Chapter 5

1 0 0
                                    

Chapter 5: Kids

Bryan Kaiser Maon P.O.V

"Hmm... Maybe I would like this." Sabi ni Sapphire. Yeah, I know her and them now, they said it earlier in our meeting.

Ngayon ay nasa harapan namin ang isang malaking cruise or should I say na maliit since yan ang sinabi kanina sa meeting pero parang malaki naman ito.

Si Sapphire at Delaraux ang makakasama kong pumasok gaya ng plano ni Sapphire kanina. "Tsk. Don't do anything stupid." Sabi ni Delaraux kay Sapphire habang nakasandal ito sa isang bakal.

"I'm not doing anything. Masyado kang nagmamadali." Sabi ni Sapphire at nauna ng naglakad papasok. Sumunod na kami at bigla na lang kaming hinarang ng isang body guard base sa suot nitong damit. 'Yayamanin!'

Ang sosyal naman kasi ng suot. Habang ako simple lang pero hindi naman na parang pantalon lang ano. Syempre may style rin at blue t-shirt lang. "Do you have a pass, Miss?" Tanong ng bodyguard ng harangin kami.

"Yeah, here." Sabi ni Sapphire at ibinigay ang pass nito. Sumunod lang kami sa kanya at pinanood ang ginagawa niya.

"They are with me." Sabi nito at humarap sa amin. Tumango ang bodyguard na mukhang laging nasa gym base sa katawan nitong napakalaki. Naka simple red cocktail dress naman si Sapphire na bumagay din sa kanya. At ganun din si Delaraux simple pero ang lakas ng appearance.

"You can enter." Sabi nito at pina-pasok kami. Tulad ng sabi ni Sapphire, napaka daling pumasok sa ganitong bagay. 'Mukha ngang may experience na siya rito.'

Pagpasok palang ang dami ng tao. Nag-uusap nag-iinuman at iba pa. Hindi ko alam kung nag simula na bang umandar ang sinasakyan namin o naka steady parin sa pang-pang. Basta ang alam ko lang naka pasok kami.

Ngunit wala kaming dalang armas kahit isa. Bawal dito at sa pagpasok palang kanina, mahigpit na sila. Pero sabi ni Sapphire na may nagdadala parin ng mga armas ng hindi nalalaman ng security or guard na nasa entrance.

Kahit pa raw na mahigpit as long as malaking tao ka or depende sa plano ng isang grupo kung paano nito ipapasok ang mga armas.

Malalaking tao ang naririto na gumagawa ng kasamaan kaya kailangan din namin mag-ingat sa mga taong kakausapin namin. Kailangan din naming galingan lalo na sa pag-akto dahil pwedeng malaman nila ang mga galaw namin.

Gets ko naman pero kasi parang may iba pang alam si Sapphire. Dahil nung nasa meeting kami, pwedeng mag bago raw ang plano habang gumagalaw ang bawat isa. Sumunod sa kanya si Delaraux at nasa likuran lang din ako ng huminto si Sapphire at tumingin sa amin.

"Be the lookout." Sabi niya kay Delaraux kaya tumango ito at tumingin din siya sa akin. Tumango ako at umatras ng kaunti.

Nasa control system kami ng cruise na ito. May mha nadaanan kaming tauhan pero hindi man lang kami nila pinigilan at tumingin lang. May isa pang lalaki na nagtanong kay Sapphire kung bakit kami nandito pero sinabi niyang may hinahanap siyang tao, may binanggit din siyang pangalan at tinuro ito ng lalaking nagtanong.

May napansin akong papalapit na lalaki rin kaya lumingon ako sa kalapit na si Delaraux. At tiningnan siya na parang sinasabing may ibang taong papalapit. Mukhang naiintindihan naman niya.

"Why are you here? People like you are not allowed here. You wanna die?" He smirk ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Ohh sorry, I was just looking for the bathroom." Palusot ko. At sinubukan suminyas sa kanila na bilisan. 'Hindi ko alam ang idadahilan ko.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Identity: Introduction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon