“Nakikita nyo ba ang mga binhing ito?”
Tanong ni Teteng (Eleazar Vera, 29) sa dalawang lalaking kaharap niya habang ipinakita ang dalawang kakaibang binhi ng aswang sa kanyang palad.
Dadamputin sana ng isang lalaki ang isa sa mga binhi ngunit pinigilan siya ng kanyang kasama.
“'Wag! baka magalit si Luna.”
“Magagalit lang si Luna kung ipapaalam nyo sa kanya.” Sabat ni Teteng
“Kilala nyo ba kung sino yang mga tao sa likod ko.” Tanong muli ni Teteng. Sabay turo niya sa isang binata at isang matandang babae sa likuran niya
“Oo, si Jose at si aling Alma” Sagot ng naunang lalaki.“Walang sino man sa Bulalacao ang hindi nakakakilala sa kanila.” Sambit naman ng ikalawa.
“Para sa kaalaman ninyo, hindi nanggaling kay Luna ang mga binhi nila.”
At ganoon na lamang ang gulat ng dalawang lalaki sa narining kay Teteng
“Oo! Tama ang iniisip ninyo! katulad ng mga binhing ito ang nagbigay ng kapangyarihan sa kanila, kaya kunin nyo na ito bago pa magbago ang isip ko at ibigay ko ‘to sa iba.”
Dinampot na nga ng dalawa ang binhi ng aswang sa palad ni Teteng.
Ipapaalala ko lang sa inyo na hindi lang sa paglulon makukuha ang kapangyarihan ng mga binhi., nangangailngan ng walang kapantay na lakas ng loob o tapang kung gusto mong magamit ng buo ang kapangyarihang ng binhing iyan."Magiging kasing lakas ba ako ni Jose?" Tanong ng naunang lalaki
"Hindi mo lang mapapantayan ang lakas ni Jose., maaring mahigitan mo pa siya.Pagkatapos itong salitain ni Teteng ay walang alinlangang nilulon ng dalawa ang hawak nilang mga binhi.
----------Makalipas ang ilang araw, Sa isang malayong nayon.
Bumangon mula sa kanyang pagkakahiga ang limang buwang buntis na si Leah (31). hindi siya makatulog ng mga oras na iyon dahil sa pakiramdam niya ay init na init siya., malapit naman sa kanya at nakatutok sa kanilang magasawa ang lumang electricfan nila., ngunit tumatagaktak padin at butil butil ang pawis niya.
Tiningnan ni Leah ang asawang si Celso (30) sa kanyang tabi., himbing na himbing ito sa kanyang pagtulog. Hinipo pa niya ang balikat nito, nakita niyang hindi naman pawisan ang asawa.
Pinaypayan nalang ni Leah ang sarili habang nakaupo para maibsan ng kaunti ang init na nararamdaman. Ngunit napagod lang siya. Tumayo nalang nang tuluyan si Leah at nagpunta sa kanilang kusina para uminom ng tubig., pagkatapos ay lumabas siya ng bahay sa likod lang ng kusina para magpunta sa palikuran.
Binuksan niya ang pintuan at muli itong isinara at siyay umihi. At pagkatapos niya, nang buksan niyang muli ang pintuan ng cr ay nakita niya na may pusang itim na nakaupo sa pinakahuling baitang ng kanilang hagdan paibaba sa kanipang bahay.
Nanlaki ang mga mata ni Leah dahil kakaiba ang laki ng pusang iyon., nasa apat na beses ang laki nito sa normal na pusa. Hindi muna lumabas nang tuluyan si Leah at tiningnan muna niya ng maigi kung pusa nga ba talaga iyon at kung hindi ba siya nananaginip o namamalikmata lang.
Ngunit hindi, talagang pusa nga., sa isip ni Leah. Dahan dahang dinampot ni Leah ang plunger at dahan dahan din siyang lumabas para paluin sana ang pusa., at nang iamba na niya ang pamalo ay bigla nalang may lumabas na masamang hangin na nagmula sa itim na pusang iyon ang pumigil sa kanyang katawan para makakilos at makapagsalita. Napatigil na parang estatwa si Leah.
"Ahrrrgk! Ano ito? Diyos ko, ano pong gagawin ko?" Sa isip ni Leah.
Maya mayay gumalaw at umumang na kay Leah ang napakalaking itim na pusang iyon para sunggaban siya.
May naalalang karunungan si Leah at nabigkas nalang niya sa kanyang isipan ang salitang…
"Sa Ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo na Taga Nazareth, Lumayas Ka!"
Pagkatapos ng mga katagang iyon ay bigla nalang nagkaroon ng kakaibang lakas si Lea at siyay nakagalaw at siyay nagsisisigaw.
AAHHHH!!! ASWANG!!! ASWANG!!!
Napahiway din ng malakas ang pusa at mabilis itong lumundag paibaba sa hagdan at tumakas.
Agad namang napabalikwas ng gising si Celso nang marinig ang sigaw at agad na pinuntahan ang asawa. Nang datnan ni Celso ang asawa ay nakita niyang naginginig ito at hindi muling makapagsalita dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
STAB Episode 2
ParanormalSomeone is spreading a new breed of evil seeds more powerful and deadly than its predecessors. This is a story about a group of men called "Mananabas". Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growin...