Ikalawang kabanata

2 0 0
                                    

Ikalawang kabanata

Nagtataka akong tumungo sa bintana at tinignan ang kalangitan.

Wala namang ibinalita na masama ang panahon. Marso palang ngayon malayo pa ang tag-ulan.

Hindi ko na lamang ito pinansin at pinatay ang ilaw ng kwarto saka ako humarap sa aking laptop. Binabalak kong kalahatiin ang Mia Amato para mapadali ang pagpapadala ko nito sa taga-Maynila.

Sinabi niya na tawagin ko nalang raw siyang Mika. Sandali ko munang binasa ang huling kabanata na sinulat ko at ito ang ika-10 na kabanata kung saan sinisimulan nang pukilin ni Mila ang atensyon ni Zuaro—ang lalaking bida sa pelikula.

Palakas nang palakas ang ulan at
kasabay nito ang malalakas na kulog at kidlat na galing sa kalangitan. Nagsimula akong mag type ng aking ilalagay sa ika-11 na kabanata.

Ito ay ang aksidenteng matatamaan ni Mila ang sasakyan na pagmamay-ari ni Zuaro at mangyayari ang matagl na niyang gustong mangyari.

Ang mapansin ni Zuaro.

Ngunit nangyari ito sa hindi magandang paraan. Galit na galit si Zuaro sa dalaga at hindi nito napigilan na ‘wag sumigaw.

Pabilis nang pabilis ang pagtipa ko sa aking laptop at hindi ko na napansin ang oras.

Napansin ko rin na sobrang lakas at timo may bagyong dumarating ang ulan kasabay nito ang pagsipol ng hangin. Hindi ko maiwasang hindi matakot. Magisa ko lamang sa bahay at baka matangay pa nito ang bagyo.

Hinanap ko ang aking telepono at sinubukang tawagan si Tina upang tanungin kung ayos lang ba sila ngunit nang pipindutin ko na sana ang kanyang numero biglang namatay ang telepono ko. Namatay rin ang electric fan.

Lumingon ako sa aking laptop at nakitang namatay rin ito.

Anong nangyayari?

Tuloy tuloy parin ang pagsipol ng hangin at malalakas na kulog at kidlat.

Sa hindi ko maintindihan ay kung bakit unti-unti rin akong nakakaramdam ng antok at hindi na napigilan ang pagpikit ng mata.

At ang lahat sa aking paningin ay
naglaho.

Iminulat ko ang aking mata, at napagtanto kong

Nasaan ako?

Pinalilibutan ako ng mga matataas na puno. Hindi ako makagalaw, ni hindi ko maigalaw ang aking kamay.

Nakatayo lamang ako at hindi mawari ang nangyayari. Panaginip ba ito? Pakigising ako pagmamakaawa ko!

Ipinikit ko ang aking mata at idinarasal na sana sa aking pagmulat makita ko ulit ang bahay ko kung saan ako huling nanggaling.

Pero sa pagmulat ko, may babaeng lumabas mula sa isang puno.

“Tina?” anong ginagawa niya rito?

Natatawa akong umiling iling. Panaginip lang siguro ‘to.

Hihintayin ko nalang matapos.

“Miya” banggit nito ang pangalan ko habang palapit nang palapit.

Nagsalita ito na lalong nagpakabog ng puso ko. Natatakot na ako

“Mababago ang mga kabanata” Mababago? Ano bang sinasabi ni Tina.

“Madadagdagan ang tauhan” hindi na rin ako makapagsalita. Tama na gisingin niyo na ako!

“Maiiba ang buong kwento”

“Tumuloy ka sa totoo mong mundo Mia”

“Tunguhin mo ang nararapat sa buhay mo”

“Kung saan ikaw ang mahalaga”

Tila bumalik ako sa katinuan at dali daling napabangon.

Pagtataka at gulong gulo ang isipan ko. Bakit? Ano ba ang sinasabi ni Tina? Kailangan ko siyang makausap.

Tatayo na sana ako nang mapansin ang isang dalaga na nakaupo sa harapan ko.

Kamuka ko siya.

“Binibini?” nagsalita ito at hinawakan ang buhok ko.
Tyaka ko napagtanto na basang basa ako at parang binasang sisiw.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para ilibot ang mata ko. Para kaming nasa loob ng gubat puro puno at tahimik ang paligid, masarap din ang simoy ng hangin.

Lumingon ako sa likod at nakita ang malaking ilog na malakas ang agos.

“Binibini? Ayos ka lang po ba?” gulat na gulat parin ako sa nangyayari ngayon. Parang pamilyar ang lahat nang ‘to.

“Malakas ang bagyo kagabi, delikado ito binibini sa malamang ay nabugbog ang katawan mo sa lakas ng ulan” binaba niya ang dala niyang basket at inabot sa akin ang malaking tela.

Bagyo.

May bagyo? Pano ako napunta rito. Ang huling naalala ko ay nakatulog ako at napanaginipan si Tina.

Napansin niyang gulat ang aking reaksyon at hindi kinuha ang inaabot niyang bimpo kaya siya na ang nagpunas sa basang basa na muka ko.

“N-nasan ako? S-sino ka?” sambit ko dito habang hinahayaan siyang punasan ang muka ko.

Nagtataka itong tumingin sa akin, at tinigilan na ang pagpupunas sa muka ko. Nilagay niya ulit ang bimpo sa basket at napansin kong mga bunga ng kamatis ang laman nito.

“A-anong ibig mong sabihin binibini? Gusto mo bang sumama sa akin para makapagpalit ka ng suot?” tumayo ito at parang hinihintay ang sasabihin ko.

Lumakas ang simoy ng hangin at nilalamig na ako. Sasama nalang ako sa kanya para makapag palit ng damit tapos hahanapin ko na si Tina.

Tumayo ako at nakuha naman niya na gusto kong sumama sa kan’ya kaya pinangunahan nito ang paglalakad. Nasa likod niya lang ako. Namangha ako sa ganda ng dinadaanan namin. Sa dinadaanan namin walang kahit na anong puno na nakaharang ngunit walang araw na pumapasok dahil sa mga nakapalibot na puno rito. Pansin rin nawalang kahit anong kalat maliban sa nagsisilaglagan na dahon galing sa puno.

“Saan ka ba nanggagaling binibini? At ano ang pwede kong itawag sa ‘yo?” salita nito habang patuloy parin sa paglalakad.

Nakasuot siya ng kulay dilaw na dress na walang kahit anong disenyo at mayroon pang nakasuklit na bulaklak sa kan’yang tainga.

“Miya” maikling sagot ko rito.
Nasaan na ba kasi si Tina?

“ Mila ang pangalan ko at nakatira ako sa pamilya ni Donya Isares”

Natigilan ako sa paglalakad at hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya.

Si Donya Isares ay ang ina ni Zuaro sa nobela na sinulat ko.

At si Mila ay ang pangunahing tauhan dito.

Mia AmatoWhere stories live. Discover now