Kabanata 1
NAKAILANG timpla na ng kape si Filia ngayong gabi. Malalim na ang eyebags niya't panay na ang kanyang hikab ngunit kapag humihiga naman siya upang subukang matulog, nagigising din ang diwa niya dala ng inis dahil sa mga bulaklak na hindi nabayaran. Nasira na nga ang araw niya, nagkautang pa tuloy siya kay Hades nang wala sa oras.
"Bwisit naman kasi. Ang yaman-yaman hindi nagbayad!" gigil niyang asik habang mariing pinipindot ang mouse ng kanyang laptop. Nang mapatingin sa poster ng crush na crush niyang si Rukawa ay bumuntonghininga siya. "Sandali na lang 'to. Promise ko sa'yo kapag nahanap ko ang account ng kumag na 'yon, tatapusin ko ang natitirang episodes."
Hades laughed on the other line. Muntik pa niyang makalimutang magka-video call sila dahil tinutulungan siya nitong maghalungkat sa internet.
"Alam mo, mamsh? Hindi ka talaga makakapag-asawa kung ang standard mo sa lalake ay gawa sa tinta at papel o kaya ay 2D. Mukha ngang malaki ang note sa screen pero hindi ka naman kayang warakin," ani Hades.
"Walang pakialaman ng standard. Hanapin mo 'yong lintik na may utang sa'kin nang mabayaran ko rin ang utang ko sa'yo," asik niya bago nanggigigil na pinindot ang backspace para makapagtipa siya ng panibago sa search bar.
She's been looking up Sorrel's account on Facebook for hours now. Kaya lang dahil sikat pala sa kababaihan ang binata dahil modelo ng underwear brand at galing sa kilalang pamilya, napakarami ring pekeng accounts na naglipana sa internet.
Hirap na hirap siyang i-trace ngayon ang account nito para masingil. Hindi rin naman daw kasi ito kaagad namukhaan ni Hades dahil mas yummy raw ito sa personal. Ang alam lamang ni Hades ay pamilyar ang gwapo nitong mukha.
Gaano ba kasi kaabala si Filia sa buhay at hindi man lang niya ito nakilala? Ni isang billboard ba nito ay wala siyang nakita o sadyang wala lang siyang interes sa mga lalakeng naka-brief sa naglalakihang larawan ng mga ito sa EDSA?
"Next time, mamsh, siguro alamin mo muna sino ang client ni Ma'am Jodi at Ma'am Dolly," paalala ni Hades bago humikab. "Oh, siya. Bukas na kita ulit tutulungan. Magbu-beauty rest muna ako at may date ako bukas."
Hindi na lamang siya umalma. Ayaw rin naman talaga sana niyang makaistorbo rito. She just waved goodbye then ended the call as soon as Hades said good night.
Napabuntonghininga siya matapos niyang patayin ang tawag. Saan ba niya hahanapin ang lintik na Sorrel Trillano na iyon? Wala naman din siyang mapala kay Dolly dahil wala itong gaanong alam tungkol kay Sorrel. All Dolly knows is that Sorrel is a Trillano. And that he's a womanizer.
Sabi naman sa ilang article ay ito umano ang sakit ng ulo na myembro ng pamilya Trillano. Ilang beses na itong natulog sa police station dahil tuwing nalalasing ay nagtatawag ng gulo. Sorrel insisted on the interviews that he just protected himself. Ito raw ang nilalapitan ng mga babaeng may kasama palang nobyo kaya ito napapa-trouble.
Filia scratched her forehead. Malapit na talaga siyang sumuko kung hindi lang siya nakahanap ng screenshot ng story nito sa IG. Naniningkit ang mga matang inilapit ni Filia ang mukha sa screen para lamang mabasa ang pagkaliliit na letra. She then read his username out loud without realizing what it means.
"Sorrelnotsorry." She rolled her eyes after realizing what his username says. "Oo nga naman. You're not really sorry. Kumag ka. Tinangay mo pa sapatos ko."
Padabog niyang dinampot ang bowl ng dried fruits saka kumain sandali. Maya-maya ay tuluyan niyang pinadalahan ng chat ang binata, ngunit nang lumipas ang trenta menutos at wala pa rin itong reply, tinadtad na niya ang mga post nito ng comment.
She was so eager to get his attention so he would finally pay her that she reached his very last IG post. Maya-maya ay nag-notify na nag-post ang binata ng bago nitong IG story.
![](https://img.wattpad.com/cover/349851036-288-k323955.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGNATE SERIES 1: The Womanizer's Bed Warmer
RomantikSerafilia "Filia" Florentino is getting tired of all the pressures she's receiving from her family. Tuwing reunion na lamang o kahit magkita lamang sila ng isa sa kanyang mga kamag-anak, palagi na lamang siyang tinatanong ng mga ito kung kailan siya...