This novel is intended for mature readers only and should not have been read by 18 below.
Contains mature scenes, strong language, and VIOLENCE. You may skip this story if you're not into this kind of genre. I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.
Note: This is different from the old print book, this one is the improved 2023 copy with additional new scenes and chapters that were only released this year. Thank you.
---------------------------------------------------
ANONG ORAS NA BA?
Wala akong alam sa oras dahil wala namang orasan dito. Pinagmasdan ko ang kapirasong liwanag mula sa mataas na bintana. Kakaunti na lang iyon. Dumidilim na kaya siguro ay magagabi na. Kailangan ko nang buksan ang aking makulay na lampara.
Ang kuwartong kinaroroonan ko na bagaman may maliit na sariling banyo ay wala namang ibang gamit, kundi ang aking foam na higaan sa lapag, isang kumot at isang unan. Wala ring kuryente at ang nag-iisang bintana ay bukod sa napakaliit ay napakataas din. Mabuti na lang at malamig sa lugar na ito, kaya kahit paano ay komportable ako. O baka aking pinaniniwala na lang ang sarili na komportable nga ako rito?
Ilang araw na nga ba? Ilang linggo? Ilang buwan? Maglilimang buwan na yata simula nang ikulong niya ako dito sa maliit na kuwartong ito.
Kailan ba ako makakaalis? O sa madaling salita ay makakatakas? Pero gumagawa nga ba ako ng paraan para tumakas?
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pagtunog ng kandado mula sa labas ng kwartong ito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Siya na ba iyon?
Siya na dahilan kung bakit nandito ako.
Siya na bumihag sa akin nang hindi ko alam ang dahilan.
Siya na pinupuntahan lang ako kapag dapit-hapon na, kapag madilim na, at hindi ko na siya gaanong makikita. Tumayo ako at hinintay siya na makapasok. Ang inaasahan ko na takot na mararamdaman ay wala. Siguro nasanay na ako. O baka dahil sa alam kong kahit may mga panahong gusto niya, hindi niya pa rin talaga ako kayang saktan.
Iniluwa ng pinto ang isang matangkad na lalaki. Dahil nga sa papadilim na, halos hindi ko na siya makita. Hindi ko pa rin nabubuksan ang aking makulay na lampara, sabagay ay hindi rin naman iyon sasapat para masilayan siya. Talagang sinasadya niya na tuwing gabi niya lang ako pupuntahan para hindi ko makita ang itsura niya.
Ang alam ko lang ay parang hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa. Ang mga mata niya ay palaging malamlam na bahagya kong nasisinag kapag malapit na malapit siya. Kabisado ko na rin ang mabangong amoy niya, ang malamig at matigas na boses niya, at maging ang kanyang paghinga. Sino nga ba talaga siya? Kailan ko ba siya tuluyang makikilala?
Hindi nga ako nagkamali dahil ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya. Tumatama sa aking balat ang mainit at bagamat amoy alak ay mabango niyang hininga.
BINABASA MO ANG
Ravished
General FictionCaptured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra, Aiko realizes that the reality she believes in isn't what it seems. *** Held captive for an unknown...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte