ANG UNANG PANGARAP

3 0 0
                                    



Sabi, kapag bata ka, madaling makaisip ng kung anu-ano. Mabilis magdesisyon. May "conviction" na tinatawag.

So whenever we were asked, "What will you be when you grow up?" mabilis ang sagot natin.

"I wanna be a doctor!"

"Nurse!"

"Teacher!"

"Fireman!".

At kung anu-ano pang propesyon na nakamulatan sa mga textbook sa eskwelahan. Madaling pumili. No inhibitions kumbaga.

Pero bakit ang batang nakita ko, walang maisagot? Hindi siya pipi o bingi. 'Rinig niya ang tanong, naintindihan niya. Ang problema, hindi niya alam kung ano ang tamang sagot. Tanging naiisip niya ay kung saang libro ba naghanap ng mga sagot ang mga kaklase niya, bakit siya hindi niya alam kung saan at aling pahina.

Bakit hindi siya turuan ng guro kung saan hahanapin ang sagot? Nalilito ang bata, nais na umiyak. Bakit wala siyang maisagot?

Bobo ba siya? Inutil? Walang-kwenta? Ano ba ang ginagawa niya? Ano ba ang pagkukulang niya? Ano ba ang hindi niya maintindihan? Hindi niya ba narinig yung panuto?

Bingi ba siya?

Sa simpleng tanong, kinwestyon ng bata ang buong buhay niya. Sa murang edad pinasan niya ang responsibilidad na hawakan ang renda ng buhay niya.

Hindi siya hinayaan maglakad-lakad, maglibot-libot at pagmasdan ang mundo. Tila gagawing ticket niya ang desisyon kung anong gusto niya maging paglaki.

Tila nirendahan siyang umusad dahil hindi niya masagot ang simpleng tanong. Ginawang tanikala na kailanman ay hindi niya matatanggal hangga't hindi niya nabibigkas ang sagot kung ano ang gusto niya paglaki.

Yung bata, makalipas ang dalawampu't-limang taon, nanaitiling nakagapos. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya mabigkas ang sagot sapagkat wala pa rin siyang makitang sagot.

Nilimitahan ang kaniyang mundo, ang kaniyang kakayahan ng simpleng tanong. Sugatan ang bata sapagkat hindi siya makailag sa mapanghusgang mundo.

Bata. Nanatiling bata kahit halos tatlong dekada na ang lumipas. Nanatiling maliit ang tingin ng mundo sa kaniya dahil hindi pa rin siya nakakasagot.

Alam niya ang sagot, hindi niya lang mapangalanan. Mahirap pa rin para sa kaniyang magsalita dahil sa bawat pagsubok niyang ibuka ang bibig para magsalita, nilulunod ng maingay na mundoa ng maliit niyang tinig.

Pagod.

Pagsuko.

Habang nakatingin sa tanikala, lumuha ang bata, tumingala sa kalangitan at ibinulong ang kasagutan.



"Nais kong lumaya... Ito ang una kong pangarap"



Nagkadurog-durog ang tanikala...




-ds-

081723


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CollectaneaWhere stories live. Discover now