Chapter 3 💙📃

73 0 0
                                    

Date: April 18, 2014

Time: 11:08 AM.

Katatapos ko lang mananghalian nang maaga. Dumiretso ako sa kuwarto ko pagkatapos kong magpaalam kina Mama't Papa na hindi pa tapos kumain.

Nang isara ko ang pintuan, UNANG natanaw ng mga mata ko ang nakatiwangwang na Diary ko sa Desk. Agaran kong hinablot ito hanggang sa punto na naghulugan ang iba kong kagamitan roon.

Tumagos ang pagkatampal ng mga ito sa ibabang kisame. Marahan kong binabalik ang isa-isa sa puwesto, umaasang hindi nabigla sina Mama't Papa.

Nang ibalik ko na ang lahat sa pagkaayos, pasigaw akong tinanong ni Mama sa baba.

"'Nak, ano'ng nangyari diyan!?!? MAY NABAGSAK BA!?!?"

Minadali ko ang pagbukas ng pinto. "WALA PO, MA!!! BAKA SA KAPITBAHAY LANG PO 'YUN!", Pasigaw kong pagsisinungaling.

"AH, OKAY!", Pagpapaniwala ni Papa.

Hawak-hawak ang Diary. Dahan-dahang ihinihila ang Ballpeng nasa Pen Holder nito... At iyun, tinintahan ko na ng isang tuldok ang papel.

Wala pa 'ko masyadong ideya sa kung ano'ng mga salita ang ilalagay ko sa pahina. Pansamantalang kinamkam ko muna ang mga sandali na basahin ang mga nakaraang sinulat ko.

"Sa wakas! Naalala ko na din 'yung binabalak kong sulatin kanina!"

Kuyom-kamao akong nagtatatalon sa kama. Ganito ako kapag naeexcite. Sa mga oras na mag-isa o kasama ko sina Papa lang maaari akong magpakita ng ganitong reaksyon. Kung hindi, magiging weird ako.

"OO NGA PALAAAA!!! 'YUNG TUNGKOL SA PAGBABAGO NA NANGYARI AT... 'YUNG PARAAN NA NAGKATOTOO ANG MGA HULA NI NINANG SERAPHINA NU'NG ISANG GABI!!!", Bukang-bibig na apirmasyon ko sa sarili. Nanginig-turo ako sa sarili sa salamin. Sabik na sabik!

Malalamanan ko na ang isang pahinang nagkaroon ng walang katiyakan at ang pahinang inusisa ng nakaraang sarili ko nu'ng mga nagdaang araw!

Lez go na! Lez go!

[Writing] → Muli, ako si Cambria. Banggit ko lang uli sa pangalan ko, kung sakali mang nakalimutan mo. Hahaha! Makakilos ako, parang may buhay 'yung Diary kahit wala naman.

Hanggang ngayon, napapaisip ako... Totoo kayang nahuhulaan ng mga baraha ang magiging kapalaran mo o ito mismo ang nagkokontrol ng magiging kalalabasan ng isang sitwasyon sa buhay mo? Ano kaya ang mas malalim na dahilan sa kung bakit BIGLAAN nalang akong kinailangan ng tadhanang lumipat sa ibang eskuwelahan? Bukod sa pagkabagsak ng kumpanyang matagal ng tinatrabahuhan ni Papa, ano pa ba?

Darating kaya ang araw na maiintindihan ko rin ito o isasakamay ko nalang ang lahat sa Diyos sa kabila ng kawalan ng katiyakan ko sa magiging sagot?

Lord naman. Nakasasabik man po para sa akin minsan ang makaranas ng mga bagay na iiwanan akong nag-iisip, hindi naman ho naging bahagi ng dasal ko ang iyon. Sa tagal tagal ng naging pakikipagkaibigan ko sa kanila, ano naman po kaya ang rason kung ba't hiniwalay niyo 'ko sa kanila? Ganito na po ba kayo, Lord? Itatanggal niyo nalang po ang lahat ng mga bagay na alam kong source of happiness ko?

P'wede naman po siguro 'di ba na mag-orchestrate nalang po kayo ng pangyayari kung saan tatanggap na 'yung Eagle Valley Institute ng mas maliit na buwan-buwang pambayad ng Matrikula?

Sana, pinapalibutan ako ng mga Angels ko sa ngayon at nakikinig sa akin.

[Not Writing] → Nasa kanang kamay ko pa ang panulat. Hindi sigurado kung tatalimahin ba nito ang pakiramdam kong may nais pang magdagdag ng mga salita o hindi na.

The Blueprints Of My Ambivalent Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon