Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3: First Auction

Detective Bryan Kaiser Maon P.O.V

‘Aishh!! Late na naman ako!!’ Agad kong kinuha ang tuwalya ko at pumasok sa banyo. Tatawagin pa sana ako ni Nanay ng makita niya akong lumabas kaso agad akong pumasok ng banyo para maligo na.

Nag madali na ako sa pagligo at agad na pumasok ng kwarto. Nakunot pa ang noo ni Tatay ng makita akong nag mamadali. ‘Malilintikan na naman ako nito!’

Pagkatapos kong magbihis ng uniporme, lumabas agad ako ng kwarto at nag suklay ng buhok. “Nak! Kumain kana muna, bago pumasok.” Sabay sabi ni Nanay habang nag-aayos ng lamesa.

“Late na ako, Nay. Mauna na po ako. Salamat nalang po.” Paalam ko agad sa kanila at paglabas ko nakita ko si Tatay.

“Oh, nak? Aalis ka agad?” Salubong niya sakin.

“Opo, Tay. Malalate na po ako sa trabaho.” Sabi ko sa kanya.

“Ahh, sige. Nak oh.” Sabi ni Tatay sabay abot nung susi ng motor namin. “Tay, mag co-commute nalang po ako.” Sabi ko sa kanya at ibinalik ang susing ibinigay ni Tatay.

“Masyadong hasel, nak. Gamitin mo muna ‘to. Hindi ko naman din gagamitin ngayong araw yan. Sige na, nak
Baka ma late ka pa ng sobra.” Sabi ni Tatay at ibinigay uli ang susi. Sumang-ayon nalang ako at kinuha ang susi.

Agad akong nag paalam kay Tatay at umalis na gamit yung motor namin. Minadali ko narin ang pag drive at agad na nakarating sa police station. Buti na lang at hindi trapik masyado ngayon.

Agad akong pumasok at bumati sa mga nakasalubong kong mga police rin. May nakita akong lalaki na kakapasok lang sa isang dulo ng pintuan at agad akong pumasok, kasunod niya.

“S-sorry, mukhang na late na naman ako.” Sabi ko ng maka-pasok ako. Napatingin sakin lahat, medyo hiningal pa ako dahil sa pagmamadali.

“No. You're just on time, Detective.” Sabi ni Chief Matias.

Naglakad na ako sa naka helerang upuan at umupo sa kanang bahagi ng upuan. Napalingon ako sa mga kasama ko ngayon. Isang babae, at tatlong lalaki, saka si Chief.

Napatingin ako sa babae na parang wala man lang emosyong pinapakita. Napailing nalang ako.

“Who are we waiting for? Bakit hindi na magsimula agad?” Sabi ng babaeng na nasa kaliwang bahagi lamesa. Bale harapan kami.

“Just wait, Sapp. We're waiting for Lieutenant Colonel Harry.” Sabi ng katabi nito. At nakita kong inirapan lang ito ng babae na tinawag na Sapp? Tama ba? Ewan!

Suddenly the door swung and the Colonel entered. “Did you wait too much?” The Lieutenant Colonel asked us.

“Ohh yeah kanina pa. Ang tagal mo dumating.” Reklamo nung babae. Sinamaan siya ng tingin ng lahat, except lang sakin. Napa-kunot noo nalang ako. Kasi honestly yung tatlong lalaki madalas kong makita rito pero yung babae, ngayon lang.

“Ohh, sorry about that, Miss.” Lieutenant Colonel said and stand up in front of us.

“ This is the first time that you got here, Detective. I will tell you that this may be a dangerous thing to do. I hope you're aware of it.” Sabi ni Lieutenant Colonel Harry.

Napatango ako dahil alam kong pinagsabihan na rin ako bago ako pumasok sa ganito. They tell me na this may be so dangerous works but I still accept it. Maybe this is a exciting though.

“Yes, Sir.” Sabi ko sa kanya.

“Alright then. Let's start.” Sabi nito at inayos na ang dapat ayusin. May mga binigay siya saming mga folder. Isa-isa kami at tiningnan namin yun.

Secret Identity: Introduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon