Chapter 4

1 0 0
                                    

Chapter 4: Missing student

Ashley Villegas P.O.V

Nasaan na naman yun? Hindi siya pumasok kanina base sa mga nakasalubong kong mga kaklase niya sa subject. Ano na naman ba ang mga pinaggagawa niya? Friday ngayon at last niya na rito sa school dahil next week grounded na siya. Ano na naman kaya ang gagawin niya? Siguradong kalokohan lang.

Napa Buntong hininga ako at na-upo sa isang bench dito sa gym. Nakatingin sa mga kapwa estudyante. P.E namin at may mga basic training or defense training ang pinapagawa ng P.E instructor namin.

Defense training
The other objects na ginagamit to defend oneself.
The elements that needed to be known.
The other technique na dapat matutunan.
The proper defense.
The rules at yung mga hindi dapat tamaan.
At kung ano-ano pa. Marami, ayaw ko ng isa-isahin pa.

Isa-isang tinatawag ang mga students para mag perform at maturuan. Tatlong P.E instructor ang nandito para hindi na mag tagal at mag overtime. Mga boys muna saka ang mga girls.

Pinapanood ko lang sila rito habang nag tra-training. Tatawagin din naman ang pangalan ko mamaya. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Lumingon ako kung sino ito pero si Lily lang pala. Magkaklase kami ngayong P.E hour.

She asked me about Xyrielle but I can’t say anything since she's nowhere to be found this morning. Where a roommate but she left ahead of me. Ni hindi ko man lang siya na tanong kung saan siya pupunta. Based on her clothes earlier may pupuntahan siya since she's not in uniform.

—----------------

After the P.E classes. I passed through the corridor. Papunta ako ng office. My office, magkatabi lang sa office ni Xyrielle. I entered my office. Just a simple office, with the table in the center and a chair in front of it. Yun lang masyadong boring pero ayos na sa akin.

I’m checking the student's schedule for next week. Ayaw kong hawakan ang record nila but do I have a choice? Ayaw kong ako ang humahawak dahil kapag may nawala ako ang masisisi. Hindi naman sa masisisi pero kasi mahabang process ang kakailanganin pagdating sa mga records na ganyan.

Sobrang haba ng process kahit ilang taon pa yan. Tumayo ako sa upuan ng pagdating ko rito ay tiningnan agad ang schedule nila. Tumayo ako para kunin ang papeles na nasa gilid ko. Kailangan tumayo lara makuha dahil mahirap abutin. Ang dami nito.

Nagulat ako ng may biglang pumasok. Ni hindi man lang kumatok. Pumasok siya kaya napa-kunot noo ako. Naglakad siya na parang hinihingal at na-upo sa harap ng table ko. Sa may upuan mismo.

“Anong nangyari?” Tanong ko agad ng lapitan ko siya.

“S-si Marvin.” Sabi nito na hinihingal pa rin. Kinuha ko ang tumbler ko sa ilalim ng lamesa at binigay sa kanya.

Ininum niya naman agad. Nakatayo lang ako sa harap niya habang umiinom siya. “Okay kana?” Tanong ko ng matapos niyang uminom.

Tumango siya at nagsalita ulit. “S-si Marvin po, Vice Pres. Kahapon ko pa siya hinahanap pero wala. Ni hindi po siya bumalik ng dorm namin. T-tapos may naglagay po sa locker ko nito.” Sabay abot ng isang papel.

Kinuha ko agad at binasa.
‘Pare, tulungan mo ‘ko. May humahabol sakin’
-Marvin Ocampo

Ayan ang nakasulat sa papel. Tiningan ko uli ang lalaking estudyante. “What time mo ito nakuha? Saka pwede ba malaman ang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya at nag labas ng papel at ballpen at naupo.

Secret Identity: Introduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon