Kabanata 3

954 39 2
                                    

Kabanata 3


UNANG ring pa lamang ng alarm clock ni Filia ay para na siyang robot na bumangon. She did some stretching on the bed then walked like a zombie towards the bathroom. Matapos maghilamos at magsepilyo ay nagsuot na siya ng kanyang workout clothes. She wore her earbuds and did a thirty-minute run while the Sun isn't up.

Pagkatapos mag-ehersisyo ay bumalik na siya sa flower shop. Nasa itaas lamang ng kanyang pwesto ang maliit niyang tinutuluyan na tila isang bachelor's pad. Kaya isang kembot lamang ay kaya na niyang magbukas ng shop na ipinamana sa kanya ng Lola Ludivina niya.

Her life and daily routine may seem boring, but she loves it. Hindi niya kailangang makipagsiksikan sa ibang pasahero, nakakapagkape siya kapag gusto niya, at wala siyang ibang iniisip kun'di ang shop niya. 

To her, this is life. This is living. People may not understand it, but this is everything she wanted.

"Magkape na tayo, Filia," bati ng matandang lalake na may-ari ng katabi niyang pwesto habang inaayos niya ang signage sa labas ng shop niya.

Filia smiled. Isa ito sa kakarampot na taong binibigyan niya ng ngiti sa araw-araw. Kaibigan kasi ito ng yumao niyang Lola kaya kung ituring siya ay para na ring pamilya.

"Sige po, Mang Johnny," aniya bago lumapit sa matandang lalake. 

Naglalagay ito palagi ng foldable table sa labas ng pwesto nito na patahian ng mga damit. Naging parte na ng routine nila ang magkape sa umaga at panoorin ang kalsadang unti-unting mapuno ng mga sasakyan. 

"Filia, naalok ka na rin ba?" tanong nito sa kalagitnaan ng pagkakape nila.

"Naalok po ng ano?"

"Itong lugar natin, pinagkakainteresan. Malaki-laki ang alok na halaga." Iniangat nito ang tasa. "Hindi ba ay may pinag-iipunan ka? Baka iyon na ang kasagutan."

Bumuntonghininga siya. "Pero hindi ko ho pwedeng ibenta 'tong pwesto. Nangako ako kay Lola na palalaguin ko ho ang flower shop. Saka 'yong pinag-iipunan ko ho, para rin ho 'yon sa mga plano ko sa shop."

Balak kasi niyang bumili ng lupain na pwedeng gawing flower farm. Gusto niya sanang magkaroon siya ng sariling supply bago siya mag-asam na makapagpatayo ng iba pang branch. 

"Naiintindihan ko naman 'yon, Filia pero matanda na rin itong mga pwesto natin. Kaedaran pa nga namin ng lola mo ang bawat pader," ani Mang Johnny.

"Kahit na ho. Mahal na mahal ho ni Lola itong pwesto namin kaya kahit ano hong mangyari, hindi ko ho ito bibitiwan."

Besides, she loves their neighborhood. This is where she grew up. Everything around is familiar to her, and the thought of leaving it behind feels scary.

Inubos niya ang natitirang laman ng tasa saka siya tumayo. "Pasok na po ako, Mang Johnny. Salamat po sa masarap na kape."

Nakangiti itong tumango. Tinalikuran na rin niya ito saka siya pumasok sa kanyang pwesto. She went to the counter and checked her to to list. Nag-confirm na rin siya ng orders bago niya sinimulan ang arrangements ng pang-alas dies na pick up. 

Filia was in the middle of arranging flowers when the door opened. Kaagad siyang tumingin sa direksyon ng pinto. Handa na sanang bumati sa kung sino man ang pumasok. Ngunit nang magpanagpo ang tingin nila ni Sorrel ay kaagad na gumuhit ang inis sa kanyang mukha. Lalo na noong nakita niya ang nakabubwisit na ngisi ng lalake. 

"Anong ginagawa mo rito? Magbabayad ka na ba?" asik niya. Naku, ang aga-aga sira na kaagad ang araw niya!

Sorrel smirked before he finally shut the door. "I brought you doughnuts and coffee."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAGNATE SERIES 1: The Womanizer's Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon