VII

41 2 0
                                    



"May masama ba sa paghingi ng number at sa pag-attempt ng conversation initiation? Gusto lang naman kitang kaibiganin! Di naman kita gagahasain, hoholdup-in, kikidnapin o gagawan ng kung anu-ano pang krimen! Apo ako ng founder ng university dito kaya hinding-hindi ako makakagawa ng ganun!"



Laging nagre-replay sa utak ko ang mga sinabi ni Ren last week. Di parin ako makapinawala. Apo siya ng aming university founder na si Honorable Manuel Enrile? Papaano?



*kinuha ang phone at tinawagan si Shawny*



"Oh Hana! Napatawag ka? Matutulog na sana ako eh haha! What's up?"



"Shawnster, pasensya ka na ah. Free ka ba bukas? Sabay sana tayo mag-lunch."



"Yup. Dun tayo sa restaurant ni Daddy. May bago kaseng recipe dun."- seems interesting. Pretty sure masarap 'to. HAH!



"Why not? Haha! O sige I'll call you tomorrow. Sige matulog ka na. Goodnight Shawnster! Lovelots!"



"Goodnight Hana! Lovelots."



I don't know kung bakit bigla akong nag-care about kay Ren. Aaminin ko. Medyo na-guilty ako sa nangyari last week. Ugh! Why on Earth is this happening?!



(The next day, at Shawny's resto...)



"So you have encountered Ren Villacorta?! You gotta be kidding me Hana!"- pagulat na sinabi ni Shawny.



"Mukha ba akong nagbibiro? In fact sinauli niya yung wallet ko last Palakasan."



"OMG Hana. Just... OMG."



"Bakit ano bang meron? Is it true? Na apo siya ng founder ng university natin?"



"He's one hell'a rich guy! Check this out. Ito ang website kung saan naroon ang brief informations about sa family niya."



*grabs Shawny's phone then sees the photo of Ren (wearing a formal attire) with some informations below it."



"SERIOUSLY?! Hala si Ren nga!"- GRABE. Nagulat talaga ako. Apo siya sa tuhod! Ang full name niya ay Ren Marco ENRILE Villacorta!



"Wait ha. Ilang beses na ba kayo nagkatagpo ni Ren?"



"Mga four times na."



"FOUR TIMES?! Akala ko ba bestfriend kita? Bakit di ka man lang nagkwento? Ang daya mo! Huhuhuhuhu!"- pagdadrama ni Shawny.



"Malay ko ba? Wala naman kase akong pake sa kanya noong una eh."



"Ikwento mo sa'ken yang four times na yan. PRETTY PLEAAAASE!"- OA naman ni Shawny. Hays.



So yeah. Kinuwento ko sa kanya yung mga encounters namin ni Ren.



"Siya pala yung nakabangga mo nung first day of school?! Tapos nung nawala yung wallet mo, nag-effort pa siyang hanapin ka para lang masauli niya. Nadapa pa siya nun! Tapos last week, nagkasagutan kayo kase kinukulit ka niya para kaibiganin mo siya. And in all of those encounters, you responded in a mean way! Hana naman! How could you?! OMG. OMG!"- Pagpapakonsensya ni Shawny. Ok I get it.



"Shawny, if only alam ko..."



"Gosh. I still can't believe it. He's being a nice person and you... Grabe hindi talaga ako makapaniwala."



"Me too. What should I do?!"- di ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko. Nakokonsensya ako.



"Hana, stop crying. Cheer yourself up with his picture. Medyo chubby siya but he's handsome! Balita ko matalino siya and mabait. Medyo palabiro daw, according to my blockmate na friend din niya. Not to mention, he's one of the top computer gamers in our city."



"Are you making me fall in love with him?"- 'coz it sounds like she is.



"Haha no! But it's up to you to love him."



"Loka! Ano bang napasok diyan sa isip mo ha?"



"Wala naman. Na-realized ko lang na bagay kayo. At bakit mo nasabing pinapa-in love kita sa kanya ha? Hahahaha!"- lokaloka yata 'tong babaeng to. Tss.



"Whatever. Back to the problem. Anong dapat kong gawin? Hindi naman pwedeng basta-basta na lang akong lumapit sa kanya. Baka ano pa ang maisip nun."



"Just go with the flow girl. Trust me. Magkakaayos din kayo. *winks*"- supportive talaga to si Shawny kahit may pagkabaliw ng konti. Hahaha!



Just go with the flow... Yeah. Di dapat ako masyadong nase-stress ng dahil kay Ren. Makakaisip din ako ng paraan. Hay nako Ren. Ren Marco Villacorta. Tss. Bakit ba kase ako nagkaroon ng pake sa lalaking 'to? Magiging nice ka parin ba sa'kin despite of what I did? Sorry na oh. I really am.



So I went home and ran straight to my room. Nagising ako sa mga sinabi ni Shawny. Naisip ko lahat ng mga nasabi ko kay Ren at umiyak ako hanggang sa makatulog.





A panda, in love with a fluffy mallowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon