Warning⚠️: Beware of wrong grammars, typos and misspelled words
____________________________
-Third Person's POV.-"Ehh?? Iniwan mo ang iyong pamilya??" Tanong ni Jared habang ang mukha nito ay nagpapakita ng puno ng kuryosidad
Siya ay siyam na taong gulang, may kulay asul na may halong itim ang kaniyang buhok. Habang ang mga mata nito ay kulay dilaw ngunit may kunting halo ng pula, ang kaniyang balat ay masyadong maputla at ang kaniyang katawan ay payat.
"Mhm" simpleng saad at tango ng pitong taong gulang na si Prinsipe Galen. Sila ngayon ay patuloy na bumabyahe patungo kung saan ang kanilang bagong tirahan.
"Pero.....bakit naman? Ang swerte mo nga kase may mga magulang ka.....at isa pa isa kang prinsipe, nasa iyo na ang lahat..." Takang tanong ni Jared, makikita sa kaniyang mukha ang bakas ng pagkadismaya, kuryosidad, inggit at pagkalungkot.
"Para sayo at sa ibang tao oo.....but for me, no. Ever since I was born...di nila pinaramdam ang pagmamahal na inaasam ko, they see me as someone na sumira sa kanilang pamilya kuno." Saad naman ni Galen habang ang mukha nito ay napaka-seryuso
Bago pa man na ibuka ang bibig ni Jared upang magtanong muli ngunit inunahan na ito ni Galen
"The Queen got r*ped and ako ang naging bunga nun, before turning seven ay ilang days pa nun bago sila na nagsimulang bumawi daw. And..... it's not like I would never forgive them it's just......hard to forgive and forget ng ganon lang kadali, I dreamed of having a family na tanggap ako...pero pinagkait pa ng mismong sarili kong pamilya" dahilan upang matigilan si Jared.
"Pareho lang pala tayo ngunit magkaiba ang sitwasyon......pinangarap ko rin na magkaroon ng pamilya na tanggap ako, kase nung nasa amponan pa ako ay parati akong tinutukso ng mga bata at sinasaktan ng mga nagtatrabaho sa amponan noon. Dahil daw isa lang akong karaniwang tao ngunit may ganito akong mga mata, sinasabihan nila ako na anak daw ako ng demonyo dahil lang sa aking mga mata." Malungkot na pagtugon ng batang si Jared.
"Hm..... don't worry about it then. Me and Seb are already here for you, and the future children of Seb of course!!" Masiglang saad ni Galen dahilan upang lumaki ang mata at napabuka ang bunganga nina Jared at Seb sa pagkagulat sa sinabi ni Galen.
Babatukan na sana ni Seb si Prinsipe Galen ngunit bago pa man ay agad naman na nagsalita muli ang prinsipe.
"Oi, oi, oi. I'm just stating some facts here Seb" at agad naman na natigilan si Seb sa kaniyang pagbatuk sa prinsipe at kunot noong na tumingin sa prinsipe, tila nagtatanong ng 'Paano mo iyan masasabi?'.
"Well.... simple. Hindi kaba nagtataka sa mga kinikilos mo nitong nakarang araw? Parati mo akong inaamoy at bigla-bigla mo nalang akong yayakapin? Parati kang nasusuka kapag di mo nagustohan ang naaamoy o kinakain mo and your mood always changes in just a minute. Tapos kapag binabanggit ko ang pangalan ni Mr. Savior ay parati kang naiinis" At dahilan na matigil ang mundo ni Seb dahil sa sinabi ng prinsipe.
Tila'y hindi makapaniwala sa kaniyang narinig at prinoproseso ang katagang binitawan ni Prinsipe Galen, inaalala ang lahat ng kaniyang mga ginawa nung nakaraang araw. Nang maalala ay tila ay naghalu ang kaniyang nararamdaman.
Masaya, kase natupad ang hiling niya at ng kaniyang mahal ngunit.......kinakabahan, dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya at sa kaniyang magiging anak.
"Hello?!? Earth to Seb?!?" Saad ni Galen na may konting inis sa kaniyang tono habang iniwagayway ang kaniyang isang kamay sa harapan ng mga mata ni Seb.
At bigla naman nabalik sa ulirat si Seb sa kagagawan ni Galen, habang si Jared ay prenteng nakaupo at tinitignan habang nakikinig sa dalawa na ngayon ay parang mag-aaway
"See??!!! I'm right. You're pregnant. Now who's that sh'tty guy that made you bear two children in your tummy? So I can skin him alive." Seryusong saad ni Galen na para bang handa nang sumabak sa gyera.
"A-ah e-eh....si-" ngunit hindi natapos ang sasabihin ni Seb dahil sa biglaang pagtigil ng karwahe.
Bago pa man na magtanong muli si Galen ay agad-agad na lumabas ng karwahe si Seb, at agaran na sinirado ang pinto. Tila ay gustong iwasan ang tanong ni Galen sa kaniya.
Agad na nagtungo si Seb kay Ru upang magtanong kong bakit sila ay tumigil.
"Ru? Bakit tayo tumigil?? May problema ba?" Takang tanong nito at nabaling naman ang tingin ni Ru kay Seb.
"Masyado nang magubat ang daanan Seb, nakatitiyak ako na hindi makakaraan ng maayos ang karwahe lalo na ang mga kabayo." At agad naman na tumango si Seb at sinabing
"Kung ganon.... hanggang dito na lang ata kami. Sa tingin ko ay malapit na rin naman ang tirahan, ako na ang bahalang magpaliwanag sa mahal na prinsipe, Ru. Mag-iingat ka sa iyong byahe." Kaya ngumiti naman si Ru at tumango.
Tutungo na sana si Seb kung saan ang pintuan ng karwahe upang sabihan ang Prinsipe Galen ngunit nung tuluyan siyang humarap ay laking gulat niya nang makita niya sina Jared at Galen na dala ang kanilang bagahe at binili kanina sa pamilihan na nakatayo at handa ng umalis
Napailing na lamang si Seb at natawa ng konti, pagkatapos ay nagpaalam na sila kay Ru at ganon din si Ru sa kanila. Sinimulan na nilang maglakad patungo sa kanilang titirahan.
Namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo habang naglalakad, ni isa ay walang gustong umimik.
Patuloy ang kanilang paglalakad ngunit maya-maya ay napahinto dahil sa kanilang tatahakin na daan ay daan paakyat sa tuktok ng bundok. Kunot noong tumingin ang prinsipe sa kaniyang personal na tagapaglingkod at tila ay nagtatanong kung tama ba ang kanilang tinatahak na daan.
"I'm sure na tama po itong daan dahil ayon kay Ki- I mean kay Sir Delroy ay nasa tuktok ng bundok na ito ang ating titirahan" ngunit sa sinabi ni Seb ay mas lalong nangunot ang noo nito na para bang hindi ito sang ayon sa sinabi.
"Why? Can't we just teleport there Seb?? You're pregnant and it's too dangerous para sayo ang maglakad ng ilang oras lalo na't aakyat tayo sa bundok na yan" seryusong saad ni Galen ngunit ang kaniyang tono ay may bahid ng pag-alala. At maitutukoy iyon nina Jared at Seb.
"We can't Little Prince, I'm not familiar with that place kaya't hindi tayo makagamit ng teleportasyon. At huwag po kayong mag-alala Little Prince, I'll be okay.... I promise that" Seb assured the prince, na tila ay nag-aalinlangan ngunit kalaunan ay tumango na lamang ito.
"And you never said that the house was on top of this mountain, sana ay sinabi mo sakin kaagad upang humingi tayo ng tulong kay Ru." Dadag ni Galen at bakas na bakas sa tuno ng pananalita nito ang pag-aalala.
"I'm sorry Little Prince, I promise I'll be fine Little Prince. Huwag na po kayong mag-alala sa akin/amin, simulan na nating maglakad at baka ay gabihin pa tayo" tutol man ngunit wala ng magawa ang prinsipe Galen kaya tumango na lamang ito, at agad naman nilang tahakin ang daan paakyat sa tuktok ng bundok.
Ang tanging ginawa ni Galen upang hindi masaktan si Seb ay inaalalayan niya ito, at tudo pag-iingat ang kaniyang ginawa. Habang si Jared ay sumusunod na lamang habang bitbit ang ibang bagahe.
_________________________
~Unknown Ingredients For This Chapter~
•Teleportation can only be used when the place they are going to is familiar to them or someone has marked that place.
🍞: Please lutang ako habang sinusulat ko ito(〒﹏〒)
YOU ARE READING
That Villain (hiatus)
FantasyIsang libro mula sa isang hindi pangkaraniwang tao, ang kapalaran ng isang kontrabida ay nakasulat dito. Pero yun nga ba ang totoo?? O sadyang pakulo lang para sa taong tunay na nagmamay-ari ng katawan ng kontrabida. Isang pakulo upang magabayan ito...