XI

16 1 0
                                    

-HANA'S POV-

"Hana! Congratulations! I've seen your name sa online list ng mga dean's listers!"

"Hi Shawny! Thank you ah. Grabe! Di ko to inaasahan!"

"Ows? Di mo ba nahalata sa GPA mo?"

"Nahalata naman. But expectation hurts, ya know. Kaya di na ako umasa."

"Aba hugot ah! Kunsabagay tama ka. But look! You made it!"

*Hana's phone beeps*

Text from: Ren

Hi Hana! Nakita ko name mo sa online Dean's List. Congratulations! As what I've expected from a smart girl. ;)

Napangiti ako pagkatapos kong basahin ang text.

"Aba? Anong ningingiti-ngiti mo jan? Si Ren ba yan?"

"Yup. Nag-congratulate siya."

"Kinilig ka naman? Hahahaha!"

"Huh?! Noooo!"

"Oy guilty ka girl! You're starting to like him ano?"

"Wag ka nga? Malisyosa ne'to."

"Hahaha sorry na! O sige na. May date pa ako eh. Bye! Love ya!"

"Take care Shawn! Chat na lang tayo ah! Love ya!"

And umalis na si Shawny. She seems in a hurry. May date siguro. Haha!

It's been months. The first semester's finally over. I gained lots of friends, na-memorize ko na yung mga buildings sa campus, and nagiging close na rin kami ni Ren.

*Hana's phone rings again*

Ren is calling...

"Yes Ren?"

"Asan ka? Free ka ba ngayon?"

Good thing tumawag ka. Ayoko pang umuwi eh.

"Yup. Nasa lounge ako."

"Are you with someone?"

"Nope. Alone."

"Okay I'm coming. See ya!"

"Yeah sure."

Ugh. Gutom na'ko. Craving for some s'mores.

Oh. Si Ren yun ah? Bilis naman makapaglakad ne'to. Hahaha!

"Hi Hana! Ba't naka-pout ka jan?"

"Wala lang. Bilis mong maglakad ah? Fast for someone na may katawang ganyan."

"Are you underestimating me?" Bigla niyang pag-frown.

"Hala? Hindi ah!"

"LOL. So what now? What's with the pout?"

"Uhm....." Nakakahiya naman. Gusto kong yayain siyang mag-s'mores. Hay.

"Sus. Tama na yan. Tara kain tayo? Anong gusto mo?"

Yes! Hohoho!

"May kine-crave ako eh. Kanina pa."

"Ah kaya ka pala naka-pout. Hahaha! Ano na?"

"S'mores. I want s'mores." Pagpapa-cute ko. Sana manlibre. Hahaha!

"S'mores lang ba? Tara dun na lang tayo sa bahay! Ako na gagawa."

"Ha? Nakakahiya naman! Tsaka baka ano pang gawin mo sa'kin dun!"

Napailing siya. Hahaha sorry naman! Cautious lang.

"Ouch! Hindi naman ako ganun. Besides, persona house yung pupuntahan natin. May mga maid din akong nagbabantay dun."

"Hmm. Sure ka ha? O sige na nga. Gutom na ako eh. Hahaha!"

"Garantisado. Magugustohan mo 'tong s'mores ala villacorta ko. Hahaha!"

Hay. May pagkahambog talaga 'tong si Ren. Pero gutom na talaga ako.

-REN'S POV-

We drove all the way to my house. Can't contain the happiness I feel right now. Aside from my family, she's the first girl to taste my cooking. Sana pumasa. Sana mapasaya ko siya ngayon.

"Wow! Iyo lang ba talaga 'to? Anlaki!" Namilog ang mga mata ni Hana pagpasok niya. Haaaay! Ang cute niya talaga oh!

"Good afternoon po sir! Ay may binibini ka palang kasama!" Tuwang-tuwa si Nanay Nena nang makita niya si Hana.

"Nay, si Hana po pala. Kaibigan ko."

"Kaibigan? O ka-ibigan? Haha!"

"Hala hindi po! Friend lang po kami ni Ren." Mukhang nailang ata si Hana. Nanay naman kase eh! Hahahaha!

"Hana, si Nanay Nena pala. Caretaker siya ng bahay ko tsaka naging yaya ko mula pagkabata. Nay kayo na po muna bahala sa kanya. Magbibihis lang po ako." Umakyat na ako pagkatapos. Bumabaha na yung pawis sa katawan ko eh!

"Ako nang bahala sir. Halika maupo ka. Gusto mo ba ng maiinom?"

-HANA'S POV-

Nakakalula naman ang laki ng bahay ni Ren. Tulad nga ng inaasahan ko mula sa mga Enrile at Villacorta.

"Hana, kung saka-sakali mang nagugutom ka, tingin ka lang sa kusina ha? Magpapaligo lang muna ako ng aso."

"Opo. Thank you po." Nakangiti kong response. Ang bait ng mga tao sa bahay na'to.

Di ko na talaga mapigilan. I really need to grab some chow.

I went to the kitchen and binuksan ang fridge. Aaaaaaaand,...

WOAAAAAAH!

ANG DAMING MARSHMALLOOOOOOWS! MAY CHOCOLATES DIN AND CHIPS, BREAD, ICE CREAM, DOUGHNUTS AT KUNG ANU-ANO PA! WOOOOOOOW! Kaya naman pala ang taba ni Ren eh. Hahaha!

Makakuha nga ng isang pack ng mallows. Ugh. Di ko na mapigilan eh.

Pagkatapos kong kunin yung mallows ay kumuha naman ako ng bowl sa may cabinet. Eeeeeeeeeee! Excited na'kong kainin ang lahat ng 'to!

Pinapak ko na yung mallows. Hmmmm! Yummy! Ren has a good taste when it comes to food!

"Ang bilis naman. Nafi-feeling at home ka na kaagad? Hahaha! And mahilig ka pala sa mallows?"

Nagulat ako nang nasa harap ko na si Ren. Naka-shirt at basketball shorts lang siya. Para siyang tambay doon sa may court.

Ang dami ko pang harina sa labi ko nang humarap ako sa kanya. OMG nakakahiya! Tinawanan ako ni Ren!

"O eto, panyo. Ipunas mo sa labi mo. Hahahaha! Napaka-arte mo tapos mallows lang pala ang weakness mo at nagkaganyan ka na? Hahahahahaha!"

Nakakairita ka Ren ah.

Kinuha ko yung panyo tsaka pinunas sa labi ko.

"Sorry Ren ha. Ang tagal mo naman din kaseng magbihis eh!"

"Pasensya na! Hahaha! O sige papakin mo na yang mallows jan. Nakakatawa kang tignan hahahahaha!" Sabay alis patungong kusina.

A panda, in love with a fluffy mallowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon