PROLOGO

10 1 0
                                    


"Hoy Zzie, hindi ka ba dadalo sa tanghalan?!" Anyayang sigaw ni Ashia.

"Susunod ako, mauna ka na." Pabalik ko ring sagot sa kanya kahit na hindi totoo. Wala akong balak dumalo doon at gustong matulog na lamang ng maaga.

Napakaganda ng ayos niya ngayon halatang may popormahan. Sabagay, marami nga namang gwapo't makikisig na kalalakihan ang naroroon.

Nasa dalampasigan ako ngayon at pinagmamasdan ang papalubog na araw na sumasalamin sa katubigan.

What a beautiful scenery...

Hindi ko inaasahan na mamahalin ko ang dagat ngayon.

Maraming tao ngayon ang naghanda sa nasabing pagdiriwang sa loob ng kaharian upang ipagdiwang ang bisperas ng kaarawan ng Hari at ang paparating ring kaarawan ng kanyang kambal na anak na sina Hellem at ang nawawalang anak na si Haven na mag lalabinwalong gulang gaya ko.

Wala na silang balita tungkol kay Haven, sanggol pa lamang ito ng nawala sa piling nila.

Hindi ko masyadong alam ang buong kwento, ang tanging alam ko ay dinukot ito ng mga pirata nang minsang pumalaot sila sa dagat para doon ipagdiwang ang unang taon mula ng kapanganakan nito.

Anyway, wala na akong pakialam sa kanila.

Pero kagaya nila ay may hinihintay rin akong bumalik, nangangarap na makita siyang muli. Ni hindi ko nga alam kung babalik pa.

Tila nais rin manatili ng aking mga paa sa lugar na ito. Hindi mo rin ako masisisi, napakaganda at payapa ang paligid, tanging tunog ng mga alon lamang ang maririnig mo sa paligid animong nang aaakit. Dagdagan mo pa ng napaka puting buhangin.

Lumaki ako na kinasusuklaman ang dagat. Isa kasi ito sa naging dahilan kung bakit ako nag iisa ngayon.

Hihintayin ko lamang lumubog ng tuluyan ang araw at saka ako mag dedesisyon kung tutuloy paba ako dun o hindi na. Susulitin ko na muna ang mga oras na ito upang magnilay-nilay.

Napakatagal na ng panahon simula ng lumisan ang aking ama upang pumalaot sa dagat bilang mga kriminal na pirata. Ipinagpalit niya kaming mag ina niya para sa kayamanan. Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi ko na maibabalik yung mga panahong yun para pigilan siya, masyado pa akong bata para maintindihan ang lahat.

Ilang buwan rin lang ang nakalipas mula ng umalis siya ay saka naman nanghina si ina. Malubha itong nagkasakit at tuluyan rin ako iniwan.

Naalala ko pa ang huli niyang habilin sakin.

'Huwag kang magalit sayong ama, ginawa niya lamang ang nararapat. Kaya maging masaya ka anak, tuparin mo ang mga pangarap mo at kahit anong mangyari ay walang dapat na humadlang sayo.'

Hanggang ngayon ay hindi ko parin malaman kung ano ba yung mas nararapat sa sinasabi niya. May mas nararapat pa ba kaysa sa sarili mong pamilya?

Heto at umiiyak na naman ako. Hindi ko matanggi na sa kabila ng galit ko sa kanya ay hinihintay ko parin siyang bumalik ngayon. Gusto ko siyang mayakap, kahit sinasabi nila na wala ng posibilidad na makabalik pa siya dahil masyado raw marahas ang karagatan.

Pero gayunpaman, lagi ko paring pinagmamasdan ang dapithapong karagatan at nagbabakasakaling makita ang barko nilang dadaong sa isla.

Nawala ako sa aking iniisip at tumibok ng napakabilis ang puso ko nang marinig ang tunog ng isang papalapit na sasakyang pandagat. Tinanaw ko ito mula sa malayo at nakita ang dambuhalang barko.

Uuwi ka na ba? Nakasakay ka ba diyan? Bakit ngayon ka lang?

May halong saya ang buong pagkatao ko subalit may pighati parin akong nararamdaman.

Pirate Series 1: Love is in the waterWhere stories live. Discover now