man nakikita ang itsura nito ay bigla nalang itong tumalon papasok ng kwarto ko.

Mahirap maaninag ang itsura niya dahil madilim pero pagkalipas ng ilang minuto ay nakilala ko na rin ito.

"Sinundo kita, tara na sa tanghalan." Anito at iniabot ang kamay para hawakan ko.

"B-bakit mo ako sinundo? Wala akong balak pumunta ron," nauutal kong sabi.

"Sige, hindi na rin ako pupunta," aniya nang may sinsiridad.

"Gago ka ba?! Umalis ka na nga! Lubayan mo na ako." Ipinagtutulakan ko siya paalis, baka marinig pa ni Lola ang malalakas naming palitan kaya nangangamba ako.

"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama," matigas na sabi nito.

"Amarah! Ang ingay ingay mo talaga!" anang tinig na galing nga kay Lola.

Hayst, mukhang wala akong ibang pamimilian. Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga ngipin.

Ano na namang ikina ngingiti nito?

Napaka wirdo talaga. Ganyan ba silang mga pirata? May saltik sa ulo?

"Tara," Iritadong sagot ko. Suko na ako, malamang ay hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.

Maganda na rin siguro dun, makikita ko si Zade.

Tumalon siya mula sa bintana pababa ng lupa. Hindi ba mapuputol buto niya sa pagtalon niyang iyon?

"Lika na! Sasaluhin kita, wag kang mag alala." Anito at itinaas ang mga kamay para ipaalam ang gagawin.

"Hindi ako bobo tulad mo." Tinalikuran ko na siya at bumaba ng hagdan para makapunta sa pinaka pintuan.

Naabutan ko siyang nakatayo sa harap ko at naka abot ang kanang kamay.

"Tara na Binibining Amarah," maginoong anito.

Ito pala yung nginingiti ngiti niya kanina. Nalaman niya na ang pangalan ko.

Inabot ko naman ito ngunit may pagkainis parin. Bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso ko.

Abnormal na siguro to. Nahahawaan na ako ng kaabnormalan ng isang to.

~ acezziee ~

Moving to Chapter 2...So how is it?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pirate Series 1: Love is in the waterWhere stories live. Discover now