"BANGON NA. Tanghali na."
Naalimpungatan ako sa tinig ng aking ina. Marahan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. "M-Ma?"
Nasa hapag siya at naghahanda ng pagkain. "Halika na, kumain na tayo. Mamayang gabi pa darating ang papa mo mula sa bago niyang raket. Alam mo na, kailangan niyang kumita dahil tambak ang bayarin natin."
Kinusot ko ang aking mga mata para lang papaniwalain ang sarili ko na hindi ito panaginip lang. Nandito nga ako sa kubo namin. Bumangon ako at lumapit sa kanya. "M-Ma, kanina pa po kayo nandito?"
Humarap siya sa akin at ngumiti. "Hindi naman ako umalis, ah?"
Isa-isa nang naglandas ang mga luha ko. Tumakbo ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "M-Ma..."
"Shh... Bakit umiiyak ang anak ko?"
"M-mahal na mahal kita, 'Ma..." Sobrang na-miss ko siya. Pinipilit ko lang siyang kalimutan pero palagi ko pa rin siyang naiisip. Alam ko na sobra-sobra ang pag-aalala niya sa akin.
Kumalas siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. "Mahal na mahal din kita..." Namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Kailan ka ba babalik?"
Napabalikwas ako ng bangon na may mga luha ang mga mata. Sabi na nga ba – hindi totoo!
Siguro ay dahil miss na miss ko na si Mama kaya napanaginipan ko na naman siya. Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang kalagayan niya? May gamot kaya siyang iniinom? May pagkain kaya siya? Napakahirap namin. Sobrang hirap mula nang magkasakit si Mama at kinailangang maoperahan.
Naibenta ang mga gamit namin, napalayas kami sa tinitirahan, at nahinto rin ako sa pag-aaral. Sa edad na twenty four ay third year college pa lang ako. Kinailangan kong huminto dahil walang-wala na talaga kami.
At si Papa... mula nang isinama siya ng kanyang kaibigan para sa isang big time raket daw ay hindi na muling bumalik. Maski ang magparamdam ay hindi niya na nagawa.
Parang ako ngayon, bigla na lang din akong nawala...
NAPALUNOK muna ako bago buksan ang pinto ng mansiyon. Mula nang makaharap ko ang lalaking 'P' lang ang pangalan ay hindi na muling na-lock ang kinaroroonan kong kwarto. Hindi pa rin naman ako lumalabas maliban na lang ngayon na tinawag niya ako.
Kung noon na hindi ko pa nakikita ang kanyang itsura at sa dilim ko lang siya nakakasama, nagagawa ko siyang harapin, ngayon ay nanghihina na ako kapag kaharap na siya. Ibang-iba ang pakiramdam dahil nakikita ko na siya nang harapan.
Nakakapanghina. Nakakaubos lakas. Parang hinihigop ng mga mata niya ang kaluluwa ko. At muli, bumalik ang dating takot na akala ko ay nawala na sa aking puso.
Akma ko pa lang hahawakan ang seradura nang kusang bumukas ang pinto. Napatingala ako nang bumungad sa aking ang isang lalaki. Madilim at nakasimangot ang guwapong mukha nito. Si P.
BINABASA MO ANG
Ravished
General FictionCaptured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra, Aiko realizes that the reality she believes in isn't what it seems. *** Held captive for an unknown...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte