PAPATAYIN KO SI POCHOLO SAAVEDRA!
Ito lang ang pagkakataon ko. Sasamantalahin ko na mahimbing ang kanyang tulog. Nanginginig ang kamay ko na iniamba ang aking hawak na patalim. Kinailangan ko pang gamitan ng dalawang kamay para lang panindigan ang aking gagawin.
Matagal akong nakatayo lang at nakaamba lang sa kanya. Pinagpapawisan na ako pero hindi ko pa rin siya magawang saksakin. Namalayan ko na lang na naibagsak ko ang kutislyo. Hindi ko pala kaya. Akala ko kaya ko... hindi pala.
Kahit pa napakasama niya ay hindi ko pala siya kayang patayin. Hindi ko kayang kumitil ng buhay ng tao. Kahit pa sabihing tanga ako ay hindi ko kayang kumitil ng buhay ng kahit sino.
Nanakbo ako pababa, pabalik sa kulungan. Nang matagpuan ko si Mang Karog ay lumuhod ako at yumakap sa kanya. "H-hindi ko po kaya... hindi po..."
Nakatitig lang sa akin si Mang Karog.
"A-ano na pong gagawin ko? H-habang-buhay na lang po ba ako sa lugar na ito?"
Napahugot ng paghinga ang matanda. "Hindi bale nang ikaw ang maagrabyado. Ang mahalaga ay mabuti kang tao."
Umangat ang aking mukha.
"Mabuti kang tao, Aiko. Darating ang araw na siya naman ang luluhod sa 'yo."
"Po?"
"Darating ang araw na magkakabaliktad kayo ng posisyon."
Mangyayari nga kaya iyon?
"Tulungan mo siya, Aiko. Tulad mo ay naghihirap din siya. Hindi niya gusto ito. Naghihirap siya dahil sa ginagawa niya sa 'yo."
Nahihirapan? Si Pocholo Saavedra ay nahihirapan dahil sa ginagawa niya sa akin? Pero bakit at anong dahilan?
"KNEEL," utos ni Pocholo Saavedra ang panginoon sa lugar na ito. Mula nang magkita kaming dalawa sa liwanag, palagi niya na akong pinaluluhod at pinayuyuko kapag kakausapin niya ako. Ayaw na ayaw niya na magtatama ang aming mga mata. Tila siya napapaso.
Lumuhod ako tulad ng utos niya. Nakaupo naman siya habang nakatalikod sa akin. Ibang-iba siya sa tuwing nasa mainit kaming tagpo. Kapag madilim ang paligid at nasa loob siya ng mga bisig ko. Ngayon ay sobrang lamig niya. Sobrang layo.
"Those two guys yesterday are my cousins. Borgy Montemayor and Conrad Deogracia."
Nakikinig lang ako sa malamig na boses niya.
"You should act normal when they're here. Eventually, they're gonna visit me more often."
Hindi ko na siya gaanong naririnig. Naglalakbay ang isip ko. Ano na nga ba ang mangyayari sa akin? Ang sabi niya ay kailangan kong mailabas sa mundong ito ang anak niya. Pagkatapos, paano na ako? Ano ang balak niya sa akin? Mapapatawad niya na ba kung ano man aking kasalanan kung sakaling manganak na ako?
BINABASA MO ANG
Ravished
General FictionCaptured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra, Aiko realizes that the reality she believes in isn't what it seems. *** Held captive for an unknown...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte