Ikatlong kabanata
Isang malaking kalokohan! Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Napatigil rin ang dalaga na si Mila daw. Lumingon ito sa akin at tila hindi rin ako maintindihan. Tila tutulo na ang luha sa aking mata dahil sa kalituhan.
No’ng 16 ako ay laging sinasabi ni lolo sa akin na ang mundong ginagalawan ko no’n ay hindi bagay para sa akin. Sinabi niya na darating ang araw na mapupunta ako sa mundong para sa akin. Akala ko dati ay biro biro lamang ni lolo ang mga salitang ‘yon. Pero eto ba ang sinasabi niya? Hindi pwede!
Andito ako sa mundo ng nobelang sinulat ko.
“Binibini? Ayos ka lang ba” namulat ako sa ulirat nang muli itong nagsalita.
“Mila s-sabihin mo nga sa akin kung sino ka a-at kung anong klaseng mundo ang ginagalawan natin ngayon” kahit puno ng kalitohan ang kanyang mukha ay sinagot parin ako nito.
“A-ako si Mila, Mila Rosales. Bata pa lamang ako nang ampunin na ako ng Pamilyang Brioza. Sila ang pinakamayaman dito sa siyudad. Nagtatrabaho ako sa kanila bilang taga-luto kahit na gusto ng donya na maging parte ako ng pamilya nila pero alam ko naman na hindi ako bagay sa kanilang antas. A-at andito ka ngayon sa Cosa Dela Syudad, isang malawak na baranggay na pinamumunuan ni Don Rogelio” sinimulan muli nito ang paglalakad at sinundan ko na lamang ito.
Basang basa parin ang damit ko. Nilingon muli ako nito at kita parin sa kanyang mga mata ang pagtataka.
“A-ah Miya, sa’n ka namang siyudad nanggagaling?” tanong nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko, dahil hindi naman ako taga-rito. Onti-onti ko nang tinatanggap na andito nga ako ngayon sa loob ng nobelang sinulat ko ngunit kailangan ko parin malaman kung sino ang nasa loob ng mga pangyayari na ito at kung bakit nandirito ako ngayon.
“Sa malayo, naiagos siguro ako ng ilog kaya ako nandito ngayon” nagtaka naman ang kanyang muka pero tumango na lamang.
“Miya ilang taon ka na? Tama ba na tinatawag lamang kitang Miya?” tanong na naman nito muli.
Ang Mila na sinulat ko sa libro ay tahimik lamang at hindi palatanong. Bakit ba siya tanong nang tanong. Baka sumagot ako nang mas makakapaggulo pa sa isip niya. 18 palang si Mila, mas bata ito sa ‘kin.
“19 na ako” nagulat ito at tinakpan ang kan’yang bibig.
“P-pasensya na po ate at Miya lamang ang naitawag ko sa inyo, akala ko po ay parehas lamang tayo ng edad” paumanhin nito ay yumuko. Do’n ko lamang napansin na napatigil na kami sa paglalakad.
“Tawagin mo nalang akong Miya, kaunti lang naman ang agwat nating dalawa” ngumiti ako rito at tyaka ko lamang napagtanto
ang aking nasabi.Hindi ko nga pala siya kilala.
Tila natigilan ito at nagtaka kung bakit alam kong kaunti lamang ang agawat naming dalawa pero mas pinili niyang tumango na lamang.March 19 ang birthday niya ako naman ay April 2. Mas nauna akong nag 19 kaysa sa kan’ya.
Mahaba ang buhok ni Miya, mas mahaba sa buhok ko. Maputi ang balat nito at may katangusan ang ilong katulad ko. Kapansin pansin din ang mapupulang labi nito at mahahabang pilik-mata.
Hindi ba niya napapansin na halod magkamuka na kami?Kung hindi mo kami kilala ay aakalain mong magkapatid kami.
Ilang minuto na kaming naglalakad pero hindi parin kami makarating sa kung saang lugar niya ako dadalhin. Tinatahak parin namin ang malagubat na daan.
“Miya maaari mo ba akong mahintay rito at may kukunin lamang ako na iniwan ko rito kanina pa” huminto kami sa isang tindahan ng mga karne.
Tumango ako rito at ngumiti naman ito sa akin.Anong kabanata ito? Wala akong sinulat na kabanata na kung saan bumibili ng karne si Mila.
Sa palagay ko ay malapit na kaming lumabas dito sa kagubatan dahil marami na akong nakikitang mga tao na buti nalang ay hindi napapansin ang damit kong basa na patuyo na.
Kaunting minuto lang nang lumabas na galing sa tindahan si Mila may hawak itong buong parte ng manok.
“Tara ba Miya, ilang sandali lamang ay darating na ang mga Señorito” naglakad na ito at parang hindi man lang nakakaramdam ng pagod sa tagal ng aming nilalakad.
“Mga Señorito?” kumabog ang aking puso sa narinig.
Eto ba ang kabanata na kung saan darating ang nag-iisang anak ni Donya Isares at Don Rogelio? Pero ang sabi niya ay mga.“Oo, may tatlong anak ang Donya Isares at Don Rogelio, ang kwento sa akin ni manang Biyaya, ang isa pang kasambahay sa mansion ay galing ang mga ito sa ibang bansa kaya may alam sa Ingles. Sa maraming taon na napalayo ang tatlo ay titira na sila sa mansion dahil pumanaw na ang lolo niya na siyang nag alaga sa tatlo.”
Teka naguguluhan ako, sa aking nobela ay nagiisang anak lamang si Zuaro. Totoo na, kaya umuwi si Zuaro galing ibang bansa dahil namatay ang tagapag-alaga nito, kaya may sama ng loob ito sa kaniyang pamilya. Pero bakit ngayon ay tatlo na ang anak nila?
“Ang rinig ko pa nga na yung kanilang bunso ay may katigasan ang ulo. Mas lalo pang naging pasaway no’ng pumanaw ang lolo nito. Kaya buo na ang desisyon nila na pauwiin ang mga ito sa mansion” pagpapatuloy pa nito.
Gulong gulo na ako. Hindi ganito ang naisulat ko sa nobela. Ilang mga pangyayari lamang ang tumama.
Sa gitna nang aking pagiisip ay may isang linya akong naalala.
“Madadagdagan ang tauhan”