Chapter 10

114 11 4
                                    

Sarkasto akong napamangha sa narinig sabay pamewang na humarap sakanya. Gusto ko sanang mainis, magalit, matakot at kilabutan sa narinig pero namalayan ko nalang ang sariling napangiti hanggang sa napahalakhak ng tawa. Hindi ko alam kung bakit bigla nalamang akong natawa.

"What's funny?"

Napailing ako sabay pigil sa sarili kong tumigil sa pagtawa.

"Nakakatawa ang sinabi mo. Literal" napapunas ako sa luhang namumuo sa mata ko dahil sa pagtawa. "Ano yon? Magiging apelyido ko ang apelyido mo?" Napaisip pa ako sandali. "Steffanie Guevarra? Eh? Pft! Paano yon?" Wala sa sarili kong sabi at wala sa isip ko ang ideyang naiisip niya.

"Pakakasalan kita" seryoso niyang sabi at tila hindi niya nagustuhan ang pagtawa ko sa sinabi niyang magiging apelyido ko raw ang apelyido niya. Natigilan ako nang ma-realized ang sinabi niya.

Napakunot ang noo ko.

"Siraulo"

"What!?" Ikinagulat pa niya ang sinabi ko.

"Lume-level up na yang pang-aasar mo sakin ha! Wag kang magmalabis baka mabatukan kita diyan" naiinis kong sabi at nag-akma pa akong babatukan ko siya dahilan nang mapaatras siya ng wala sa oras at halatang nagulat.

Nong una sinasabi niya sa mga taong nakasalubong namin kanina na manliligaw ko raw siya tapos ngayon, napadpad nanaman ang utak niya sa kasalan. Yung totoo? Naka rugby ba siya?

Napaismid siya sa sinabi ko at sa di malamang dahilan ay ang cute niya sa aktong iyon.

"Ganito mo rin ba inaasar ang kakilala at kaibigan mo? Hanep ka rin pero goods yan, hindi magiging boring ang bonding niyo kasi sa magkakaibigan hindi naman talaga nawawala ang isang miyembrong maluwag ang tornilyo"

Napakunot ang noo niya pero ramdam kong hindi na niya iyon pinansin dahil tumahimik lang siya at walang sinabi. Nagpatuloy parin kami sa paglalakad at hindi ko na alam kung saan kami titigil. Sumasabay nalang ako sakanya, total saaming dalawa, siya ang may pera, siya ang may pakay dito.

"I used to enjoy and like teasing my friends before, pero hindi na ako tulad ng dati na kadalasang ginagawa iyon but nagsimula lang akong bumalik sa pang-aasar nang dumating ka sakin"

Napangiwi ako at tila medyo na cringeyhan ako sa sinabi niya doon sa huling part.

"Hoy! Gago to, kilabutan ka nga diyan. Anong 'dumating ako sayo?' eww, mukha kang nagko-confess" tumigil siya sa paglalakad dahilan nang napatigil rin ako. Napalingon ako sakanya na may panlalaki ang mga mata nang may napagtanto ako sa sinabi ko. Seryoso lang siya at hindi rin tumutol sa nasabi ko. Alam kong biro at pang-aasar lang iyong sinabi ko pero bakit tila parang kinakabahan ako dahil sa sineryoso niya iyong nasabi ko.

"Itong pang-aasar ko sayo, this is not just only to make you feel irritated and annoyed. I am doing this so that you will think of me all the time, every second, minute and hour, that you will not forget me kahit sa oras ng pagtulog mo. The truth is, I'm teasing you with my confession"

Ilang segundong katahimikan at nagkatitigan lang kami sa isa't isa. Mayamaya lang ay hilaw akong napatawa. Seryoso ba siya? Anong confession ba ang tinutukoy niya? Para siyang sira!

"Parang gago to" napaturo pa ako sakanya. "Hoy Gwibara! Ayos na sakin iyong inaasar mo ako total nakakaganti rin naman ako sayo pero please lang, wag mo akong asarin sa ganyang mga bagay, hindi na ako natutuwa" seryoso kong sabi na may pagbabantang tono sa boses ko habang hindi pinuputol ang pagtitigan namin sa isa't isa pero ang loko ay hindi rin nagpapatinag at mukhang mas seryoso pa siya kaysa sakin. Wala akong nakikitang pang-aasar sa mga mata niya o baka naman new emotion unlocked nanaman niya to? Iyong serious look lang pero nang-aasar lang pala.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon