Panimula
Nagtataka akong tumungo sa bintana at tinignan ang kalangitan. Wala namang ibinalita na masama ang panahon.
Marso palang ngayon malayo pa ang tag-ulan.
Hindi ko na lamang ito pinansin at pinatay ang ilaw ng kwarto saka ako humarap sa aking laptop.
Binabalak kong kalahatiin ang Mia Amato para mapadali ang pagpapadala ko nito sa taga-Maynila. Sinabi niya na tawagin ko nalang raw siyang Mika. Sandali ko munang binasa ang huling kabanata na sinulat ko at ito ang ika-10 na kabanata kung saan sinisimulan nang pukilin ni Mila ang atensyon ni Zuaro.
Palakas nang palakas ang ulan at kasabay nito ang malalakas na kulog at kidlat na galing sa kalangitan.
Nagsimula akong mag type ng aking ilalagay sa ika-11 na kabanata.
Ito ay ang aksidenteng matatamaan ni Mila ang sasakyan na pagmamay-ari ni Zuaro at mangyayari ang matagl na niyang gustong mangyari.
Ang mapansin ni Zuaro.
Ngunit nangyari ito sa hindi magandang paraan. Galit na galit si Zuaro sa dalaga at hindi nito napigilan na ‘wag sumigaw.Pabilis nang pabilis ang pagtipa ko sa aking laptop at hindi ko na napansin ang oras.
Napansin ko rin na sobrang lakas at timo may bagyong dumarating ang ulan kasabay nito ang pagsipol ng hangin. Hindi ko maiwasang hindi matakot. Magisa ko lamang sa bahay at baka matangay pa nito ang bagyo.
Hinanap ko ang aking telepono at sinubukang tawagan si Tina upang tanungin kung ayos lang ba sila ngunit nang pipindutin ko na sana ang kanyang numero biglang namatay ang telepono ko. Namatay rin ang electric fan.
Lumingon ako sa aking laptop at nakitang namatay rin ito.
Anong nangyayari?
Tuloy tuloy parin ang pagsipol ng hangin at malalakas na kulog at kidlat.
Sa hindi ko maintindihan ay kung bakit unti-unti rin akong nakakaramdam ng antok at hindi na napigilan ang pagpikit ng mata.
At ang lahat sa aking paningin ay naglaho.
“Mababago ang mga kabanata”
“Madadagdagan ang tauhan”
“Maiiba ang buong kwento”
“Tumuloy ka sa totoo mong mundo Mia”
“Tunguhin mo ang nararapat sa buhay mo”
“Kung saan ikaw ang mahalaga”“Binibini?”