Chapter 2

3 0 0
                                    


Chapter 2: Work

Ashley Villegas P.O.V

Nakakainis na si Xyrielle. Bakit ba ganyan siya? Naiintindihan ko naman yung punto niya pero yung pag-alis at walang galang na sagot niya sa board ang hindi maayos at maganda. Pwede niya namang sabihin o ipaintindi sa kanila ng maayos.

Hindi yung ganito! Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya 'toh pero dahil sa ginawa niya. Mas lumalaki lang ang gulo. Ang sakit niya sa ulo. Madalas ko ng napagsasabihan dahil sa mga pinapakita niya. Pero ganun parin. Ang tigas na ng ulo, lagi pang umalis ng biglaan.

Napahilamos ako sa mukha ng alisan niya ako sa cafeteria may mga estudyanteng naka tingin saamin. Kahit hindi na nila tignan naririnig nila ang boses namin. Hayts, naku naman. Xyrielle naman...

Hindi ako sumabay sa kanila ng mag lunch. Nag chat nalang ako sa mga kaibigan ko na may gagawin pa ako kaya hindi na ako makakasabay sa kanila.

Pumunta ako sa office ni Madame Zumiri at kumatok. Sa labas palang ng brown na pinto may nakalagay na pangalan ni Madame Sheila Mae Zumiri.

Narinig kong may nagsalita. "Pasok." Sabi sa loob ni Madame. Pumasok agad ako sa office nito.

Pagpasok palang ramdam mo na yung ambiance. White theme lang ang kulay ng pader at pag pasok palang may lamesa at mga upuan ng narito. Sa may kanang gilid ni Madame ay ang mga papeles. Kahit sa mesa nito ang may nakalagay na pangalan niya. Mrs. Zumiri, Sheila Mae. Kakaiba ang ayos kaisa sa nakalagay sa harapan ng pinto nito.

"Anong kailangan mo, Vice Pres?" Maowtoridad nitong sabi at sumandal pa sa upuan nito.

"Madame, pagpasensyahan niyo na po si Pres. Sa ginawa niya kanina. Ako na po ang humihingi ng tawad sa mga sinabi niya sa board." Sabi ako habang nakatayo sa harap niya. Pero ang nasa gitna ay ang lamesa niya at kung saan siya naka-upo.

"Vice Pres. Naiintindihan kong nag-aalala lang siya para sa mga students na nandito. But she disrespect us, and she even stood up and walked out habang nag di-discussion ang mga board members. It's so unmannered, Vice Pres." Mahabang sabi nito habang ginagalaw pa ang mga kamay nito sa hangin habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Pinaparusahan ko siya ng isang linggong grounded. Hindi siya pwedeng pumasok sa mga klase at sa dorm narin. Bumalik muna siya sa pamilya niya. Mas mabuti ng ganito, Vice Pres. Baka pagbalik niya ay maayos na 'toh." Dugtong pa ni Madame Zumiri.
'Anong? Parusahan? Ayos lang pero isang linggo? Ang tagal nun.'

"Pero Madame-"

"Ito ang request ng board members, Vice Pres. It is better if it's like this. For now, you will be the one who will hold all the records of the students. They can rely on you. Just tell me if they're something wrong at ng maayos agad." Sabi nito ng putulin niya ang sasabihin ko.
'Seryoso ba? Masyadong marami ang college na nandito.'

"Madame, kahit naman ilang araw lang. Sobra na po yung isang linggong hindi siya papasok. Paano po yung mga lessons na hindi niya maabutan? Baka po bumagsak ang grades ni Pres diyan." Kagat-labing sabi ko at napa-kamot pa sa ulo ko. Nakatayo parin ako sa harapan niya.
'Nangangalay nako!'

Tumayo siya at tiningnan ako sa mga mata. "Vice Pres, siya ang may gawa nito. Sa ayaw at sa gusto mo, ito ang desisyon ng board. Sana naman maintindihan mo."

Secret Identity: Introduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon