<Fatima Penelope Abad>
Katatapos lamang hingin ang IDs nila Mama't Papa para sa kontrata. Kung maaalala ninyo sa nagdaang araw ay napag-isipan nilang manirahan na kami sa bahay na katabi lamang ng tinitirhan nila Cambria.
Pansamantalang iniwan kami ni KZ, Cambria, at Tita Dilia dito sa bahay na malapit na naming alisan. Kung kami ni Cambria'y nasa kuwarto ko, si KZ naman ay nasa kuwarto niya at si Tita Dilia'y nanatili sa baba.
Nakapag-send na rin kasi ng eksaktong petsa sa kung kailan isasagawa ang pagpirma ng kontrata. Sa June 7, 2014 raw ito isasagawa. Nagdaan na rin sila sa proseso ng Viewing of Property at Negotiation.
Kulang na lang talaga ay ang paglipat ko sa bagong eskwela, maging ang paghakot ng mga kagamitan at pagdala nito sa aming bagong titirhan.
Ibinaliktad ko padapa ang pagkakahiga ko. Isinamantala ko ang momentong nananahimik na nakaupo si Cambria sa aking desk at saka siya kinausap.
Inilapag ko ang cellphone. "Cambria...?"
"Oh?"
Naisipan kong mag-usisa sa kanya ng isang nakakakilig na posibilidad.
"Naisip mo na ba ever kung secretly may nagbibirthday wish na maging kayo?"
Natawa na lamang ako nang magitla ito sa pagkakaupo at sara ng kuwadernong sinusulatan.
She gives me a quizzical look. She tilts her head upward, showcasing a sense of uncertainty coming from her end and heaving a lightweighted sigh.
"Maging kami in what sense? Kasi, kung tinutukoy mo as them na gustong makipagkaibigan sa 'kin, posible. Pero... Romantic-relationship wise... Wala 'yan for sure."
I countered her response with a pang of mischief in my smile, "Hmm? Maka-I don't think so ka naman. Sa ganda mong 'yan."
"Ate ko, manahimik ka nga!"
She tucks her hair behind her ear.
"Bakit? Lately ba wala kang napapansing anything suspicious about your guy "best friends"?"
"Si Cole... Pero, wala naman siyang cinoconfess. So, sino ba naman ako para mag-assume, 'di ba?"
She eventually moves into the bed alongside me.
"Weh? Actually, matagal ko na siyang napapansin. The way he acts around you is remarkably different from the way he acts around others if you ask me.", Tinaguktok ko ang dila nang isang beses.
"May something weird akong napansin din about kay Ben.", Cambria corroborated.
"Oh, shut up! Talaga!?"
"Kasi... Ito, ah, observation ko lang 'to. I'm trying my best not to jump into conclusions. PERO! That one time na inutusan ko siyang printan ako ng picture ni Dave, alam mo ba kung ano ginawa niya? Pinrint niya 'yung picture from where magkatabi sila ni Dave sa Halloween Party and 'YUN ang binigay niya sa 'kin. Sabi ko sa kanya, kako, picture ni Dave nu'ng sumayaw siya sa Splendid Wander Mall. Hindi ko naman sinabing isangkot niya 'yung nakakatakot niyang maskara sa picture."
"AHUY! SIS, WHEN I TELL YOU NA MAY CRUSH SIYA SA 'YO, MAY. CRUSH. SIYA. SA. 'YO!", Maigting na pagpapalagay ko habang pinapalakpak ang kamay sa mga dulong salitang nasabi.

BINABASA MO ANG
The Blueprints Of My Ambivalent Past
SpiritualThis book is essentially a story of the spiritual growth a young lady Cambria Q. Enriquez experienced over her life. A specific occurrence that alters her perspective on friendships, crushes, and letting others get close to her in general will bring...