Chapter 11

106 6 2
                                    


"Lumaki akong nakikita ko kung paano nasasaktan ang mga kakilala kong mga babae doon sa baryo namin, mapadalaga't matanda man ay halos ganon ang mga isyung naririnig kong kwento mula sakanila. Ang laging dahilan nila ay nagloko raw ang mga asawa nila, may ibang lulong sa bisyong sugal, alak at yosi, may ibang hindi marunong tumulong at ni kahit pagtulong nalamang sa gawaing bahay at pagbantay ng mga anak nila ay hindi nito magawa, may ibang pinopoblema nila ay ang pagiging tambay ng mga ito at walang plano sa buhay lalo na sa magiging kinabukasan ng pamilya nila, at ang kadalasang rason kung bakit sila patagong umiiyak at nasasaktan sa naging sitwasyon nila ay ang dahilan sa pagiging likas na babaero ng kanilang mga asawa. Pangangaliwa at ang paghahanap ng iba. Maraming nagsisi kung bakit pumasok pa sila sa ganoong relasyon, pero karamihan sa mga babaeng iyon ay pagkakaroon ng galit sakanilang sarili kung bakit napili nilang pagkatiwalaan ang lalaking nangako sakanilang bibigyan daw sila nito ng magandang buhay, mamahalin sila nito ng wagas at hindi kailanman lolokohin pero lingid sa kaalaman nilang hindi rin pala iyon magkakatotoo, na magiging walang kabuluhan lang din pala ang mga pinangako nito sakanila sa harap ng altar" panimula ko pa habang nakatulala lamang sa kawalan, gayonpaman ay ramdam ko ang mga titig sakin ni Matthew at taimtim na nakikinig lamang sakin.

Kasalukuyan kaming naupo muna dito sa may bakanteng bench dito sa labas ng mall, natatabunan ang sinag ng araw mula dito sa pwesto namin kaya komportable lamang kaming nakaupo dito. Napagdesisyonan ko kasing pumarito muna kami dahil sa gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Mas maraming taong nandito, naglalakad, bumibili sa mga food stall na nagsisitayuan sa tapat ng mall, may nag-uusap at nagtatawanan, may nakiupo rin sa ibang mga bakanteng bench na nandito sa labas ng mall, naghihintay, may iba ring nagpapahinga at nagpapahangin lang din.

Maliwanag at maaliwalas ang paligid pero kasalungat iyon sa nararamdaman ko ngayon.

"Sa simula palang, nag set na ako ng standard para sa lalaking magiging asawa ko balang araw. Gusto ko iyong katulad ng Papa ko, mabait, magalang, marespeto, tumutulong kay Mama sa gawaing bahay, marunong sa lahat. Sa isip ko non, walang bagay na hindi kayang gawin ni Papa, para sakin, kaya niyang gawin ang lahat, sa madaling salita, sa mga mata ko, ang Papa ko ang nagsisilbing perfect man sa mundong to" bahagya pa akong napailing sabay ngisi sa kaisipan kong iyon dati.

"Bilang isang batang walang masyadong muwang pa non sa mundo at sitwasyon. Napasabi pa ako na 'ang swerte ni Mama, kasi nakatagpo siya ng lalaking katulad ni Papa', katulad ni Papa na ang hirap nang hanapin sa mundong to" napalingon ako kay Matthew at tipid na napangiti.

"Kalahating parte ng puso't isip ko ay nawalan na ng tiwala at pag-asa sa mga lalaki dahil nga sa bata palang ako ay naibungad na saakin ang mga karanasang napagdadanan ng mga babae doon sa dati naming tinitirhan. Nakikita ko pa nga dati kung paano magpalit ng iba't ibang babae iyong kapatid ni Mama na si Uncle Jeynard, hindi ko maintindihin kung ano ang nangyayari pero iisa lang ang nasa isip ko non, Mali ang ginagawa niya at hindi tama lalo na kapag may nasasaktan na siyang mga babae at napapaiyak. Maliban doon sa sitwasyon ni Uncle ay Halos lahat ng nakikita ko sa iba ay ganon parin, halos lahat ng mga babae ay ganon ang naranasan nila sa piling ng mga lalaking napangasawa at naging nobyo nila. Nong inaakala kong masayang pamilya na nakikita ko sa mga kapit bahay namin noon, akala ko perpekto ang pag-iibigan nilang mag-asawa dahil sa nakikita kong wagas nilang paglalambingan at maayos na turing sa isa't isa. Pero lahat ng nakikita kong iyon ay bigla nalang naglaho nong dumating ang araw na nakausap ko ang ilan, at ang isa sa nagkwento sakin noon ay si Ate Melda, mama siya nong kalaro ko dati" napabuntong hininga ako.

"Sabi ko pa sakanya non 'Ate, ang swerte niyo rin po noh? Nakatagpo ka ng lalaking kagaya ni Kuya Jake'" napatingin nanaman ako kay Matthew. "Alam mo ba? Ngumiti lang siya sakin at napansin ko ang lungkot non sa mga mata niya....hindi ko inaasahan na sa araw na yon, magkukwento siya sakin sa buhay asawa niya" napatulala nanaman ako sa kawalan at nanumbalik saakin ang araw na iyon.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon