Chapter 2

12 2 0
                                    

Chapter 2
First Move

My myday got bombarded with more than 2k heart reacts.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para makita agad kung sinu-sino ang mga nag-react doon! It's weekend and that's the first thing I checked as I woke up. Well everytime I posted myday in my fb, I always have the habbit on checking it from time to time.

“montecarlo pala. ipapahanap ko ang may ari ng jersey na yan.”

Napabalikwas agad ako sa higaan dahil sa chat ni Kuya Al sa myday ko. It was sent last night 'tho kaya agad na akong nagtipa ng reply sa kanya with matching emoticon.

“O.A mo kuya. galing 'to sa schoolmate kong gusto manligaw saken.”

Umikot ang mga mata ko bago muling bumalik sa pagkakahiga. After a while, I carefully scanned my phone as I kept scrolling. Nadismaya na lang ako kalaunan nang nakitang halos puro spam messages ni Rafi ang tumambad sa mukha ko at ang gaga, nag-flood reacts pa ng ‘Haha’ sa myday ko.

I puffed a breath heavily. Tumunganga na lang ako sa puting kisame. Ni kahit isang react o viewed niya man lang sa myday ko, wala. Even chat convo sa Messenger, wala rin.

Well, Zamarah, you have to understand that your crush doesn't have a phone with internet connection! I reminded myself repeatedly.

As far as I know, 'di keypad nga ang cellphone no'n ni Julian.

I yawned several times. Bumangon na lang ako at nag-isip kung paano magiging productive ang araw ko ngayong weekend. Sumimangot ako nang napagtantong ako pala ang mag-isa ngayon sa bahay. Si Ate Zyrelle laging puyat at busy sa mga paper works niya sa school at si Kuya Al naman ay nasa duty. Sina Mom and Dad lagi na lang may business committments, kung wala naman, may mga pinupuntahan pang lugar.

It irks me everytime I tried to attach myself in this house. I hate that I'm still living dependently with my parents. Porke't na-late ako ng uwi noong nakaraang linggo, pinagbabawalan na akong makipagkita sa mga kaibigan ko. Hindi ko na alam kung paano at saan lulugar sa bahay na ito. Gusto ko na lamang tumulad sa mga kapatid kong nagtatrabaho. The thought of it really nudged me to get a job as much as possible, get paid because of my hard work and live independently, away from people that dictates what I must do.

"Oh, anak, hindi ka ba sasama sa'min ng Mommy mo papuntang Leg?" bungad ni Dad habang sumisimsim sa tasa at nagbabasa ng magazine sa dining area.

Umiling ako bago naupo sa silya. "Nope, Dad. Dito na lang ako sa bahay."

Nag-angat ng tingin si Dad bago marahang binitawan ang hawak na magazine. "You should come with us, Zam, para 'di ka mabagot dito tsaka para magkaroon ka na rin ng ideas pagtungtong mo ng college tungkol sa business investments and proposals."

"Dad," I probed slowly. "How many times do I have to tell you na undecided parin ako sa kukunin kong kurso sa college?"

Wala pa talaga akong alam sa business. Isa pa, malayo pa naman iyon. Magse-senior high pa nga ako.

Dahan-dahang lumapit si Dad at marahang hinagod ang likod ko. "Suggestion ko lang naman iyon anak at akala ko ba ay firm na ang decision mo roon sa kursong kukunin mo?" He sighed softly. "Susuportahan kita sa gusto mong kurso, anak... pero alam mo naman ang Mom mo. Siya palagi ang gustong nasusunod. Siya palagi ang batas dito sa bahay."

My Mom really wanted me to pursue a business related course.

And that's the effing sad truth in our family. At a very young age, I was forced to do many things that I didn't want to pursue in the first place. I was controlled over the things I wasn't capable of. As I was busy growing up, I feel constantly indifferent about which things I should consider first for me to succeed and accomplish my goals.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love in the Midnight Sky (Midnight Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon