Kabanata 2

758 35 1
                                    

Kabanata 2


"SIR! SIR, maniwala kayo. Sinisingil ko lang ho 'yang kumag na 'yan pero hinalikan ako, eh kaya nasapak ko! Kusa lang din siyang nahiga sa gilid ng kalsada kaya pilit kong ginising!" paliwanag ni Filia sa mga pulis nang bitbitin sila patungo ng presinto. 

Nagtinginan ang mga pulis. Tila hindi naniniwala sa mga dahilan niya. Alin ba roon ang hirap ang mga itong paniwalaan? Iyon bang sinisingil niya si Sorrel? Iyong humiga ito sa kalsada? Oh baka naman iyong hinalikan siya nito?

One of the officers sighed. Isinama siya nito sa harap ng desk at doon pinaupo. The officer had her narrate everything. Ganoon din ang ginawa kay Sorrel noong nahimasmasan na ito. Napaka-unfair nga dahil binigyan ng mga ito ng kape si Sorrel habang siya, ni tubig ay hindi siya inalok!

"Madam," tawag ng pulis sa kanya nang mahuli siyang tinititigan nang matalim si Sorrel. 

Filia inhaled a sharp breath then looked at the officer. "Ma'am ho. Twenty eight lang ho ako at wala akong asawa."

"Hindi ho halata," biro ng pulis.

"Na wala akong asawa?"

"Na twenty eight lang kayo," nakangisi nitong sabi. 

Mahinang tumawa si Sorrel na nakaupo sa tapat niya. "Mukhang eighty two na mainit ang ulo dahil tigang," gatong nito sa pulis.

Her teeth gritted. Sa inis niya ay natadyakan niya ito sa bandang binti. The moron groaned then pointed at her.

"Anong pwede kong ikaso sa babaeng 'to? She's been harassing me all night," ani Sorrel sa pulis.

Napaawang ang mga labi ni Filia. "Ikaw pa ang may ganang magsabing hina-harass kita?! Hoy! Kung hindi mo sinira ang arrangements ko, hindi tayo aabot dito!" Tumingin siya sa pulis. "Ako dapat ang magsampa ng kaso diyan, eh! Damage to properties at theft!"

"Theft? Puta, anong theft?" salubong ang mga kilay na tanong ni Sorrel.

"Tinangay mo 'yong isang sapatos ko no'ng tumakas ka at hindi nagbayad!"

Sorrel scoffed. "Miss, ipapaalala ko lang na ikaw ang naghagis ng sapatos mo sa sasakyan ko. That cannot be considered theft. Saka hindi ko nga napansin 'yong sapatos mo sa sasakyan ko. Malas mo. I didn't fuck anyone in my car so I didn't notice."

Halos magngitngit ang mga ngipin ni Filia sa inis. "Hindi ko ihahagis kung sana nagbayad ka na lang! Lalong hindi ako magpupuyat nang ganito at sasayangin ang oras ko sa isang kagaya mo kung sana binayaran mo ang bulaklak ko!"

"What flower are we talking about again? You mean the literal flower or your withering flower between your thighs?"

Her eyes twitched out of anger. "Bastos! 'Yong mga bulaklak na sinira mo sa simbahan ang tinutukoy ko!"

"Oh, that. Well . . ." Sorrel flashed a meaningful smirk. "I already did, didn't I? Oh, baka naman kulang pa 'yong binigay ko kanina? Hindi kita type pero willing naman kitang patulan."

Tuluyang napitik ang pasensya ni Filia. Nandilim ang paningin niya sa sobrang galit sa lalaki. Next thing she knew, she's already calling Hades to bail her out. Siya na nga itong nangunsumi nang husto kay Sorrel, siya pa itong nasampahan ng kaso!

Hades came with his green facial clay still on. Naka-pink pang roba kaya halos hindi maseryoso ng mga pulis habang pinapyansahan siya.

"Naku, Mamsh. Baka mamaya maging issue sa mga coordinator itong kaso mo. Isipin bayolente kang tao," ani Hades habang papalabas sila ng police station.

Bumuntonghininga siya. "Bahala na. Saka kilala naman nila ako, eh. Ngayon lang naman nangyari 'to."

"Bakit mo naman kasi binasagan ng itlog si Sorrel? In-upper cut mo pa. Kamag-anak ka ba ni Pacquiao?" natatawa nitong tanong.

MAGNATE SERIES 1: The Womanizer's Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon